My Little Girl

199 5 0
                                    

Love and Hate: 1

My Little Girl 

"Goodnight :* sweet dreams kuya Niel" tatawa tawa ako ng mabasa ko yung message ng nakababatang kapatid ng First love ko. 

Ewan ko kung pano niya nakuha number ko  basta isang araw nag text siya at nag pakilala sinabi niya din na Crush niya ako. Loko talaga itong bata na 'to. Ma child abuse ako dahil sakanya eh! Hahaha.

Nagtype ako ng ...

"Loko ka talaga--.." pero agad ko din yung binura at nag type ng panibago. "Goodnight :)"

Pagsend ko non napangiti ako sa di malamang dahilan. 

-

Kinabukasan ... naligo ako at pumasok na. Graduated na ako kaya nag ta-trabaho na ako pero di konektado sa kinuha kong kurso, hindi pa kasi ako nakakapag board exam eh.

Nilabas ko na ang bisekleta ko .. nag bibisekleta lang kasi ako sa pag pasok. Para tipid sa pamasahe at para iwas sa pollution. Pagkalabas ko ng bisekleta ko sa Street namin sinuot ko na din yung face mask ko. at nag sumblero ako. mausok kasi mahirap na baka magkasakit pa ako.

Pag dating ko sa opisina namin nakita ko si Jenny maganda siya at ka officemate ko. dumaan ako sa harapan nila ng mga kaibigan niya.

“goooosssshhh ! ang pogi niya talaga.” Sabi ng isang kaibigan niya. ewan ko ba. Tingin ko sa sarili ko natural na lalaki lang ako hindi panget at hindi gwapo pero kapag napapadaan ako sa harapan ng mga babae lagi kong naririnig ang bulungan nila. Pamalakas man o mahina. Mga bulong nila na pare-parehas lang.  na ‘animated look’ daw ako, na ‘super gwapo ko daw’ na ‘makalaglag panty’ daw ako pati bakla ganun ang sinasabi.


Pero kahit anong sabihin nila hindi ko masyadong iniisip yun. Ayokong lumaki ang ulo ko. gwapo man ako o panget isa pa rin akong natural na tao. Isang Ordinaryo.

Nagsimula na akong gawin ang trabaho ko. pero pagdating ng Lunch break nag simula na naman ang asaran sa amin. Nagsimula ‘to ng sinabi ni Jenny na gusto niya ako na misinterpret ata ng ibang kasamahan ko kasi ngumiti lang ako sa sinabi ni Jenny. Pero wala pa talaga sa isip ko ang Lovelife ngayon.

Kung tatanungin niyo ako mapili kasi akong tao. Hindi ako katulad ng iba na ‘Hanap’ ‘Usap’ ‘Deal’.

Yung First love ko na ate ni Ellaine na si Yillaine … ewan ko kung anong nagawa ko sakanya at dumating sa point nakipag break siya sa akin. Kung tatanungin ako kung mahal ko pa siya ? siguro hindi na. Ewan … hindi ko alam.



“Niel, kung tatanungin ka namin kung may pag asa ba si Jenny sayo o wala? Anong isasagot mo ?” napatigil ako sa tanong ni Sara.

Hindi ko alam ang isasagot ko kasi ayoko naman na ipahiya si Jenny sa harap ng mga katrabaho namin. Pero mukhang kailangan ko ng sabihin baka kasi umasa lang siya.

Akmang sasagot na ako ng biglang magring ang phone ko. “Excuse me.” Sabi ko sa mga kasamahan ko sabay tayo.

Tinignan ko yung Caller ID at sa hindi malamang dahilan na naman napangiti ako. si Ellaine


Sinagot ko yung tawag niya pero usually hindi ko talaga sinagot ‘to. Pero dahil niligtas niya ako sa tanong ni Sara sasagutin ko.

Pag pindot ko ng answer key tinapat ko kaagad sa tenga ko ang phone ko. ibubuka ko palang ang labi ko ng magsalita siya.

“YEEEEESSSS ! SINAGOT MO DIN !” narinig kong sigaw niya kaya agad kong nailayo ang phone ko sa tenga ko. nung marinig kong tumahimik na siya tinapat ko na ulit ang phone sa tenga ko.

Love and HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon