21. Fake Reaction

22 2 0
                                    

Tahimik sa eskwelahan. "Ano na kaya ang nangyari sa laban?" Tanong ng isa sa kaklase ni KC. Kasalukuyan na may teacher silang tahimik na may pinapakopya.

"Ano ba 'yang bulungan na 'yan?" Saway ng teacher. "Magsulat muna kayo bago magkwentuhan a."

Tumahimik ang lahat. Maya maya lang ay naramdaman nilang pumasok sa malaking gate ang isang bus. "Andiyan na sila." Masayang sabi ng isa.

Lumabas ang lalaking guro nila para tignan ang mga dumating. "Andiyan na pala sila." Sabi nito. "Nagtext sa'kin si Ma'am Guinto, ang galing daw pala maglaro ni Damasco. Siya ang gumawa sa laban."

Namangha ang mga estudyante. "Talaga? Hindi ako makapaniwala." Sabi ng isa. "Buti pa sila Cardona nakapanood."

"Sir, sino po ang nanalo?" Tanong ng isa.

"Natalo daw tayo. Sobrang dikit at minalas lang. Pero kaya daw ng team natin ang kalaban. Sayang."

-

"Magbihis muna tayo." Yaya ni KC sa dalawang kasama niya. Bumaba na ang lahat kasama ang mga player. Napansin ni KC si Stephen na seryoso lang na naglalakad kasama ang mga kakampi niya. Nakita niya ang kuya niya pero hindi niya ito kinausap.

-

KC's POV

Hindi ko tuloy makausap miski si Kuya Reggie. Baka isipin ng Stephen na 'yan, nagpapapansin ako. Haaaay. Ayokong isipin niya na porke magaling siyang magbasketball--magpapakumbaba ako. Pipilitin kong maging pormal na lang sa kaniya. "KC, bilisan mo." Pagmamadali ni Rachel sa'kin. Gusto na niyang magbihis agad. Kasi naman e, hindi niya nararamdaman ang nararamdaman ko. Hindi naman kasi porke galit ako kay Stephen, ayoko na siyang makita. Teka, galit ba ako sa kaniya? Hindi na nga pala. Naawa nga pala ako sa kaniya.

Nagbihis kami at pumasok na sa room. Nakita ko si Sir Vic. "KC, nasaan si Ms. Rose?" Tanong niya sa'kin. Inalala ko ang nangyari. Hindi ko matandaan.

"Ewan ko lang, Sir." Sagot ko.

"Kasama mo hindi mo alam?"

"Eh, Sir baka nasa Faculty Room na."

"Si Damasco, Nasaan?" Grabe siya sa tanong.

"Hindi ko din po alam." Sabi ko kasi baka sabihin alam ko kung nasaan si Stephen tapos si Ma'am Rose hindi.

"Akala ko alam mo e." Umupo na kami. Grabe makatingin si Sir. "Malay ko bang hindi mo pala siya kasama." Nagtawanan ang ilan sa mga kaklase ko. Nahiya tuloy ako. "Bestfriend mo pa naman siya." Muli na naman silang nagtawanan. Sa pagkakataon na ito pati si CJ at Rachel tumatawa na.

"Sir, hindi." Wala talaga akong masabi.

"Nagtext sa'kin si Ms. Rose, sinipa daw ni Damasco 'yung basurahan sa dressing room. Napakamalas daw kasi. Mainitin pala talaga ang ulo niya."

Oo nasabi nga ni Ms. Guinto na sinipa nga daw ni Stephen 'yung basurahan. "Opo nga daw. 2 points lang po kasi ang lamang tapos minalas pa." Sagot ko lang.

"Ngayon alam mo na a."

"Ano po 'yun, Sir?"

"Huwag mo nang painitin ang ulo ni Damasco." Nagtawanan na naman sila. Si Sir naman parang ako agad ang napagtripan.

"Sir, hindi a." Napayuko lang ako. Feeling ko ang lungkot lungkot ko.

Maya maya lang ay dumating na ang adviser namin na si Miss Guinto. Umalis na si Sir Vic. "Nasaan na ba tayo?" Nagbuklat siya ng libro. Teacher namin siya sa Filipino. Tumingin siya sa'kin. "KC, pwede ba ikaw na ang magsulat kay Damasco?"

High School Superstars [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon