Chapter Two: On Her Own

135K 2.1K 73
                                    

Chapter Two: On Her Own

CYRHEL

"Mama, please..."

"No!"

"Mama naman!"

"I said no!"

Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata at napipilitan na sinundan si Mama patungo sa collection room niya. Magkikita na naman kami ni Bon Jovi.

"Mama, I'm already twenty three. I'm old enough to decide for myself and I want to live on my own."

Bigla na lamang huminto si Mama sa bungad ng pinto at pumihit paharap sa akin. Napahinto rin ako. "Paano mo naman bubuhayin ang sarili mo, Cyrhel? Ang alam mo lang ay manghingi ng pera sa amin ng papa mo."

"Magtratrabaho ako para suportahan ang mga pangangailangan ko."

Nagdududa na tinitigan niya ako.

"Hindi na ako bata, Mama. Kaya ko nang tumayo sa sarili kong mga paa. So please, hayaan nyo na ako sa naging desisyon ko."

"I hate your brother for giving you his condo unit. Binigyan ka lang niya ng dahilan para makaisip ng kalokohan."

"Mama, hindi kalokohan ang maging independent."

"My final answer is no! Hindi ka aalis sa bahay na ito. You stay here, young lady!" Basta na lamang niya akong tinalikuran at pabalya na isinara ang pintuan. Naiwan akong mag-isa sa labas.

No dice. Anuman ang gawin ko, kahit pa siguro umiyak ako sa harapan niya ay hindi ko pa rin makukuha ang approval ni Mama. She don't trust me. Akala siguro niya ay lahat ng gagawin ko ay puro kalokohan at walang kabuluhan. Kungsabagay, hindi ko siya masisi. Sa dami ng ginawa kong kasalanan at pagkakamali, mahihirapan akong patunayan sa kanila na seryoso talaga ngayon sa pagbabago na hinahangad ko para sa aking buhay.

I want a change. Na-realize ko na may pangarap din pala ako na gustong maabot. Naisip akong bumukod at magsarili hindi dahil sa gusto ko lang. Kundi dahil may gusto akong patunayan sa sarili.I already have a place to stay. Mabuti na lamang ay ibinigay sa akin ni Kuya Vince ang condo unit niya. Kung hindi pa siya nag-asawa ay hindi pa niya ipamimigay iyon sa akin. Sa buong buhay ko ay ngayon lang naging generous sa akin ang kapatid. Bagaman wala pa sa akin ang master key ng unit, sigurado ako na sa pag-uwi niya galing sa honeymoon ay mapapasakamay ko ang inaasam.

Ang problema ko na lang ay kung paano ako makaka-survive at matutugunan ang aking mga pangangailangan. I have a college degree. Magagamit ko ang aking pinag-aralan para makahanap ng trabaho. Though, wala pa akong experience, kahit papaano naman ay may natutunan ako nang minsang mag-OJT ako sa kumpanyang pag-aari ng pamilya. Bukod doon ay maabilidad at madiskarte din naman ako. Sapat na siguro ang mga iyon para magawa kong makatayo sa sariling mga paa. Bagaman alam kong mahihirapan ako, naniniwala pa rin ako na makakaya ko itong lahat. Tiwala lang.

Pero bago iyon ay kailangan kong makahanap ng kakampi. Kinuha ko ang cell phone at agad na idinayal ang number ni Papa. Sigurado ako na hindi siya makakatanggi sa akin.

TYRON

"Happy birthday to me," itinaas ko sa ere ang hawak na baso bago iyon inisang lagok. Napasulyap sa akin ang bartender na hindi na lamang kumibo sa kakaiba kong trip.

"Hey handsome, do you want us to accompany you?" Dalawang naggagandahang babae ang lumapit sa akin. Giving me seductive smiles.

"Sure," I answered lazily. Bagaman wala ako sa mood makipag-flirt mas mabuti na rin siguro ang may makausap at makasama ako sa aking espesyal na araw.

Baby, You And I (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon