Unexpected 08

11.2K 405 10
                                    

Chapter #8

Alvin's Pov: 

Buong araw syang hindi kumain kahapon, hindi ko na alam ang gagawin ko, nakailang sorry nako pero di man lang nya ko pinagbuksan ng pinto, 5:20am na pala, makapagluto na lang at makapag sorry ng maayos mamaya kay Channel kasalanan ko to eh, pakiramdam ko napakasama kong kapatid.

Habang nagluluto biglang nag ring yung cellphone ko.

Calling Mia ____

Ni-reject ko nalang yung tawag nya, wala pakong alam na isusumbat at sasabihin sa kanya. Nung matapos ako magluto, naalala ko yung meeting kahapon, sayang yun, napakalaking advantage sana nun para mapromote yung products namin ang kaso nagkaaway nga kami ni Channel.

6:00am na, napagdesisyunan kong gisingin na si Channel, sigurado akong gutom na gutom na yun.

Paakyat na ko ng hagdan ng biglang nagring na naman yung cellphone ko, hindi ko nalang pinansin, si Mia lang ulit yun.

"Channel buksan mo yung pinto, sorry na" pag-uusisa ko.

"Leave me alone Kuya! I hate you!" sigaw nya.

Hanggang ngayon sobra padin ang galit nya sakin, hindi ko naman sinasadya na magkataasan kami ng boses kahapon tapos nasabihan ko pang kung ano ano, bakit kasi di ko makontrol yung sarili ko.

"Channel  sorry sa mga nasabe ko sayo kahapon nadala lang ako ng galit at emosyon, buksan mo na to, kahapon ka pa di kumakain" pag-aalalang sagot ko.

Di na sya nagsalita. Wala nakong magagawa kundi buksan na ang pintong to, di ko naman sya pwedeng hayaang hindi kumain, magkakasakit sya, pumunta ako sa kwarto ko para kunin ang susi ng kwarto nya, pagkakuha ko bumalik nako sa kanya at binuksan ang pinto ng room nya.

"Channel" bungad ko sa kanya.

"Ano ba Kuya umalis ka dito! hindi kita kailangan" naiiyak na naman sya habang tinutulak ako palabas, agad ko naman syang yinakap, hindi ko alam pero naiiyak ako sa nakikita ko, sadyang si Channel ang kahinaan ko, sobra akong naguguilty sa nagawa ko, namumugto yung mata nya, halatang halata na magdamag syang umiiyak.

"Channel sorry, ngayon alam ko na yung totoo, patawarin moko" sagot ko habang nananatiling nakayakap sa kanya, ayokong nakikita syang umiiyak, pakiramdam ko nasasaktan din ako.

"K-kuya,mas deserve ba si Ate Mia kesa sakin? mas mahalaga ba sya?" nauutal nyang tanong habang umiiyak padin.

"Pls Channel, stop crying, alam mo ang sagot dyan, Ikaw, ikaw lang yung pinakamahalaga sa lahat, mawala na lahat wag lang ikaw, nadala lang talaga ako ng galit kahapon" paliwanag ko sa kanya.

"Kuya, sinabi ko na sayo niloloko ka lang nya, umaasa ako na maniniwala ka sakin pero mas pinaniwalaan mo yang sarili mo" naiiyak nyang sagot.

"Sorry Channel, hindi na mauulit, tara na sa baba, kumain kana please" pakiusap ko sa kanya. Bumitaw naman na sya sa pagkakayakap sakin at nagpunas ng luha.

"Sunod nako Kuya" mahina nyang sagot.

Bumaba nalang ako para asikasuhin yung breakfast namin, tinignan ko muna yung cellphone ko kung anong oras na ba.

6:28am na, at may missed call. Pagtingin ko si Miles, akala ko si Mia ulit kaya binalewala ko kanina, ano kaya kelangan nya, tinawagan ko nalang sya para malaman.

Calling Miles ___

hello? - siya

hello Miles, pasensya ka na ha nagluluto kasi ako di ko alam na tumawag ka pala, bakit pala? -ako

Unexpected Love Story (BOOK1-COMPLETED)Where stories live. Discover now