Unexpected 15

10K 400 9
                                    

Chapter #15

Cindy's Pov:

"Bakit nya nagawa sakin yun? pano nya nagawa sakin ang ganon kalaking panloloko, bakit ang tanga tanga ko at hindi ko man lang namalayan na lahat pala ng yun ay isang kasinungalingan lang! akala ko sya na, akala ko nahanap ko na pero hindi pa pala, at hinding hindi na! ayoko na!" sigaw ko.

"Cindy tama na yan, wag mo ng isipin yun" pagpapahinahon sakin ni Tyron .

"Tyron! bakit ganon sya? ang sama sama nya!" sigaw ko ulit.

Inihiga nya yung ulo ko sa balikat nya habang hinahaplos yung likod ko.

"Ssshhh, tama na nga yan, siguro hindi lang kayo para sa isa't isa, alam ko may nakalaan para sayo sa ganda mong yan" sagot nya, na alam ko namang sinasabi nya lang para mabawasan yung dinadamdam ko.

"Kahit na, sapat na dahilan na ba yun para gawin nya sakin yun?" sagot ko.

"Tyron! Cindy tara na ok na yung gamit natin" napatingin naman ako sa sumigaw, si Shiela.

"Sige Shiela" sagot naman ni Tyron.

"Ano Cindy tara na?" pag aaya sakin ni Tyron.

Tumayo nalang ako ng hindi nagsasalita, ayoko na ayoko na talaga, mababaliw na ata ako!

"Cindy ok ka na ba?" tanong ni Channel.

Di ko nalang sya pinansin, simula kasi nung nalaman kong sya yung reason kung bakit niloko lang ako ni Oscar at ginamit, nainis nako sa kanya, alam ko wala syang kasalanan basta naiinis lang ako, feeling ko isa sya sa dahilan sa paggamit sakin.

Nakita kong yumuko sya at bumalik sa kama.

"Tara na!" bungad ni Shiela.

Kinuha ko nalang din yung gamit ko at lumabas na kami ng room.

Tahimik lang kaming apat naglalakad.

"Maam.Cindy, akala ko po next week pa yung out nyo?" tanong nung isa sa staff namin dito sa resort.

"May aasikasuhin pa kasi ako eh" mahinang sagot ko.

"Ah sige Maam. balik kayo ah, ingat po" sagot nya.

Nginitian ko nalang sya ng peke bago kami lumabas ng resort.

"Magjejeep tayo ngayon" sabi ni Tyron bago tumingin samin ni Channel.

"Ok lang yun" sagot naman ni Channel.

"Mga 30 minutes lang naman tayo sa jeep tapos sakay na tayo sa bus" sagot naman ni Tyron.

"Cindy? ok lang ba sayo?" biglang tanong ni Channel.

Lumakad nalang ako at hindi sya pinansin.

Narinig ko pang sinabi ni Tyron na.

"Hayaan mo nalang muna sya"

Tumigil kami sa tapat ng waiting shed para maghintay ng jeep daw.

"Ayann, may jeep na!" masayang sigaw ni Shiela.

"Wag tayo dyan puno eh" sagot naman ni Tyron.

Tama naman sya, grabe san ako pwepwesto dyan.

___

Gino's Pov:

Alam ko naman na lahat to kasalanan ko, lahat ng nangyari kasalanan ko, halos lahat naman kasalanan ko eh!

Nakita kong lumabas na sila ng resort, ang sakit lang na kaya nasira yung bakasyon nila ay dahil sakin, dahil sa katangahan ko.

"Umalis na pala sila" bungad sakin ni Mike.

Unexpected Love Story (BOOK1-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon