Verse 42: Celebrity Status

5.9K 135 15
                                    

Chord

Nakakasawa na ang mga ganitong senaryo pero wala naman akong karapatang magreklamo dahil sa mga ganitong event naman kami nakakakuha ng sponsorship na siya namang nagdadagdag ng pera sa pangalan ko. Mayabang ba? Oo. Pero what can I say? Bunga naman iyan ng pinaghirapan ko-ng banda-kaya dapat lang na ipagmalaki ko. Hindi katulad ng ibang banda o kahit na mga artists, kinailangan naming magdagdag ng mas maraming effort at hardwork. And it all paid off.

Ang ayaw ko lang naman sa mga ganitong pagsasalo ay ang panoorin ang mga tao at kung gaano sila ka-presumptuous at akala mo kung sino silang mga bigatin sa industriya. Pupunta sila dito suot ang mga designer clothes nila, pinapakita ang success nila through what they wear. At kapag kinausap mo naman, pinag-uusapan yung mga bakasyon nila sa ibang bansa, o kaya naman yung mga bagong designer shoes na binili nila, o kaya naman yung bagong project nila na movie na wala naman silang ibang ginawa kundi mag-joke lang ng konti at makipaghalikan ng konti and there you have it, a romantic comedy blockbuster.

For publicity, paniguradong may ka-date ako ngayon. Pero this time around, tumanggi ako nung inaya ako ni Jewel. Wala lang ako sa mood ngayon.

Na kasalungat naman ng kadarating lang na Iñigo. Kanina pa dapat siya dumating pero ayan, late. Naglalakad siya palapit sa amin, kasunod ang mukhang inis na inis na si Kate. Base sa expression ng manager namin, hindi siya masaya kay Iñigo. Yung lalaki naman ay kahit na dinidirektahan ng masamang tingin ni Kate ay binalewala lang ito. Sobrang laki pa nga ng ngiti ni Iñigo. Yung tipong ngiting tagumpay.

Tumigil sila sa harap naming apat nina Jack, Karen at Geo. Tumango siya sa amin, recognizing our presence tapos humarap kay Kate at hinawakan ang magkabilang braso nito. "Kate, chill. Leave it alone."

"Pero-"

"Ako nang bahala. Trust me."

Tiningnan siya ng masama ni Kate. "I don't like this."

"Trust me," inulit ni Iñigo.

"Fine," pagsuko ni Kate bago tumingin sa buong banda, may hint ng warning sa mga mata niya na mag-behave kami sa pagsasalo ngayon gabi, or else. Para lang kaming mga bata.

"Anong drama iyon?" tanong ni Geo habang inaabutan si Iñigo ng drinks.

"Wala. May nangyari lang kasi bago ako pumunta dito. Alam niyo naman si Kate, alam bawat kilos at galaw natin."

"How did it go?" tanong ni Karen bago pa man kami makapagtanong ng juicy details. Jusme. Ngayon ko lang napatunayan na chismoso nga ang mga lalaki.

"Okay naman. Better than I expected." Bumalik na naman ang malaking ngiti ng gago habang inaalala kung ano man ang naglagay ng mood na iyan sa mukha niya.

At dahil curious talaga ako, nakahanda ko nang ungkatin kung ano man ang tinutukoy ng dalawa. Ngunit bago pa man lumabas ang tanong sa bibig ko ay natabunan na ng pagbati ng emcee ng event. 'Di bale na. Pwede ko namang itanong mamaya.

AS IT TURNS out, hindi ko na naitanong si Iñigo dahil bigla kong nai-spot-an si Jewel sa pagsasalo at pinilit na iniwasan. Ngunit magaling siya, at ayon, nahuli ako at hindi na bumitaw sa braso ko buong gabi. Tanging pagngiti na lang sa ibang bisita at sa piling mga reporter ang ginawa ko. Peke ang buong gabi. Fake. Fake. Fake.

It was a late night for me. Hinatid ko pa kasi si Jewel sa condo niya bago pa man ako makarating sa sarili kong condo. It didn't help my mood dahil kailangan kong mag-almusal kasama ang pamilya kaya sa huli, dalawang oras lang ang nagawa kong tulog. But still, it's my family so there's no backing out of family breakfast.

Pagpasok ko ng bahay ng mga magulang ko ay tumama agad ang amoy ng almusal pati na rin ng kape. Dahil doon medyo nabawasan yung pagka-iritable ko. Pero slight lang iyon dahil maya-maya lang ay sinalubong na ako ng kambal. And no, not my sisters. Kundi ng mga pamangkin ko.

The Sound of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon