SB: The Storm

220 16 0
                                    



Title:

Sleeping Beauty: The Storm

SB One

Napakalakas ng buhos ng ulan sa labas pero sa hindi ko maintindihang kadahilanan ang malakas at nakakatakot na kulog at kidlat hindi ko na ininda dahil sa may kung anong humihila sakin sa isang bahagi ng library. Para bang may tumatawag sakin at dahan-dahan ko iyong tinungo kahit na nga sobra-sobrang kaba na ang aking nadarama ng mga oras na iyon. Sinunod ko pa rin ang kuryusidad na makita at malaman kung ano ang bagay na tumatawag ng aking pansin. Kahit na hindi ko alam kung anong aking makikita tinapangan ko na lang ang aking sarili para lang matapos na ang kuryosidad na aking nadarama.

(*** - *** - ***)

- 2017

"Haist! Nakakinis naman, oh!" sabay takbo niya sa isang gusali kung saan makakasilong siya sa malakas na ulan ng araw na iyon. "Sus, kung kailan namang nagmamadali akong umuwi saka naman umulan ng pagkalakas-lakas!" reklamo niya nang makatanggap siya ng isang tawag.

"Kez, 'asan ka na?" bigla nitong bungad na tanong pagkatapos niyang sagutin ang tawag nito.

"Nakikisilong," mataray niyang sagot rito.

"Sus, bakit ba naman kasi nagmamadali kang umalis ayan tuloy naabutan ka ng malakas na ulan." Sita naman nito sa kanya.

"At papaano naman kita hihintayin eh, nakikipag-landian ka pa sa manliligaw mo samantalang alam mo namang may kailangan akong tapusin sa bahay eh!" inis niyang sagot rito dahil kailangan pa niyang ayusin ang mga gamit niya dahil bagong lipat lang sila ng mga panahong iyon.

"Ay, minsan lang kaya ito noh! Nakakainis ka naman!" sigaw nito sa kanya.

"Hoy! Probinsiyana ka! Pumunta ka na nga rito at nang makauwi na tayo!" sigaw rin niyang pabalik rito.

"Maganda naman ako!" sagot nito na alam niyang totoo naman dahil may pagkakahawig ito isang Korean Actress na si Yoon Eun Hye ng isang hit Korean drama na Princess Hours at iba pang shows kaya sadyang habulin ito ng mga kalalakihan kahit pa nga lumaki ito sa probinsiya. Ngunit hindi rin naman siya papatalo sa kagandahan, siya rin ay may taglay na ganda at nahahawig siya sa isa ring Korean Actress na si Park Shin Hye ng Doctors ng isang hit Korean drama rin kaya sikat rin siya sa mga kalalakihan tulad nito ngunit dahil pursigido siyang makatapos ng pag-aaral, ni isa sa mga manliligaw niya wala siyang ginusto.

"Oo na! Maganda ka na! Kaya puwede ba, pumarito ka na!" pagalit niyang sagot rito.

"Eh, 'asan ka ba kasi?"

Lumingon siya sa paligid at hinanap ang pangalan ng gusaling pinagsilungan niya.

'NPL'

"NPL?" basa niya sa may ibabaw ng pintuan ng gusali.

"NPL?"

"Ah, I found it!" bigla niyang hayag. "Naririto ako ngayon sa National Public Library. Iyong mala-Greek style na gusali at madali mo siyang makikita dahil sa laki ng lugar na ito." Paliwanag niya rito habang nakatingin siya sa naturang gusali.

"Ah, okay! Natatanaw ko na iyan mula rito sa pinag-sisilungan ko."

"Okay! Good to know na malapit ka lang." sagot niya rito. "Sige na, hihintayin na lang kita sa loob at napa––– ayyy!" pareho silang napatili ng biglaang kumidlat ng pagkalakas-lakas.

"Shocks! That scares me!" sabay nilang hayag pagkatapos ng malakas na kidlat.

"Hay! Naku! Mamaya na ako lalabas rito sa coffee shop, ah! At nakakatakot iyon! Baka mamaya niyan matamaan pa ako." May takot nitong hayag.

"Sleeping Beauty"Where stories live. Discover now