Unexpected 22

9.4K 324 3
                                    

Chapter #22

Channel's Pov:

Hindi ko namalayan ang bilis ng araw Dec.17 na at bukas christmas party na, parang kahapon lang yung mga nangyari, hindi kona ikwewkwento pa ang aming away ni Kuya, naging maayos din naman sa huli thanks God kasi for the first time pinakinggan nyako, ansabe nalang nya wag na wag nakong lalapit kay Gino Santiago.

So nandito kami ni Cindy ngayon sa room halos lahat busy may kanya kanyang ginagawa may mga nagdedecorates may mga nag lilinis at may mga nag cecellphone lang like Gino, yan na naman sya, yung mga pormahang pamatay, nakacivilian kami today kasi wala namang klase nakakatuwa nga eh parang lahat excited na.

"CHANNNNN!" nagulat naman ako sa pagsigaw ni Cindy.

Agad ko naman syang nilingon .

"Ano?" tanong ko.

Wala man lang nakarinig sa boses ni Cindy eh ang lakas kaya, palibhasa mga busy, pero ayos nga yun eh hindi naman dapat sila gumagawa nito pero gagaling nila, habang kami ni Cindy nakaupo lang.

"Wala pakong nabibili para sa nerd nato" sabi nya.

"Nabibili?" nagtatakang tanong ko.

"Christmas gift" sagot nya.

shockks ako din.

"Ako din Cindy" bulong ko.

"So ano pa inuupo upo mo dyan tara na." sabi nya sabay tayo at nag ayos ng sarili.

"Wait tignan ko lang yung gusto nitong sakin" sagot ko sa kanya then naglakad sa unahan kung saan andun yung wishlist grabe tagal na neto dito ngayon kolang naisipang tignan.

So hinanap ko si Santiago kasi una last name sa list. And ayun sya.

Santiago, Gino - Guitar

Guitar? seryoso? kelan pa nya nakahiligan yun? So what naman diba? eh di yun, kung yun gusto nya eh, pero diba parang ang mahal naman.

"Grabe 3wattpad books" rinig kong angal ni Cindy.

Napatawa nalang ako malamang nerd books is life, kasi 500up yung usapan dito samin kaya puro mahal nasa wishlist.

"Tara na nga" sabi ni Cindy.

Tinanguan ko naman sya.

Lalabas na kami ng room ng nilingon ko si Gino, ayun busy sa phone padin.

Tuwing nakikita ko si Gino yung girl na nagbanta sakin ang naaalala ko, sino ba sya? bakit diko sya nakikita dito sa campus.

So yun na nga bumaba na kami.

Pwede naman lumabas pasok today kasi nga wala namang klase.

Pagkalabas namin ng room may mga taong nag aayos din sa labas, mapapawow kanalang sa efforts nila dito lalo na dun sa stage nakakainlove. Ano kayang ganap dito bukas, wala kasi akong alam.

"Chan, nasabi ko na sakin sino ba kasing sayo para matulungan kita sa gift"  sabi ni Cindy.

Bigla namang nagbalik sakin ang sinabi nya kanina si Nerd daw? Si Myra lang naman nerd samin kaya sya yun.

"Di nga kasi pwede" sagot ko.

Inikutan nyalang ako ng mata then nagpatuloy na sa paglalakad. Mag tataxi kami ngayon wala kasi si Tyron hindi na pumasok may gagawin daw kasi sya, kaya wala kaming service today, commute lang.

So after a minutes na paghihintay may taxi namang tumigil sa harap namin.

Sumakay naman agad si Cindy kaya sumakay nadin ako.

Unexpected Love Story (BOOK1-COMPLETED)Where stories live. Discover now