Bakit?

93 3 6
                                    

Love and Hate: 3

Bakit?

Love is a mystery. Napaka misteryo nito na sa puntong hindi mo alam na nasa ilalim ka na pala ng pag ibig. Napaka misteryo nito na napakadaming nagmamahal kahit na nasasaktan. Napamisteryo nito na sa puntong nababago ka ng isang tao. Napaka misteryo nito na kapag pumailalim ka na dito ay hindi mo alam kung kailan ka makakalabas o kung makakalabas ka pa ba.

I'd enter a different password on his laptop pero hindi ako makapasok pasok. I'd try our monthsary date, my name, his name, his phone number, his birthday, my birthday, his old password pero hindi ko pa din ma open. Huminga ako ng malalim at nagpangalumbaba.

Bakit hindi ko mabuksan? totoo kaya ang hinala ko?

Nawala ako sa iniisip ko ng pumasok siya sa pintuan at may dala dalang plastick bag ng pagkain, Nang makita niya ako ay ngumiti siya, ang ngiting peke. Ng mapadako ang mata niya sa laptop ay nanlaki ng bahagya ang mata niya at namutla siya. I know there's something pero ayoko maniwala.

"Hindi ko ma open. Anong password?" Tanong ko gamit ang natural na boses, yung walang bakas ng paghihinala. "Ano.. Sira yan. Hindi ko pa mapa ayos." Aniya sabay iwas ng tingin sa akin.

Huminga na lang ako ng malalim at kinalma ang puso kong naiiyak na. Three years. Three years ang itatapon niya.

Umuwi ako sa bahay at nakita ko ang nakababata kong kapatid ng dalawang taon. Im 23 and she is 21. Pinag aaral ko siya simula ng kumita na ako ng pera. Kung dati masaya akong makita siya ngayon hindi na.

"Ate nandito ka na pala. Saan ka galing?" tanong niya. "Kay Geo." wika ko at nabakas ko na naman ang emotion na iyon sa mata niya. "Kumain ka na. Kumain na ako kila Geo." wika ko at pumasok na sa kwarto ko. Naupo ako sa kama ko at pinagdikit ko ang tuhod ko. Bakit? sa simpleng tanong na isip ko na hindi ko masagot ay naiyak ako. Lumabas ang mga luha na kinikimkim ko araw araw kapag nakikita ko sila.

Ayaw ko sabihin na alam ko na dahil gusto kong ibalik pa ang dati kahit na alam kong imposible na.

Namumugto ang mga mata ko ng magising ako kinabukasan. Hinanap ko ang phone ko at tinawagan si Geo dahil alam kong day off niya ngayon. Ilang ring din ang narinig ko sa kabilang linya bago may sumagot doon. "Babe!" tawag ko sakanya."Ysa? bakit?" aniya. "Punta ako sa apartment mo mamaya ah." pilit kong pinasigla ang boses ko. "Mamaya? Uuwi ako kila mama eh." sagot niya na halatang ayaw niya akong papuntahin. "Hmm... Sama na lang ako. Miss ko na din--.." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng nagsalita siya. "Sorry Ysa. Gusto ko kasing mag date kasama si Mama. Alam mo na bonding with mama." aniya. Sumikip ang dibdib ko dahil alam kong hindi naman mama niya ang kikitain niya.

Naligo ako at sinigurado na hindi halata ang mugtong mata ko. Pinupusod ko ang buhok ng lumabas ako ng kwarto. "Ate aalis lang ako. Practice lang at mag overnight sa bahay nila Grace." wika ni Yna. Tumango ako kahit na ang totoo ay nagagalit na ako. Tinago ko ang nararamdam ko.

Kung hindi ko maibabalik ang dati sisiguraduhin kong pareho silang mapapahiya sa mga nakakakilala sa amin.

Paglabas ng bahay ni Yna ay nagpalit agad ako ng pang alis at sinundan siya. Gaya ng lagi kong hinala ay pumunta siya sa apartment ng Geo. Napakasakit na pagtaksilan ka ng boyfriend at kapatid mo.

Pumasok ako sa apartment, hindi ako hinarang ng gwardiya dahil kilala na niya ako. Nasa dulo ako ng hallway at tinitignan ang paghahalikan ng kapatid ko at boyfriend ko sa labas ng pinto ng unit ng boyfriend ko. Hindi ko alam kung bakit kahit na parang sinasaksak na ang puso ko ay nakuha ko pa silang panoodin.

Nang makapasok sila ay tsaka lang ako lumakad papunta sa harap ng unit ng boyfriend ko. Sumandal ako sa pinto at naghintay ng oras. Huminga ako ng malalim pagkatapos ng kinse minutos, pinahid ko ang mukha kong basa na pala ng luha.

Kinuha ko ang susi sa bulsa ng pantalon ko at binuksan ang unit ng boyfriend ko. Una akong napatingin sa mga damit na naka kalat sa sahig at sumunod sa sofa kung saan naririnig ko ang ungol ng kapatid ko habang nasa ilalim siya ng boyfriend ko. Kung saan sumisigaw ang boyfriend ko habang nasa ilalim niya si Yna. "Ang sikip mo pa rin Baby siguro dapat araw arawin natin 'to." halinghing niya. Ang bababoy!

Kinuha ko ang cellphone ko at tinangal ang flash at tunog bago ko sila kinuhanan ang kuha na kitang kita ang mukha nila at katawan. Hindi nila ako napapansin dahil sarap na sarap sila. Sarap na sarap sila habang ako ay halos mamatay na sa sakit araw araw dahil sa pagtataksil nila. Itinago ko ang phone ko at nagsalita.

"Tang ina! Ang sarap ba!?" napahinto si Geo at sabay pa silang napatingin sa akin. "Ate..." bakas ang takot at gulat sa boses ni Yna. Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko kakapusin ako ng pag hinga. "Ano Yna!? masarap ba ang boyfriend ng ate mo?" humagulgol siya sa tanong ko at nag sorry na kinainis ko. "Tang ina! Kanina ungol ka ng ungol sa sarap ngayon hahagulgol ka! at ano!? Sorry!? Ang kapal ng mukha mo!" Lumapit ako sakanya at pasabunot na itinayo siya mula sa pagkakahiga niya sa sofa. Pinagsasampal ko siya at wala siyang ginawa kung hindi ang umiyak. Napahinto lang ako ng pigilan ako ni Geo.

"Masikip kapatid ko!? Araw arawin mo para lumuwang! Tang ina mo! Sinayang mo ang tatlong taon natin!" Galit na sigaw ko sakanya at sinampal siya ng malakas. Sumakit ang palad ko pero alam kong mas masakit ang impact sa mukha niya.

"Sorry Ysa. Mahal ko siya.." Aniya kaya sinampal ko siyang muli pati ang kapatid ko bago ako lumabas ng unit dala ang galit at durog durog kong puso.

Buti sana kung kaibigan ko o hindi ko kilala ang kasama niya sa pagtataksil eh. Pero hindi! kapatid ko pa! Kapatid ko pa kaya ang sakit lang dapat ay naging triple at naging sobrang masakit na masakit. Ang sakit na lokohin ako ng boyfriend ko, boyfriend ko ng tatlong taon at ang sakit na pagtaksilan ka ng kapatid mo na inalagaan mo at pinalaki.

Umuwi ako sa bahay at agad na inimpake ang damit ng kapatid ko at nilagay sa labas ng pintuan. Pumasok ako sa kwarto ng kapatid ko at kinuha ang laptop niya. I enter my boyfriend.. ex-boyfriends name at nag open iyon.

I click google chrome at lumabas sa akin ang mga account niya sa social media. I uploaded half of their pictures na naka save sa laptop niya at ang picture na kinuha ko kanina.

Inilagay kong caption ay "Mang aagaw ako ng boyfriend ng ate ko at nagpapakasarap ako sa ilalim ng boyfriend niya habang ang ate ko ay nasasaktan."

Pag upload na pag upload ko ay madami na agad ang nag comment most of them ay kaibigan niya at kaibigan ko.

Face the consequences! Ito ang kapalit ng gabi gabi kong pag iyak. Ito ang kapalit ng sakit na binigay niyo sa akin.

Bakit nagawa niyo 'to? Samantalang wala akong ibang ginawa kung hindi ang pakitaan kayo ng maganda. Bakit? Bakit kapatid ko pa? Bakit kailangan akong masaktan dahil sa mga taong nanloloko sa akin. Bakit?

---

Myka Baladjay
September 1, 2015 (11:11 pm)

Love and HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon