SB: The Truth

126 11 0
                                    



Title:

Sleeping Beauty: The Truth

SB Twenty-Four

There are truths that need to be reveal but there are truths that can hurt you so badly. Isang katotohanang mahirap tanggapin ngunit nanaisin mo pa ring malaman para na rin sa ikatatahimik ng iyong kalooban. Pero kaya mo nga bang malaman ang isang katotohanan kung ito ay may kinalaman sa iyong hinaharap?

(*** - *** - ***)

- 07th October 2017

Mactan-Cebu International Airport

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya nang makarating na sila sa Cebu. Hanggang sa mga oras na iyon hindi pa rin siya makapaniwalang makakabalik silang muli roon ngunit sa isang kondisyon. Isang katotohanang hindi na niya magagawa pang iwasan ngunit may pakiramdam siyang kakaiba sa mga oras na iyon lalo na nang maalala niya ang huling sulat na nakuha niya mula kay Carwyn dahil nagawa pa niyang makaraan sa lugar na iyon bago sila makaalis ng tuluyan sa Manila.

(*** - *** - ***)

October 07, 2027

I don't know if you can read this but Kez I think another memory comes back. Isang alaalang hindi ko masasabing maganda dahil may kinalaman ito sa katotohanan ng pagkatao ko. At isa pa sa naalala ko, ikakasal ako. Sa isang babaeng ni hindi ko pa nakilala parang tulad ng nangyari sayo. So I think I really  need to talk to my father. Kaya hahanapin ko siya para malinawan ko na ang lahat. I really want to know the whole truth about myself so that I could finally face you completely.

(*** - *** - ***)

What was going on? Really? Bakit parang sakto pa sa­––– isang tapik sa balikat ang pumutol sa kanyang iniisip.

"Anak," ang papa niya.

"Ah, sorry po." Agad niyang hingi ng paumanhin nang mahalata niyang nawalan siya ng focus sa mga ito.

"I know what you feel, anak. Pero kailangan mo munang makausap si Carol para na rin sa ikalilinaw ng lahat," seryoso nitong hayag na sinuklian naman niya ng isang simpleng ngiti.

"Ayos lang po ako pa'! So don't worry, makikinig po ako sa lahat ng sasabihin niya." she honestly and sincerely said.

(*** - *** - ***)

- 07th October 2027

"Nahanap mo na si Papa?" agad niyang tanong kay Greg pagkapasok niya sa trabaho.

"Ow, andito ka na pala." Sagot nito.

"Yeah, so, did you find him?" seryoso niyang tanong rito.

"About that, I think–––"

"Car," someone spoke from behind and when he looks at it he saw his father.

"Pa!" agad siyang lumapit rito. "Where have you been? Bakit ang tagal na hindi kita matatawagan man lang o ma-text man lang?" agad niyang tanong rito.

"We should go," his father said rather than answer his question.

"Where to?"

"Just go with me first," then he stares back to Greg. "Ikaw na muna ang bahala rito sa opisina Greg," panimula nito, "matagal bago kami makabalik kaya hangga't wala rito si Car ikaw na muna ang bahala rito," bago muling tumingin sa kanya. "We should go."

"Sleeping Beauty"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon