Unexpected 30

9K 380 10
                                    

Chapter #30

Channel's Pov:

Gabi na, mas minabuti kong pauwiin nalang sina Kuya at bukas nalang bumalik para makapagpahinga, si Cindy naman nagpa iwan dito kasama ako. Kailangan ako ni Gino ngayon diko sya iiwan.

Bumukas ang pinto ng room at nakita ko ang Daddy nya, kilala ko kasi sya sa campus, and yung Mommy nya, tapos sa likod ng mag asawa andun si Lorraine.

Tumayo ako para salubungin sila.

"Sir , Maam I'm sorry po" nakayuko kong paghingi ng tawad sa kanila.

"Its ok iha , walang may gusto sa nangyari" sagot nung daddy.

"Iha naman, bakit ayaw mo daw magbigay ng statement sa mga pulis, pano ang anak ko, ganyan nalang? walang magbabayad sa ginawa nila, look my Gino" nangangatal na naiiyak na sabi ng Mommy ni Gino sakin.

"Sorry Maam, sa totoo lang po, misunderstanding lang ang nangyari, isa sa mga nakalaban ni Ginong Gang yung kumidnap sakin, then tinawagan nila si Gino at pinapunta sa location kung asan ako para sa safety ko, pero pumunta po si Gino para sakin. Alam ko po dun palang kasalanan ko na. Pinatakas nila ako ng dumating si Gino, maging si Gino nagalit nung ayaw kong umalis kaya naman tumakbo po ako palabas, pagkalabas ko nakarinig ako ng putok ng baril, agad agad akong bumalik para makita kung anong nangyari pero wala namang nabaril, ewan ko bat may nagpaputok, tapos nun binugbog sya ng 10 guys. Sobrang naawa ako sa kanya diko alam ang gagawin ng may nakita akong malaking bag, binuksan ko ito at may lamang baril at mga bomba. Wala nakong choice pumasok ako sa loob para iligtas si Gino kahit alam kong malabo, nagsitigil sila ng sumigaw ang itigil na nila iyon, sa una palang alam kong hindi sila talagang masasamang tao, nalaman ko din na ginagawa nila yun dahil sa ang kapatid ng leader ng gang ay nag aagaw buhay dahil kay Gino, kaya naman pilit kong paliwanagin ang isipan nila sa kung ano ang tama, sinabe nyang patay na ang kapatid nya . Alam kong masakit mawalan ng mahal sa buhay pero sa kabila ng mahaba kong paliwanag sa kanila, pinatakbo na nila kami . Ayaw ko pong magbigay ng statement dahil nangako akong walang makukulong, nagpadala pa po ng sulat yung leader sakin, eto po .. Alam ko pong ito rin ang gustong gawin ni Gino, nagbago na po sya, at alam kong kaya ding magbago ng mga taong yun
, im sorry Maam and Sir." mahabang paliwanag ko.

Nakita kong iyak ng iyak ang mommy ni Gino sa daddy nya.

Muli na namang nagpatakan ang luha ko kasabay ng paghaplos ni Cindy sa likod ko.

Lumapit si Lorraine kay Gino at nagsalita, habang inaayos ang buhok nito.

"Tama lang pala ang ginawa kong pagtahimik, atleast nakaligtas si Channel" sabe nya tapos tumingin sakin.

"Yun nga lang tama ako ikaw naman ang napahamak, wala eh kung anong gusto mo dun ako, ginusto mong mailigtas si Channel kahit mapahamak ka, dun na din ako, atleast alam kong dun ka masaya" mahabang sabi nito kay Gino.

"Lorraine? dito kaba muna? pinapatawag kami sa office now na" sabe nung daddy ni Gino.

Lumingon naman kami sa kanya.

"No Tito , sasama nako" sagot naman ni Lorraine.

"Channel , wala kabang pupuntahan? pwede bang ikaw muna dito? Nagkaroon kasi ng malaking problema sa kompanya namin, hindi kona alam ang gagawin" pakiusap pa nya.

"Ok lang Sir , ako nalang po muna dito" sagot ko .

"Ok thank you" sagot nya then inalalayan na ang asawa nyang hanggang ngayon mukang shock padin.

"Hindi, Hindi ko iiwan ang anak ko" umiiyak na tutol ng mommy ni Gino.

"Hindi kita pwedeng iwan dito, sumama kana sakin babalik din tayo agad pangako" sagot ng daddy ni Gino at inalalayan ang asawa.

Unexpected Love Story (BOOK1-COMPLETED)Where stories live. Discover now