Christiara Thalia

54 1 0
                                    

Nagising ako sa pamilyar na kisame ngunit kahit kailan ay hindi ko naisip na babagsak ako sa sitwasyon na ito.

Mabilis akong umupo at tinignan ang katabing kama. Doon ay hinanap ng mga mata ko ang mukha ng aking matalik na kaibigan. Si Nate.

Himbing na himbing ang tulog nito at kumislot ang puso ko sa tuwa. Mula ng makilala ko siya noong highschool kami ay madalas ko na siyang makitang matulog ng ganito ngunit ngayon ko lang naramdaman ang ganito habang pinapanood siyang matulog.

Kagabi ay nag celebrate kami ng graduation at napainom. Marahil dala ng alak kaya may nangyari sa amin dalawa.

Dinampot ko ang mga damit ko at nilisan ang bahay nila ng walang nakakakita.

Lumipas ang isang araw bago ko siyang nakitang muli. "Ara!" tumayo siya kaagad matapos akong makitang pumasok sa bahay. Galing ako sa isang company na nag offer ng trabaho sa akin.

"Nat," lumakad ako sa tapat ng inuupuan niya. "Anong ginagawa mo dito?" nakangiting tanong ko.

"Ara, iyong nangyari sa atin—··.." sinadya niyang bitiwan sa ere ang huling sinasabi niya. Ngunit mas napansin ko ang ekspresyon sa mukha niya. Tila ba parang may gusto siyang sabihin ngunit nag aalanganin siya. Ganito siya palagi kapag alam niyang magugulat o masasaktan ako sa sasabihin niya.

"Iyong nangyari, ibaon na lang natin." mas nilakihan ko ang ngiti ko upang hindi niya mapansin na ayoko ng sinabi ko pero dahil sa ekspresyon na ipinakita niya ay sinabi ko iyon.

Paglabas ng salita sa bibig ko ay tila nagulat siya marahil hindi inaasahan na mauuna akong magsabi ng gusto niyang sabihin.

Lumipas muli ang mga araw, bumalik kami sa dati namin na pagsasama. Nag uusap na parang walang nangyari. Hindi na din namin muling napag usapan ang lahat.

Hanggang sa isang umaga nagising akong nanghihina at patakbong pumunta sa banyo. Akala ko ay mawawala din ngunit ng sumunod na umaga ay ganoon pa din. Nag aalala ako kaya pumunta ako sa doctor at nagpatingin.

"Congratulations Miss Camibelle. You're pregnant." Tumigil ang pag inog ng mundo ko. Ang sabi kong ibabaon sa limot at hindi mangyayari dahil nag bunga ang lahat.

Umuwi akong tulala at natagpuan si Nate sa sala, nakangiti. "Ara, sinagot na ako ni Phia." aniya.

Hindi ko alam kung tama ang makaramdam ng lungkot sa ibinalita niya. Ako ang matalik niyang kaibigan dapat ay masaya ako sa lahat ng tagumpay niya at isa ito doon ngunit bakit nalulungkot ako?

"Congrats. Magpapahinga lang ako." walang gana kong wika at nagtungo sa kwarto ko.

Matapos ng hapon na iyon ay bihira na lamang kaming nagkikita ni Nate. Siguro busy sa buhay pag ibig niya.

Lumobo ang tiyan ko ng ipaalam ko kila mama ang tungkol sa pagbubuntis ko. Hindi ko sinabi ang tungkol sa ama at mukhang nirespeto nila ako doon.

Bumisita muli si Nate saktong nakaupo ako sa sala at may unan sa tiyan . Nakayuko niyang nilapag ang isang box ng pizza sa lamesita bago umupo sa tapat kong silya  "Nag away kami ni Phia." pag uumpisa niya sa kanyang kwento.

Binuksan niya ang pizza at kaagad akong napatayo dahil sa amoy nito. Tinakpan ko ang ilong ko ngunit parang hindi sapat iyon at kinailangan ko pang tumakbo sa lababo.

"Ara!" nagulat si mama na nag aayos ng pagkain sa ref.

Kinuha niya ang vicks sa kung saan at itinapat sa ilong ko. "Salamat Ma." wika ko.

"Buntis ka?" nauutal at nanghihina ang pagkakatanong ni Nate.

"Ay.. Oo, Nate. Lola na ako excited na akong makita ang apo ko kahit ayaw sabihin ni Ara kung sino ang ama ng bata." magiliw sa umpisa hanggang sa nag fade ang boses ni mama.

"Ara?" nagtatanong ni Nate.  "Mag usap nga  tayo." galit na wika niya.

Umalis si mama at hinayaan kaming mag usap.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" unang tanong niya na napakahirap ng sagutin.

"Bakit pa? Kaya kong buhayin ang bata at isa pa di ba sabi ko kalimutan natin yun? kasama to doon. Hindi ba pwedeng magkunwari kang walang nangyari?" walang preno kong sabi.

Natahimik siya marahil hindi alam ang sasabihin. "Sumasakit ang ulo ko. Bumalik ka na lang sa susunod." wika ko at iniwan na siya sa kusina.

Magmula ng araw na iyon ay tuloy tuloy na siya sa pagpunta sa bahay. Minsan nga ay sa sala na siya natutulog sa buong gabi. Hindi niya na binuksan ang usapin tungkol sa bata kaya napanatag ako.

Dumating ang ka buwanan ko. Ang linggo ng pagle labor ko at nandoon din siya. "Hindi mo kailangan na manatili dito." impit kong sabi sakanya, ang pawis ay tagaktak dahil sa sobrang sakit ng tiyan.

"Kaibigan mo ko kaya dito lang ako. Huwag mo kong isipin mag focus ka sa baby." wika niya. Napabuntong hininga ako lalo na ng maramdaman ko ang sakit sa pinakagitnang parte ko.

Ilang saglit lang ay pumutok ang panubigan ko. Dinala niya ako sa hospital at hindi iniwan hanggang manganak. Ito ang gusto ko sakanya. Kapag may masakit sa akin ay hindi niya ako iniiwan.

Nang mailabas ko ang batang babae ay laking tuwa ko. Nilipat kami sa kwarto at nandoon na siya. Nilapitan ako kaagad at tinignan ang baby.

"Ara, please.. para sa baby natin. Magsama na lang tayo. Subukan natin mahalin ang isa't isa ng higit pa sa pag kakaibigan." dire diretsong aniya na para bang matagal na niyang nais sabihin iyon.

"Mahihirapan tayo gayong kakahiwalay mo lang sa girlfriend mo. Kung gusto mo dalawin mo na lang siya sa bahay." seryoso kong sabi. Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ako sa mata.

"Ara please... Subukan natin." punong puno ng sinseridad ang tingin at boses niya.

"Hello Misis Gomez. Kuhanin ko lang po ang name ng baby." mula sa kung saan ay lumabas ang nurse na may dalang folder.

Tinignan ko si Nate bago ngumiti sa nurse.

"Christiara Thalia Gomez-Rivera" Sinulat iyon ng nurse at kinuha pa ang ilang impormasyon bago umalis.

Pinaghalo ko ang pangalan namin ni Nate. Ang pangalan niya ay Christian Nathaniel Rivera at ang akin naman ay Aramiel Thalia Gomez.

"Ara, salamat. Pangako magiging mabuti ako sainyong dalawa."

Umuwi kami sa bahay at halos doon na din tumira si Nate dahil gusto laging nasa tabi ng anak niya.

"Bumukod na lang tayo para hindi ka na uuwi ng madaling araw sainyo para sa pagpasok sa trabaho." wika ko isang gabi pagkahiga ni Nate sa tabi ni Tiara.

Tumingin siya sa akin bago ngumiti ng malapad. "May nabili na akong bahay. kakatapos ko lang bayaran. Doon na lang tayo pagtapos natin magpakasal." Nahinto siya matapos mabitawan ang huling sinabi.

"Kasal?" pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Magpakasal na tayo, Ara. Gusto ko ng buong pamilya. Gusto kong dalhin mo din ang apelyido ko kasi minamahal na kita." aniya.

Tumibok ng malakas ang puso ko at ang isinantabi na pag ibig para sakanya ay nanumbalik.

"Sige Nate. Magpakasal tayo kasi mahal din kita." napangiti siya at binigyan ako ng halik.

Biglang umiyak si Tiara kaya napatawa kaming dalawa. Ito ang simula ng pag buo namin ng pamilya ng kaibigan ko, ng pinakamamahal ko, ang ama ng anak ko.

Dahil kay Tiara mabubuo ang pamilya namin.

Posted on Facebook too.
(Maia SB Fortunato)
Add me guys and send me a private message para ma accept ko kayo. :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love and HateWhere stories live. Discover now