20. Uncontrollable

31 1 0
                                    

Nag-aabang ang lahat sa bola nang itinira ni Markie ang bola. Sumablay ito at nag agawan ang lahat sa rebound. Nagsigawan ang mga tao. Nakakuha ng offensive rebound ang isang manlalaro ng ANHS at agad ipinasa kay Genesis at ipinasa kay Markie. Sigawan ang lahat sa nangyayari. Inis na inis si Stephen dahil hindi nila nakuha ang bola. Ito ay na-kay Markie na at seryosong nakatingin kay Stephen habang nagbabantay ito sa kaniya. 38 segundo na lang at all 91 ang score. Nagdribble na naman si Markie at pumasok sa dipensa.

Commentator: Herrera drives and wanted to get scores.

Pero pinasa ni Markie kay Melvin na nasa three point area. Dahil nakatutok kay Markie ang dipensa ay nalibre agad itong si Melvin. "Itira mo na, Melvin!!" Hiling ni Markie at itinira ito.

Nakatingin ang lahat sa bola. Dahan dahan itong lumapit sa ring.

Sumablay na naman at sa pagkakataon na ito ay narebound na mismo ni Markie dahil sadyang sa kaniya napunta ang bola. 30 segundo ang nalalabi at sigawan ng sigawan ang mga tao sa maaksyon na pangyayari, inilabas ni Markie ang bola at agad binantayan ni Stephen na kanina pa pikon na pikon. Pinilit niya agawan si Markie kaya natapik niya ang bola at lumabas ang bola sa guhit. Pumito ang referee.

Commentator: Natapik ang bola at still same ball. ANHS ang bola.

Kinuha ito ni Melvin at naghanap ng mapapasahan. Nakita niya si Genesis at ipinasa dito. Binantayan agad ito ni Reggie at si Markie at Stephen naman ay magkadikit lang. Hanggang dumakbo si Markie sa loob dahil nakahanap ng bukas na dipensa.

"Gen, ipasa mo dito!" Sabi nito habang pumapasok sa loob kaya agad pinasa pataas ni Genesis ang bola malapit sa ring dahil nandoon si Markie. Nakuha ni Markie ang bola habang hinahabol ito ni Stephen, tumalon agad si Markie at nilay-up ang bola. Pumasok ito. Sigawan ang team ng ANHS at iba pang nanonood.

Lamang na ang ANHS. 93 - 91. Agad tumawag ng time-out ang SJA. 24 segundo ang nalalabi.

Tahimik ang grupo ng SJA maging ang ilang guro na nanonood. Nakayuko lang si Stephen at nanlilisik ang mga mata. "Stephen, kaya mo 'yan!" Sabi lang ni KC habang nakatingin dito. Hindi na nagsalita si Rachel at CJ. Nalulungkot lang ang mga ito.

Lumapit si Stephen sa Coach. "Stephen, pilitin mong makatira ng maayos sa malapit sa ring. Narinig mo a. Malapit sa ring. Maayos na tira. Ipasa mo kung medyo alanganin. Pero bago 'yan, kailangan mong makuha ang bola sa inbound."

Naka-upo lang si Stephen habang may twalya na nakapatong sa ulo niya. "Opo, Coach." Sagot niya. "Ngayon pa minalas. Nakakainis!" Tumingin sa kaniya ang lahat.

"May pag-asa pa tayo. Kasama sa laro ang mga ganiyan. Hindi kasi natin alam kung saan pupunta ang bola." Sabi uli ng Coach.

"Ako na ang maglalabas ng bola para siguradong maipapasa." Sabi ni Reggie.

Nagsalita uli ang Coach. "Bantayan niyo si Herrera pero hindi ibig sabihin iiwan niyo ang mga dipensa niyo. Screen play gaya ng ginawa nila para makuha ni Stephen ang bola. Maliwanag ba?"

"Opo, Coach!!"

-

Nagsimula uli ang laban.

"Kailangang makascore ng SJA." Sabi ng isang guro na nanonood. "Madali lang naman makuha ang bola kung isasara ng ANHS ang dipensa at hindi didipensahan si Damasco. Pero kung mag-ma-man to man defense sila ay mahihirapan na ipasa kay Damasco ang bola pero oras na maipasa ito ay luluwag ang dipensa ng ANHS at baka maka-easy basket ang SJA."

"Tignan na lang natin." Sagot ng kausap.

Naghanap ng mapapasahan si Reggie pero agad nakuha ni Stephen ang bola at binantayan agad ni Markie.

High School Superstars [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon