Verse 52: Sad Song

5.5K 138 8
                                    

Chord

Sinabi ko kay Max na pupunta ako sa kanya sa Pasko but she insisted na manatili ako sa Pilipinas para magdiwang kasama ang pamilya ko. Walang sense yung sinabi niya since lagi ko namang kasama ang pamilya ko sa tuwing Pasko. Ayan tuloy, naiwan akong nagmamaktol sa bahay noong Christmas Eve.

"Ang hina mo naman kasi CJ," komento ni Kuya Cris nang makita ako sa labas ng bahay. "Bakit hindi mo na lang kasi sundan. 'Di naman ganoon kahirap 'yon di ba?"

I gave him the finger. Ayaw kong pumasok sa isang mahabang diskusyon tungkol kay Max. Kaya nga ako lumabas ng bahay eh. Hindi kasi ako tinatantanan nina Nanay at ng mga Ate ko ng kakatanong tungkol sa kalagayan ni Max dahil to be honest, I don't know. Hindi ko kasi matawagan si Max dahil hindi siya makapagsalita. We communicate through text or through Skype. At kada makikita ko siya sa screen ng laptop ko, gusto kong mag-reach out at yakapin siya.

Nakita ko ang changes kay Max. Ang laki ng ipinayat niya sa first week pa lang ng therapy niya dahil hirap siyang lumunok ng pagkain. Ang itim ng eyebags niya dahil na rin laging kulang sa tulog. At mayroon ring unmistakable na marka sa lalamunan niya. Nag-iiba na ang kulay nito, getting redder and darker. Nag-aalala ako nang makita ko ang lalamunan niya pera mabilis na tiniyak ni Max na side effect lang iyon.

Tatlong linggo nang wala si Max. I'm grumpy. Hindi lang sa pamilya ko ako naging mailap kundi pati na rin sa mga kabanda ko. Daig ko pa daw ang menopausal sabi ni Geo. Ilang beses na ring naha-high blood sa akin si Kate kasi hindi ako sumisipot sa mga appointment ko.

Nasa photoshoot ako para sa front cover ng isang music magazine. At tinamaan uli ako ng pagkainis dahil sobrang tagal nito. Pinipilit ko namang sundan yung posing na dinidikta ng photographer. Pero mukhang hindi niya makha ang gusto niyang anggulo.

Habang tumatagal mas naa-aggravate ako na nagdulot ng pagpapakawala ng isang malaking buntong-hininga ng photographer. Ibinaba niya ang camera at tinaasan ako ng kilay. "You are not in it today, Chord. Take five and blow off some steam. Pagbalik mo dito I want you in shape. Maging professional ka naman, please. You are wasting everyone's time here."

Tama siya. Kaya nga ayaw akong pasamahin ni Max sa kanya dahil dito sa responsibilities ko yet I'm not doing it very well. I owe it to them. I owe it to Max. "I'm sorry. Aayusin ko na. Makakaasa kayo."

SOBRANG LATE NA nang makarating ako sa bahay. By that point, gusto ko na lang mag-collapse sa kama ko and not think about my schedule for tomorrow.

Nang buksan ko ang pinto, naramdaman ko agad na may iba sa tirahan ko. Someone's here. Dahan-dahan kong isinara ang pinto ko para hindi ito gumawa ng tunog. Kinuha ko ang cellphone ko para tumawag kung kinakailangan ko man ng tulong. Napamura na lang ako nang makita kong patay na ang baterya nito. Naisip ko ang telepono sa sala kaya doon ako pumunta, pero bago no'n ay kinuha ko muna ang paso ng bonsai sa gilid ng pinto. Iba na ang handa baka mamaya isang crazy fan-turned-stalker ang pumasok sa bahay ko.

Pagkalapit sa sala, narinig ko ang mahinang dialogue na nanggagaling sa TV ko. What the hell?

Nasa isang movie channel ang TV at kasalukuyang nagpapalabas ng musical. Doon unang napako ang tingin ko at napunta sa coffee table kung saan may nakahain na takeout at isang tub ng ice cream na nakabukas. Tunaw na ito. And then I looked at the couch. Kinailangan ko bang mag-blink ng ilang beses at kiskisin ang mata ko para mapatunayang totoo ang nakikita ko.

Nakahiga si Max sa couch, in deep slumber. Lumapit ako at pinagmasdan siya. I was struck by the changes in her. Iba kapag nakikita ko lang over the internet at iba ngayong nakita ko na ng personal. Gusto kong may paglagyan ng galit ko sa kalagayan ni Max pero alam kong wala itong mapupuntahan. So I became angry at myself. Dapat nasa tabi niya ako pero anong ginawa ko? Imbis na gumawa ako ng paraan para makasama siya, I was left here to sulk. Anong klaseng boyfriend ako?

The Sound of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon