Verse 9: Count On Me

8.8K 225 26
                                    

Max

Ilang introductions ang binigay bago kami mag-settle sa isang table ng Ground Zero. Doon, nalunod kami sa mahabang kwento ni Hale kung paano niya na-encounter ang Maroon 5 noong summer kasi nagpunta siya sa isang show nila sa America. Halata namang wala siyang pakialam sa amin, basta pinakikinggan siya ni Chord, judging sa mga tao sa paligid. Si Jack tsaka si Karen, mukhang absorbed na sa mundo ng mga nagmamahalan. Si Iñigo, tinatapik niya lang yung hita niya sa ilalim ng lamesa na parang may drums siyang kaharap. Alam ko kasi katabi ko siya at pinapanood ko lang ang ginagawa niya.

Maya-maya bumulong siya sa akin, "Gusto mo na bang umuwi?"

Nilingon ko sina Jack at Karen tapos si Chord at Hale.

Si Chord at Hale. Huh. Akala ko pa naman may sakit si Chord kaya hindi pumasok kanina. Nag-alala pa ako sa kanya. Nakakainis. Wala naman palang dapat ipag-alala.

"Tara na," sagot ko sabay kuha ng mga gamit ko.

Tumayo si Iñigo.

"Aalis na kayo?" tanong ni Chord. Nagulat ako noong nagtanong siya. Akala ko kasi hindi niya kami napapansin dahil yung atensyon niya nakay Hale mula pa kanina.

"Oo pare. Inaantok na daw si Max," pagsisinungaling ni Iñigo. Hindi ko na siya itinama. Basta makaalis lang ako dito maayos na sa akin.

"Ganon ba? Sabay na rin kami sa inyo."

Nakita kong tumaas ang kilay ni Hale. "Akala ko ba kakain pa tayo ng dinner?"

"Pagod na rin ako, Hale. Next time na lang, okay?"

"Kayo, sasama ba kayo?" tanong ni Iñigo kina Jack.

Umiling si Jack tapos sabi ni Karen, "Hindi na. May pupuntahan pa kami."

"Lagi naman. Tara na."

Awkward yung paglalakad namin papunta sa parking lot. Una kaming naglalakad ni Iñigo kaya hindi ko sila nakikita sa likod. Pero tumatayo ang balahibo ko sa batok kasi nararamdaman ko na parang may nakatingin sa akin, alam niyo ang feeling na iyon?

Tumigil ako sa paglalakad tapos hinarap silang dalawa para makita kung sino ang gumagamit ng laser beam niya sa likod ko. Mata agad ni Chord ang natamaan ng tingin ko. "Ano?"

Mukhang nagulat silang dalawa kasi tumigil din sila. Pati si Iñigo na nauna na sa amin, naglakad pabalik.

"Excuse me?" sabi ni Hale.

Hindi ko siya pinansin. "Bakit mo ako tinitingnan?"

"Feeling mo naman. Inaantok ka na nga." Tapos hinawakan niya ang kamay ni Hale at dinaanan na lang kami ni Iñigo. Bago nila kami lampasan, nakita kong nag-smirk si Hale sa akin. What. The. Hell.

Chord

Nagdalawang-isip ako kanina kung isasama ko si Hale ngayong gabi. Buti na lang pala at dinala ko siya.

Si Iñigo rin kasi. Tumawag siya sa akin kanina noong nasa school na sila. Sabi niya huwag ko na daw isama si Hale. Ewan ko ba kung bakit niya sinabi iyon. Noong itinanong ko kung bakit ang sabi niya lang, "Basta." Hindi naman reasonable na explanation iyon kaya isinama ko na. Wala namang masamang mangyayari diba?

Pero merong nangyari. At para sa akin, maganda iyon. Which leads us sa pagiging magandang decision ng ginawa ko.

Kanina ko pinagmamasdan ang kilos ni Max at nakita kong naging stiff siya pagkatapos namin mag-perform. Bakit kaya? Nagseselos? Mehehe. Pwede.

Let me explain. Hindi ko dinala si Hale para pagselosin si Max. Gusto ko lang ipakita sa kanya na hindi ako seryoso sa pag-aya sa kanya noon isang gabi. Mahirap mang aminin pero napahiya ako sa ginawa kong iyon. Hindi man lang ako sinagot.

The Sound of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon