10. The Good News

304 20 5
                                    

Stephen's POV

Seryoso kong binabasa 'tong libro namin. Medyo nalilito kasi ako. Naramdaman kong dumating si Mommy.

"How's your day?" Bati niya sa'kin. Humalik ako sa kaniya.

"Okay lang. Mangangamusta ka na naman ba?"

"Of course."

"Okay naman ang pag-aaral." Obviously may hawak akong libro kaya alam na niya ang ginagawa ko.

"Okay ba ang school? Medyo duda kasi ako sa school mo ngayon. Balita ko, tapunan daw ng kickout kaya medyo nag-alala ako. Kaso wala ka na talagang mapasukan eh." Napaisip akong bigla. Tumabi siya sa'kin at napatingin ako sa kaniya. "Baka mapaaway o bulihin ka doon."

"Maganda ang school na napasukan ko." Nilapag ko ang libro. "I feel better." Nagkatinginan kami.

"Are you sure?"

"Yeah, I'm sure. Nararamdaman kong hindi importante sa kanila ang reputasyon. Ang importante sa kanila ay 'yung kalagayan ng mga estudyante."

"Mabuti naman." Nakatingin ako sa kaniya. She is still sitting beside me. Parang wala pang balak na pumasok sa kwarto. Makikipagkwentuhan talaga. Pagbibigyan kita.

"Lahat ng estudyante ay takot sa mga Teacher. Maybe may chance sa kanila ang mga masasamang estudyante pero they know how to handle them. Not so sure pero tingin ko dahil sa dami ng estudyanteng tamad ay hindi na nagagawang pumasok sa school namin ngayon dahil sipag ang puhunan at hindi pera lang."

"Unlike your former school? Ganun ba?"

"Opo, Ma!"

"Makahusga ka--"

"Mommy, aminin mo nang maraming school ang tumatanggap ng bayad makapasa lang ang isang estudyante. Sa baba ng sahod ng mga Teacher, may ilan sa kanila ang nakukuha sa special projects."

"Hindi ako nagbaba--"

"I know Mommy dahil mas gusto ko ang matuto. Wala namang epekto sa'kin ang ganiyang klaseng kalakaran. Ang ayoko lang. Masyadong bias ang iba. Kaya ako ang paborito dahil sa'yo."

"Hindi kita maintindihan."

"Kahit anong gawin ko ay walang problema. Nakausap ko si Mr. Tan."

"Anong sabi sa'yo."

Oo nga pala walang pa siyang alam sa nangyaring sermon sa'kin. "Ah wala naman. Pinaliwanag lang niya ang patakaran sa school. Binabagsak talaga nila ang isang estudyante nang walang awa. Kahit gaano ka pa kabait basta hindi ka natututo, ibabagsak ka. Pero kung matalino ka naman. Malaki ang maitutulong ng ugali mo. 'Yun ang pinakasuhol at hindi pera o regalo o ano mang special project para maangatan ang mas magaling sa'yo."

"Ganun ba? Mukhang mahirap ngang makapasa sa school na 'yan but anyway, wala naman akong kailangang ipag-alala pa dahil kaya mong ipasa ang 3rd year. Ang akin lang, hindi kaya mahirapan ka? Baka mamaya, pwersahin mo ang sarili mo para makapag-adjust lang."

"Sawa na ako sa kasikatan. Hangga't maaari ay mas gusto ko 'yung hindi ako ang paborito nila. As long as nag-aaral ako at natututo. May favorite Teacher na nga ako eh. Very challenging siya."

"Wow talaga? Hosya, gawin mo ang nararapat. Baka naman pag-initan ka ng mga Teacher."

"Mangyari man 'yun, hindi ako papayag na bumagsak. Importante sa'kin ay matuto at makatapos hindi mataas na reputasyon o grades."

"Oh sige." Tumayo siya. "Goodluck. nice to hear that. I thought may reklamo ka sa mga Teacher eh. I'm here just to help you." Ngumiti siya at pumasok na sa kwarto.

High School Superstars [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon