Unexpected 10

10.9K 363 25
                                    

Chapter #10

Channel's Pov:

Thursday, simula nung Monday na sinira ni Stephanie yung araw ko, tinigil ko na din yung pagtututor kay Gino, ayokong lumaki pa yung issue na yun, pinaki-usapan ko si Sir. at naiintindihan naman daw nya, salamat naman, akala ko out na yung journey ko, eto namang si Cindy, simula nung Monday naging active, positive tapos laging masaya at nakangiti, hindi na sya tulad nung dati na laging nakasimangot, ang laki ng naging pagbabago nya, tapos palagi nya nakong iniiwan mag-isa dito sa bench, lagi kasi syang sa cafeteria nag brebreak kasama si Oscar, siguro yun yung dahilan kaya sya biglang nag-iba, pero lagi naman nya kong sinasama, eh kaso remember layo layo kay Gino, simula naman nung Monday na nangyari yun, hindi ko pa sya nakikita at salamat naman kasi ayoko na syang makita, by the way si Tyron na yung kasama ko tuwing break, nung nalaman nya ngang nagdadala nako ng baon, nagdala na din sya napakadami nga lang.

"Channel alam mo na bang nanliligaw si Oscar kay Cindy?" tanong ni Tyron, bumalik ako sa katinuan nung nagsalita sya.

"Hah? si Oscar? nililigawan si Cindy? kelan pa?" tanong ko.

"Ang slow mo talaga" natatawang sagot nya sabay gulo sa buhok ko.

"Di mo ba napansin na simula nung lunes na iniwan ka nya dito at pumunta sya sa soccer grounds, nag iba na sya, lagi na syang nakina Oscar, tsaka isa pa narinig ko yung pinag-usapan nila sa may soccer grounds kasi nandun ako" mahaba nyang paliwanag, teka diba nagpaalam sakin si Cindy nung iniwan nya ko dito na may kukunin lang sya sa locker? so nagsinungaling pala sya, nakipagkita lang pala kay Oscar.

"Talaga? kaya naman pala biglang nag-iba ang aura ng babaeng yun, baka mawalan na sya ng time sakin" malungkot na sagot ko.

"Hindi naman sa ganon, hindi naman ganon si Cindy, masaya lang sya" sagot ni Tyron.

Sabagay may point naman sya, crush naman talaga ni Cindy si Oscar or sa madaling sabi, basta gwapo crush nya na, at crush din naman ni Oscar si Cindy kaya ok na din, isa pa mabait naman si Oscar para sakin unlike Gino.

"Kumain ka na nga lang dami mong nalalaman dyan eh" natatawang sagot nya.

____

Gino's Pov:

Hindi ko na to kaya, bakit ganito? kasalanan ng babaeng stephanie ba yun? ginamit ko lang naman sya na girlfriend para ipakilala sa daddy ko, tapos magpapakilala sya sa buong campus na she's my girlfriend, ang kapal ng mukha nya, tapos sinugod at sinaktan pa pala si Channel, ayan tuloy lahat nawala lahat nasira, next week mawawalan na ng pasok, bale 2 weeks yun sembreak. Di ko na sya makikita, buti pa tong si Oscar mukang nafafall na dito kay Cindy, sabi ko naman gamitin lang si Cindy para mapalapit sakin si Channel ang kaso di naman daw nya mapasama, ang tigas talaga ng babaeng yun. Sabi ko kasi kay Oscar ligawan nya si Cindy para mapalapit din sa barkada si Channel, ang kaso nga lang muntanga yung babaeng yun. Nagtataka siguro kayo kung bakit nalaman kong si Stephanie yung reason kaya nag out sa pagtututor sakin si Channel .

•FLASHBACK•

Habang busy si Sir.Marco sa pagdidisscuss, eto ako at nagcecellphone, ayoko kasing makita ni Sir na may pinagbago ako baka matapos na si Channel sakin, pero bakit ba kasi ayokong mawala sya, nakakainis kasi ang tomboy na yun, dahil walang magawa eh tinext ko si Channel na daanan ako dito, after a hour natapos yung klase kaya unti unting naubos yung studyante, aalis na sana ako kaso pina stay ako ni Sir.Marco, ano ba kasing kelangan ng matandang to.

"Bakit Sir?" tanong ko.

"Tapos na ang pagtututor sayo ni Channel" mahinahong sagot nya, nagulat naman ako sa sinabi nya, panong tapos na?

Unexpected Love Story (BOOK1-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon