Mas Mahal Kita

96 2 0
                                    

Love and Hate: 4

Mas Mahal Kita

Sinusundan ko ng tingin si Aira. Napakaganda pa din niya gaya ng dati. Ang buhok niyang maiksi noon ay mahaba na ngayon. Ang mata niyang may pagka singit ay may kolorete na at ang bibig niyang pink noon ay natatago na sa pula ngayon. Pero kahit ganoon ay maganda pa din siya, Natural man o hindi.

Naalala ko kapag mag kasama kami noon ay hindi naalis ang ngiti sa mga labi niya. Samantalang wala naman kaming ginagawa noon kung hindi ang naglalakad lang sa kalsada. Ang maliit at malambot niyang kamay ay hawak hawak ko. Hindi ko nga lubos maisip na kaya akong mahalin ng babaeng ito.

Noon ang mga mata niya ay sakin lang naka pokus at kapag may tumitingin sa akin na babae ay tinatarayan niya, taray ng pagmamarka. Taray na magsasabi ng 'Huwag mong tignan ang boyfriend ko' natatawa na lang ako kapag ginagawa niya yun bukod kasi sa ang cute niyang tignan ay tumitibok ng mabilis ang puso ko. Pakiramdam ko ay gusto niya ako para lamang mga mata niya.

Kapag kinikintilan ko siya ng halik ay parang kulang pa sakanya at gusto pa niya. Parang paborito niyang pagkain and she couldn't get enough.

Mapayat na si Aira ngayon at flat na ang tiyan niya. Wala na ang baby fats sa tiyan niya na gustong gusto kong kurutin.

Napapatawa na lang ako sa ala-ala na iyon at nakakalungkot kasi ngayon pag mamay ari na siya ng iba.

Iba na ang nagma may-ari ng mga ngiti niya. Iba na ang tinitignan niya. Iba na ang humahawak sa kamay niyang malambot at maliit. Iba na ang humahalik sa labi niya. Iba na ang pinagdadamot niya.

Nakakalungkot isipin na hindi kami hanggang huli. Naalala ko pa ng nagtatalo kami noon dahil lang sa simpleng salita na 'mahal kita'.

Ang sabi ko ay mas mahal ko siya pero hindi siya nagpapatalo at sinasabi pa niya na mas mahal niya ako. Hindi din ako nagpapatalo dahil alam kong mas mahal ko siya but at the end hinayaan ko na lang siyang manalo sa simpleng agrumento na iyon. Handa akong matalo sa laban basta siya ang kalaban o para sakanya.

Now, well I guest I won. Dahil hanggang ngayon ay mahal ko pa din siya. Hanggang ngayon ay sakanya pa din tumitibok ang puso ko. Hanggang ngayon sakanya pa din umiikot ang mundo ko.

Dumaan sila ng boyfriend niya sa harapan ko at hindi man lang ako binigyan ng isang sulyap ni Aira. Kahit na isang tingin ay hindi niya ginawa, at ay halos ayaw niyang alisin ang tingin niya sa akin ngayon ay parang hangin na lang ako. Nararamdaman pero hindi niya nakikita.

Yumuko na lamang ako at naglakad na taliwas sa direksyon nila.

Kailan kaya ako makaka move on? kailan kaya ako magmamahal muli ng babae ng higit pa sayo? kailan kaya ako titigil sa pagmamahal ko sayo?

Dahil kahit na anong haba ng lakad ko ay hindi pa din ako maka move on. Para akong sasakyan na na stuck aa gitna ng traffic. Hindi maka usad usad sa pagmamahal ko sayo..

---

Myka Baladjay
September 2, 2015 (8:41 Am)

Love and HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon