Verse 15: We've Got Tonight

8.7K 212 31
                                    

Chord

Pagkaabot na pagkaabot sa akin nung Statement of Ownership, hindi ko na pinatapos yung auction. Nilapitan ko agad si Arthur sa upuan niya. Mamaya na si Max. Hahayaan ko munang ma-absorb ng utak niya ang mga pangyayari. Kahit ako kasi medyo unstable pa ang pakiramdam. Currently coming down from the adrenalin rush.

"Anong laro 'to?" mahina pero matigas ang pagtatanong ko kay Arthur dahil aware ako na maraming chismosa sa lugar na ito.

Inosenteng tingin ang ibinalik niya sa akin. "Hindi ako naglalaro, Chord. Seryoso ako."

Wala akong pinaniwalaan sa bawat salitang pinakawalan niya. Lahat ng warning signals sa ulo ko ay naka-high alert. Nakatingin ako sa mata niya at alam kong may masamang mga bagay na tumatakbo sa utak ng lalaking ito.

"I've got my eye on you," pagbabanta ko.

Inikot niya lang ang mga mata niya. "Sobrang espesyal naman ni Max sa banda niyo. Biruin mo, halos isang buwan niyo pa lang siyang nakakasama, dalawa na kayong nagbanta sa akin. Sabihin mo kay Jack kung gusto niyang gayahin kayo nina Iñigo, gawin na niya ngayon para tapos na. 'Di ako natatakot sa inyong tatlo."

Teka, teka. Kinausap na siya ni Iñigo? Naguguluhan ako. Si Iñigo pa pala. Magkaibigan lang ba talaga sila ni Max?

Nagsimula na akong lumayo kay Arthur.

"Chord!" tawag niya. Humarap ako sa kanya. "Have fun! Two hours din 'yan. Sulitin mo lang. Siguro naman pareho lang tayo ng pakay kay Max..." Hindi niya inilakas ang susunod na salitang sinabi niya pero nabasa ko sa kanyang mga labi ang nais niya iparating.

In that instant, nagdilim ang paningin ko. Wala na akong pakialam kung maraming nakakakita. Wala na akong pakialam kung maraming chismosa. Mabilis kong isinara ang distansya namin at hinila ang harap ng suot niyang polo. Gusto ko siyang suntukin pero may nakahawak na sa nakataas kong kamao. Wala na akong choice kundi pagsalitaan na lang siya. "Gago ka pala eh! Huwag mo akong ikukumpara sa'yo! At huwag na huwag mong isipin na lumapit kay Max kundi dudugo talaga ang nguso mo!"

"Chord, tama na. Gumagawa ka ng eksena," pag-awat ni Jack.

Kalmadong inalis ni Arthur ang kamay ko sa damit niya. "Sige na Chord, gumagawa ka nga naman ng eksena. Magkita na lang tayo bukas sa practice. Gusto kong marinig kung anong nangyari sa two hours niyo."

Hinayaan ko na lang na hilahin ako nina Iñigo at Jack palabas ng open field. Gusto kong manuntok. Ng tao, ng pader, ng puno, kahit ano. Hindi ako naiinis. Nagagalit ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong galit sa buong buhay ko. Para sabihin niya iyon tungkol kay Maxyn, hindi ko matatanggap. Wala siyang karapatang bastusin si Maxyn lalo pa't walang kaalam-alam ang babaeng iyon sa mga tumatakbo sa isip ng Arthur na 'yon. Kailangan mabalaan ko na si Max.

Balak kong kumain kaming banda mamayang gabi dahil pera naman naming lahat ang ginamit para maalis si Max sa sitwasyon kanina. Wala nang two-hours-two-hours na kailangan. Pero dahil desperate times call for desperate measures nga naman, nagpaalam ako sa dalawa at sinabing ako na lang ang kumausap kay Max. Pumayag naman sila, buti na lang.

Nasabi ko na ba? Habambuhay akong magiging grateful sa dalawang ito. Napakaswerte ko talaga sa kanila. At nagtataka pa ang mga babae kung bakit inuuna ko ang mga kaibigan ko kesa sa kanila. Ang mga kaibigan ko kasi, mas loyal at laging nandiyan. Kahit na kapag magkaharap kayo, minumura ka, they will always have my back. Katulad na lang kanina.

Syempre bago ko puntahan si Max sa makeshift na backstage nila, nagpakalma muna ako. Think good thoughts. Iisipin ko yung bagong labas na Fender eletric guitar na mabibili ko pagkatapos ng tatlo pang performance sa Ground Zero. Iisipin ko lang yung lullaby na tinutugtog ni Nanay gabi-gabi sa player para makatulog kaming lahat na nasa bahay noong mga bata pa kami. Iisipin ko lang yung unang ngiting nakita ko sa mga labi ni Max, kalmado na ako.

The Sound of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon