SB: The Book

166 17 0
                                    


Title:

Sleeping Beauty: The Book

SB Two

This is kind of weird! I really don't know what was happening but it seems there are things that hard to explain. At iyon ang nangyayari sakin ngayon, dahil sa ikalawang beses na naghanap ako ng masisilungan. Sa National Public Library na naman ako dinala ng mga paa ko at sa ika-lawang pagkakataon, nakita ko na naman sa lapag ang aklat na ibinalik ko na sa librarian ng library. At kung saan ko siya spot na nakita, doon ko rin napulot ang aklat na iyon! Grabe na ito! Nakakatakot na, nakakakilabot pa dahil ang sabi sakin sa front desk wala na halos nagpupunta sa 'Histoy Section' na iyon kaya napakaimposibleng may maligaw na tao roon. So it means, ako lang ang naliligaw sa lugar na iyon without knowing that I'm already there! And that creep me out!

(*** - *** - ***)

- 28th of June 2017

"Bessy! Wait lang!" halos takbuhin na nila ang daan para lang makahanap ng masisilungan dahil sa biglaan buhos ng ulan.

"Gosh! Moya! Ang bagal mo kasi! Bilisan mo nga!" hiyaw niyang pabalik rito.

"Eh, ikaw kaya itong mabilis!" balik hiyaw nito na hindi na lamang niya pinansin at agad na sumilong sa isang gusali. "Ay, shocks! I'm so wet!" maarte nitong pagkakasabi.

"Eh, 'di magpatuyo sa loob." Simpleng sagot niya rito.

"Nasaan ba tayo kasi?"

Lumingon siya sa harapan ng gusali at ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang makilala niya ang lugar. "Woah! What a coincidence." Bigla na lamang niyang nasabi.

"Ha?" gulat na reaksiyon sa kanyang matalik na kaibigan.

"Sa library," iyon lang at nagpatiuna na siyang pumasok.

"Hoy! Kez! Mang-iwan ba!" maktol nito na hindi na niya pinansin pa at nagtuloy-tuloy na lamang siya sa pagpasok.

(*** - *** - ***)

"Ay, naku naman! June na June! Umuulan at talagang natatapat pa kapag papauwi na tayo, ha!" maktol ni Moya matapos nitong mag-fill up ng form.

"That's what you've call it 'Climate Change'." Sagot niya rito.

"Yeah! Right!" sabay punas nito sa sarili. "Oh, saan ka pupunta?" takang tanong nito na nagpatigil sa kanya sa paglalakad na animoy may kung anong humihila sa kanya sa kung saan.

"Ha? Ah!" isang malalim na hugot ng hininga ang ginawa niya bago siya sumagot rito. "Wala. Naghahanap lang ng mauupuan." Sabay turo ng isang magandang puwesto. "Tara, doon tayo!" aya niya rito at nagpatiuna na siyang pumunta roon.

"Tamo toh! Hindi na naghintay!" reklamo nito bago sumunod sa kanya. "So, this place is kind of cozy and elegant, ha." Komento nito matapos nilang makaupo.

"Yup! At maganda din ang ambiance dahil sadyang makakapag-aral ka ng maayos at tahimik." Sang-ayon niya rito.

"I agree. Saka maganda ang air condition nila rito, ha. Tama lang sa lamig," sabay ikot nito ng paningin sa buong paligid nang bigla itong lumingon sa kanya.

"What?!"

"Wala bang multo rito?" pabulong nitong hayag.

"Baliw! Wala noh!" medyo napalakas niyang sagot rito na nakakuha ng atensiyon sa paligid. "Oops! Sorry po." Agad niyang hinging paumanhin sa mga taong naroroon na tahimik na nag-aaral at nagbabasa. "Ikaw kasi eh!" sita niya sa kanyang matalik na kaibigan sa mahinang boses.

"Sleeping Beauty"Where stories live. Discover now