Verse 3: If I Ain't Got You

10.6K 250 23
                                    

Chord

Babae siya.

Hindi lang siya junior kundi babae rin siya. Good Lord, ano kayang pumasok sa kokote ni Iñigo at siya ang napili niya?

Nakita kong nagbago yung expression ng mukha ng babae. Kanina, mahiya-hiya pa siya ngayon parang tumigas yung mukha niya. "May problema ka doon?"

Woah. Feisty. Mapapasubo ako dito sa babaeng ito. Pero hindi sa isang publikong lugar. "Iniisip ko lang ang image ng grupo. Syempre kapag--theoretically--naging keyboardist ka namin, una nilang pupunahin ang gender mo. Ang Chaos Theory ay nagsimula bilang all-boy group. Ano na lang ang sasabihin nila kapag nakita nilang may babae na sa amin? Pangalawa, junior ka namin. Iisipin ng mga ka-batch namin na mukha na kaming desperate--"

"Pero desperate naman talaga tayo."

"--na mapunan ang nawalang slot," pagpapatuloy ko, hindi pinansin ang pagsasalita ni Jack.

Hinintay ko siyang sumagot pero tinitigan niya lang ako na parang hindi pa siya nakakakita ng guwapo sa buong buhay niya. Buti na lang sumagot din siya. "Iyon lang ba ang meron sa grupo niyo? Ang image? Akala ko pa naman passionate talaga kayo sa ginagawa ninyo."

Sumipol ng mapang-asar si Jack.

"Anong sinabi mo?" tinandaan kong lagyan ng challenge ang pagtatanong ko.

At hindi ako na-disappoint sa naging feedback niya. Tinaasan niya ako ng kilay. "You heard me."

Dahil ayoko sa pinapakita niyang pagiging dominant sa argument na ito, tumayo ako. Nag-step back siya at tanging mga mata niya lang ang itinaas niya para tingnan ako.

"I admire your guts. Bukas, dismissal time. Sa 9th music room. Tingnan natin kung ano ang pinagmamayabang mo."

Dumiretso na ako sa labas. Ayokong tumigil doon at makita ang makahulugang tingin nina Jack at Iñigo. Nagtataka siguro sila sa inasal ko kanina. Sa harap pa ng babae. Hindi ako sumasagot sa babae, alam nila iyon. In fact, I love girls. So bakit ko sinagot si Maxyn?

Kahit ako hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para i-provoke siya. Siguro dahil sa mga nangyayari lately. Una, yung pag-alis ni Geo, ngayon ito naman. Parang nakikita ko na tuloy kung bakit Chaos Theory ang naisip na itawag sa amin ni Jack. Akala ko dati para lang sa gandang pakinggan. Mukhang nagsisimula na ang "chaos" namin.

Naramdaman kong nag-vibrate ang cell phone ko kaya kinuha ko ito mula sa bulsa. Sinagot ko ito ng makita kung sino ang tumatawag.

"Jane."

"Hoy Chord. Tungkol sa freshmen welcoming ceremony. Okay na ba yung banda niyo?"

Tumingala ako. Isang dapat alalahanin pagdating kay Jane, don't piss her off. "Uhh. Kasi..."

"Wala pa rin kayong pianist? 'Di ba sabi ko naman sa inyo dapat makahanap na kayo kahit substitute lang? Gawan mo ito ng paraan, Chord. Ayokong masira ang program ko dahil lang sa banda niyo," at ibinaba niya na ang telepono.

Magkakaroon di kami ng keyboardist. Makikita niya.

Max

Makikita niya. Humanda sa akin ang lalaking iyon. Bukas, ipapakita ko sa kanya ang galing at talento ko. Isasampal ko sa mukha niya. Ang yabang ng lalaking iyon! Ang hangin. And to think na madaming umiidolo sa kanya. Well, sorry na lang siya. Nasira na ang "image" niya sa akin.

"Hoy Ponytail! Maupo ka muna," kinuha ni Jack ang atensyon ko.

"Max ang pangalan ko."

"Okay, Max." Umupo ako sa upuang binakante ni Chord. Si Iñigo, humila ng upuan at tumabi sa akin. "So, Ponytail... ang lakas ng loob mong labanan si Chord! Haha! Ngayon ko lang siya nakitang gano'n."

The Sound of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon