Verse 18: Beautiful Disaster

7.7K 191 16
                                    

Chord

"Anong ginagawa mo dito?" Pagkakitang pagkakita niya pa lang sa mukha ko, umasim na agad ang itsura niya.

Wala pang bente-kwatro oras ang nakakalipas simula noong closing ng Foundation Week, pinuntahan ko na agad si Max sa bahay nila. Ilang beses namin siyang tinawagan kagabi, ni minsan hindi siya sumagot. Noong naging desperado na kami, tinawagan na namin yung home phone nila. Sa pangatlong try, may sumagot ng telepono at si Tito Mike ang nakausap naming tatlo. Posible ang tatluhan kung naka-loud speaker. Baka nagtataka lang kayo.

Sabi ni Tito Mike hindi raw maganda ang pakiramdam ni Max at tulog na. Tinanong pa nga niya kami kung kumusta raw ang performance namin na nangangahulugang hindi nagkwento si Max sa tatay niya. Sabay pa roon ang nag-aalalang boses niya. Kaya kinuwento namin ang nangyari. Tahimik lang si Tito sa buong pagkukwento namin at noong natapos na, tanging "I see," lang ang sinabi niya. Ibig sabihin merong something dito sa situation na ito. Hindi lang namin alam kung ano.

At kaya nga ako nandito ngayon sa harap ng bahay nila ay para malaman kung ano 'yon. At 'di ko na rin patatagalin 'to. Sana naman napag-isip-isip na niya na napaka-unreasonable niya para bumitaw ng wala man lang eksplanasyon.

Isa pa, kagabi, habang pinagmamasdan ko ang lumalayong pigura ni Max sa ulan, naramdaman ko uli ang betrayal na naramdaman ko noong natanggap ko ang text ni Geo. Si Geo, hinayaan ko. Pero si Max...

Hindi ko talaga siya pakakawalan. Hindi lang dahil sa kagustuhan ko kundi dahil na rin kay Jack at kay Iñigo. Sa Chaos Theory. Siya na talaga ang alas namin para masungkit ang kontrata sa mga sikat na record label sa bansa. Pero syempre hindi rin naman namin siya gagamitin lang. May goal lang talaga kami. And I hate to admit it, but I really do like her.

"Kumusta ka na?" Medyo naging concerned ako noong nakita ko yung mukha niya. Mukha kasing itinulog niya nang umiiyak. Kahit na gabi na, markang marka pa rin sa mukha niya ang pagod.

"Anong ginagawa mo dito?" inulit niya.

"Kailangan nating mag-usap."

Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa sahig at nilagay ang mga kamay niya sa bewang niya. Sa stance niya pinapakita niya na siya ay matapang pero tinraydor siya ng kanyang balikat na mukhang naka-sag dahil siguro sa pagod. Finally, a chink in the armor. "Wala tayong dapat pag-usapan, Chord. Umuwi ka na."

Hindi ko siya pinakinggan at lumapit lang sa kanya. "Kumusta ka na?" tinanong ko ulit.

Yung mata niya, ang acidic ng tingin habang sinasabing, "Okay lang ako."

Nginitian ko lang siya. Sarcastically. "I don't think so."

"Chord? Please, wala ako sa mood na makipag-usap. Saka na lang, okay?"

Umiling ako. "Hindi. Ayoko ng next time. Masyadong maraming oras na ang nailaan mo sa pag-iisip, hanggang ngayon mag-iisip ka pa? Eh magiikot-ikot lang iyan sa utak mo hanggang sa makumbinsi mo ang sarili mo kung bakit hindi ka pwedeng kumanta. Isasara mo ang sarili mo sa aming lahat. I bet that's the reason why you don't have friends. Kasi konting silip lang nila sa buhay mo, lalayuan mo na sila." Nakita kong nag-flinch siya sa mga sinabi ko pero hindi pa ako tapos. Saka na lang ako maaawa sa kanya. "Sabihin mo nga sa akin, Max. Bakit ba sobra kang insecure sa boses mo?"

Just then, narinig ko ang sagot.

I want to sing it out to everybody.
What a joy, what a life, what a cha-

Bigla kong binaling ang atensyon ko sa TV na mukhang nag-automatic na nag-play dahil siguro matagal na itong naka-pause.

Doon, nakita ko ang isang batang babae na kamukhang kamukha ni Max, nasa harap ng stage, hawak ang mikropono at takot na takot na nakatingin sa audience habang tuloy-tuloy lang ang instrumental ng kinakanta niya. Tapos naging black na yung screen.

The Sound of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon