19. Close Game

32 1 0
                                    

Nag-sisigawan ang mag-aaral ng ANHS dahil nasa freethrow line si Stephen. Gusto nila itong guluhin. Hanggang itira na nga niya ito. Tumalbog ang bola sa ring kaya nag-abang sa rebound ang mga malapit sa ring. Sumiksik si Markie at tumalon para kunin ang rebound, naramdaman niyang may tao na bumangga sa likod niya para makipag agawan sa rebound. Ang taas ng kamay nito pero bumagsak ang bola at pumasok sa ring. Bumaba siya sa pagkakatalon at nakita niyang si Stephen pala 'yung bumangga sa kaniya na tumalon ng mataas. Nagkatinginan na naman sila.

"Akala ko hindi papasok e." Sabi lang ni Stephen habang tumatakbo na pabalik ng court nila.

Nakatingin lang si Markie sa kaniya. All 88 ang score.

Commentator: All 88 ang score. Ang bilis na nakahabol ng SJA. Gumaganda ang laban guys. 3 minutes na lang ang natitira.

Hawak ni Melvin ang bola. Nakaabang lang si Markie at Genesis na binabantayan ni Stephen at Reggie. Sumenyas ng time-out ang Coach ng ANHS.

-

"All 88 na. Akala ko hindi na makakascore ang school natin." Sabi ni KC.

"Hindi maari 'yun. Papayag ba si Damasco?" Sagot ni Rachel na tila alam na ang mangyayari.

"Hindi natin alam ang mangyayari. Nagtime-out ang kalaban. Gagawa sila ng plano." Sabi naman ni CJ.

-

Nagsimula uli ang laban. Si Markie na ang kumuha ng bola dahil mahigpit ang dipensa kay Melvin. Nagdribble ito sa harapan ni Stephen. Hanggang sa pumasok ito sa loob. Pinilit nitong banggain si Stephen at tumalon. Pumito ang referee. Nabigla ang lahat dahil itinira ni Markie ng isang kamay ang bola. Pumasok ito.

"Foul, number 3. Counted." Sensyas ng referee kaya sigawan ang mga tao.

Nagreklamo si Stephen. "Walang pong foul. Ako pa nga ang binangga, muntik na akong matumba." Reklamo nito.

"Alanganin ang katawan niyo. Foul ka dahil hindi ka naman umatras. Inatake mo siya." Sagot ng referee.

"Sus." Walang magawa si Stephen. Tumingin siya sa oras. 2 minuto at 34 segundo pa ang natitira.

Isang freethrow para kay Markie. Itinira ito at nag-agawan sa rebound pero pumasok ito. 91 - 88 ang score.

"Nice." Nakipag-apir si Melvin kay Markie.

-

"NAKAKAINIS!" Reklamo ni Rachel.

Nakita nila na kinuha ni Resty ang bola kaya dalawa agad ang bumantay dito. Tumakbo si Stephen para kunin ang bola pero huli na ang lahat, naagaw na ang bola at itinakbo. Pinasa kay Melvin. Dineretso nito at pinasa naman kay Genesis at nilay-up ang bola. Nang bitawan na niya ang bola ay huli na nang makita niya ang anino ng isang kalaban nila na lumundag mula sa likod niya. Supalpal ang tira niya kaya nagsigawan ang mga tao. Tumalsik ang bola sa labas. Pumito ang referee.

"Green Ball." Sinasabing sa ANHS ang bola.

Nabigla ang ilan dahil sa supalpal na ginawa ni Stephen.

Commentator: It was a chase down block by Damasco. Nice block.

"Chase down block." Sabi ng isang teacher na nanonood. "Nakakagawa lang nito ay ang mga player na matataas tumalon at syempre magagaling din. Hindi ko akalain na makakakita ako ngayon dito sa labanan ng mga highschool."

"Oo nga. Isang matinding supalpal 'yun lalo pa't magaling din ang sinupalpalan." Sagot ng kausap.

"Alam ko na ang plano ng ANHS."

"Ano naman?" Tanong ng kausap.

"Kung sino ang hindi gaanong mahusay ang idodouble team nila. Sa amature kasi ay natataranta na ang player kapag binantayan ng matindi. Kaya naagaw na ang bola. Pero kung sa professional gagawin ang ganung dipensa ay madaling maipapasa sa libre ang bola dahil double team agad sila."

High School Superstars [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon