8. Sermon

265 22 2
                                    

CJ's POV

"Kapag sinabi kong tabi.. tumabi ka na agad." Sabi pa ni Stephen bago umalis. Hawak ko ang kamay ni KC. Lagot na.

"Ang yabang mo, Stephen!" Narinig ko si KC. Medyo kalmado naman siya. Akala ko naman apektado siya maigi eh. Hindi naman pala.

"Hayaan mo na." Bulong ko. Malamang maiinis na siya kay Stephen kaya magbabago na naman siya.

"Akala mo naman kung sino siya." Sabi naman ni Rachel.

Napansin kong nakatingin ang ibang kaklase namin. Alam naman nila na medyo napahiya si KC kasi alam nila kung sino ang madalas na lapitan nito. Huwag naman sana nilang pagtawanan. Pero hihilahin ko pa lang si KC ay nagtaka na ako. Nakatingin parin siya sa may pinto. "KC." Bulong ko.

Nagkatinginan kami ni Rachel. Biglang tumakbo si KC. "KC saan ka pupunta?!" Tanong ni Rachel.

Shocks. Akala ko ayos lang siya. Tumakbo kami ni Rachel para sundan siya. Nakita namin siya na papunta sa canteen. Masalubong namin si Ate Mykee kasama ang mga classmate niya. "Rachel. Bakit hindi ako pinansin ni KC? May problema ba?" Tanong niya ng makita kaming tumatakbo. Tumigil kami saglit.

"Wala Ate Mykee. Kwento ko na lang mamaya." Tinuloy namin ang pagpunta sa canteen. Nakita namin si KC na umupo sa mahabang mesa na walang estudyante.

"KC!" Tinawag siya ni Rachel. Dumiretso kami sa kaniya. Umupo kami sa tabi niya kabilaan. Nakita namin na may luha ang pisngi niya. Nakatitig siya sa lamesa sa harapan niya.

"Kasi naman eh." Nag-alala talaga ako. Hinimas ko ang likod niya. Nagkatitigan na naman kami saglit ni Rachel.

"Hayaan mo na 'yun KC. Let's go. Flag ceremony na." Natural na sabi ni Rachel. "Gago pala siya eh. Porke gwapo siya mayabang na siya."

"KC, tara na."

Pero may narinig kaming boses galing sa entrance ng canteen. "Kayseeee!" Boses ni Ate Mykee. Napansin kong mag-isa siyang papalapit. "What's the problem?" Nakatingin siya kay KC.

Nagkwento kami ng nangyari.

"So bad." Komento ni Ate Mykee. "Kung alam ko lang na badboy pala siya sana hindi na ako nakipagplastikan. Mukha kasi siyang mabait. Maybe akala niya nature na talaga ni KC 'yun kaya hindi niya alam na may sinaktan siya na higit pa sa inaakala niya."

"Inaasahan na niya 'yun Ate." Sabat ni Rachel. "Ang kaso, wala siyang pakialam sa damdamin ng iba." Malungkot din naman ang itsura ni Ate Mykee.

"Aral na sa'yo 'yan, KC ah. Hindi porke crush mo, kakausapin mo na kung gusto mo." Malungkot na advice ni Ate Mykee.

Tumunog ang bell. "Tara na." Sabi ko kasi flag ceremony na.

"Kayo na lang." Sa wakas nagsalita si KC.

"Hindi pwede. Mapapagalitan ka." Tanggi ni Rachel.

"Sige ako na ang bahala. Mauna na kayo. Sagot ko siya sa Teacher niyo." Sabi ni Ate Mykee. Umalis na kami. Alam kong panatag naman din si Rachel. Medyo sensitive pala si KC. Hindi niya alam ang lahat ng ugali ng tao. Marami naman siyang binabati na tao pero iba si Stephen. Nagkataon siguro na badboy tapos nagkataon din na crush niya. Nagsabay pa.

Natapos ang flag ceremony. Nasa loob na ng room si KC. Malungkot parin ang itsura. Hinawakan ko ang balikat niya. "KC kalimutan mo na 'yun." Bulong ko. Pero tulala parin siya.

"Ayan kasi. Ang kulit kulit mo!" Narinig na naman namin si Clara. Pinarinig pa niya kay Stephen 'yun. "Hindi lahat ng lalaki dito sa school kaya mong landiin!" Napatingin na din si KC sa kaniya.

High School Superstars [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon