Unexpected 03

16.9K 534 13
                                    

Chapter #3

Cindy's Pov:

Monday morning, sarap naman sa feeling ng fresh air, kesa sa nakakasawang amoy ng aircon sa loob, btw nandito ako ngayon sa labas ng room bale sa 3rd floor, room namin, ayoko muna pumasok, mabababad na naman ako sa lamig, hinihintay ko kasi si Channel, habang nakasilip sa baba. Bakit kasi napaaga ako ngayon nakakabagot, at take note nawala na sa isip ko yung project materials na kelangan ngayon, di ako nakabili kahapon, patay ako neto ngayon.

After a few minutes na paghihintay nakita ko na syang paakyat dito sa taas. Nang makadating sya ay yinakap ko agad sya ng mahigpit.

"Hi Channel, i miss you" bati ko sa kanya, aba kelangan ko magpacute sa kanya ngayon, kelangan ko sya para dun sa project.

"Nakain mo? bat ang OA mo ngayon?" sagot nya.

Grabe naman obvious ba talaga? O malakas lang makiramdam?

"Ano kasi eh, yung ano, yung about sa pro---"  naputol yung sasabihin ko kasi nagsalita na sya.

"Yung about sa project, don't worry binilhan na kita, inaasahan ko na naman to eh" sagot nya.

"Nako! Da best ka talaga!" nakangiting papuri ko sa kanya.

"Tara na nga sa loob" walang emosyon nyang sagot, ewan pero parang may mali sa kanya, parang malungkot sya or sad? Joke ko yun tumawa kayo!

Pumasok na kami sa loob at umupo na, habang hinihintay ang aming napakakupad na guro, nagkwento sya about Gino, inagaw daw kasi yung Teddy Bear nya, at ngayon eto at humihingi ng tulong para makabawi kay Gino, ako talaga? at ano kayang alam ko sa ganito at isa pa napakatapang naman nya para banggain si Gino Santiago!

"Please Cindy, sige ka di kita ishashare sa project materials, bahala ka kay Sir" pananakot nya.

"Pasalamat ka may pantakot ka sakin ngayon, kasi kung wala, hindi talaga ako sasakay sa kagagahan mo" naiinis na sagot ko naman.

After ng ilang minutong pagdadaldalan ay dumating na nga si Maam, wala naman nangyari sa tatlong oras na klase sa ibat ibang asignatura , kaya tulad ng nakasanayan, break na at ngayon namin gagawin yung devil plan ni Channel kay Gino, ang heartthrob sa campus na to, ang pinakasikat sa school na to! at ang hinahangaan ng lahat sa school na to.

"Bakit ba sa daming tao dito, sya pa yung binangga mo? alam mo bang napakalaking kaGAGAHAN tong gagawin mo?" paliwanag ko sa kanya.

"Eh sa sya yung may atraso sakin eh" sagot naman nya.

"Eh bat kaba babawi eh diba quits na kayo?" sagot ko naman sa kanya habang umiiling iling, ako ang kinakabahan sa mangyayari eh.

"Anong quits ka dyan? wala akong ginagawa sa kanya, samantalang sya napakarami na!" tanggi naman nya.

"Remember yung paninira mo sa kanya sa cafeteria" direktang sagot ko.

Kita ko na nagulat sya sa sinabi ko kasi di agad sya nakaimik.

"Pano mo nalaman yung about dun?" tanong nya.

"Grabe ka, wala ka talagang alam, kanina ka pa pinagchichismissan sa tabi tabi, kumalat na yung balita kasi may nakarinig sayo sa cafeteria na paninira kay Gino" paliwanag ko.

"What!!!!" gulat na sigaw nya.

Halos matunaw sya sa sinabi ko, grabe wala talaga syang pakiramdam eh kanina pa kami pinagtitinginan.

Unexpected Love Story (BOOK1-COMPLETED)Where stories live. Discover now