Loving Lea Too Much

33 1 0
                                    



"Careful.." bulong ni Ivan habang nakatakip ang mga palad sa mata ko. Naamoy ko ang mabagong kandila kaya nahihinuha ko na ang sopresa niya sa akin para sa annibersayo namin.

Napangiti ako ng malapad. Ilang lakad pa ang ginawa namin bago niya ako tuluyan na ipinahinto at ibinaba ang palad mula sa pagkakatakip sa mga mata ko.

Ang kwartong pinagdalhan niya sa akin ay punong puno ng kandila sa paligid nakakalat sa maayos na paraan. Sa kinatatayuan ko ay ang petals ng rosas na pula at naka korteng puso.

Inabot niya sa akin ang isang piraso ng rosas. "Thank you." naimutawi ko.

Binulungan niya ako ng matatamis na salita pagkatapos ay  kinintalan ng halik sa labi.

Napatuptop ako sa aking bibig at nagsimulang mangati ang gilid ng mata ko dahil sa luhang nais lumabas dahil sa gulat at saya. Lumuhod siya sa paanan ko at inilahad sa akin ang maliit na itim na box sa gitna at isang kumikinang na singsing.

"Lea, will you be my wife?" tanong niyang mabilis kong binigyan ng kasagutan.

"Yes, I will." nanginginig ang boses pero nasabi ko naman ng maayos.

Tumayo siya at niyakap ako. Paulit ulit na binulong ang pasasalamat at ang sobrang pagmamahal.

Pagsuot ng singsing ay sumigaw siya. "Ma, Pa, Andy, hindi nasayang effort niyo sa pagtulong sa akin." napatawa ako.

Mula sa kung saan ay lumabas ang tinawag niya. May dala ng cake si Andy samantalang ang kanyang nanay ay may dalang camera at kinukuhanan ang lahat.

"May anak na tayong babae, Rita." wika ng papa niya.

Nagsalo salo kami at nag celebrate. Sa kalagitnaan ay nagpaalam ako para magbanyo.

Sasamahan sana ako ni Ivan ngunit humindi ako. Paglabas ko ng banyo ay nandoon si Andy. Ang nakababatang  lalaki na kapatid niya na kasing edaran ko lamang.

Mabilis akong lumakad para malampasan siya. Sa ilang taon na relasyon namin ni Ivan ay iniiwasan ko si Andy.

"See. You are happy." biglang sabi niya. Kumirot ang dibdib ko. Am I happy?

Hindi ko siya pinansin at lalakad na sanang muli ng magsalita pa siya. "Kung tinanggap kita noon ng magmakaawa ka sa akin tingin mo ganito ka kasaya?"

Yumuko ako. Mahal na mahal ko si Andy at nagmamakaawa ako sakanya na gustuhin niya ako ngunit kahit anong pilit ko at iyak ay ayaw niya. Nag desisyon akong lumapit sa kapatid niya upang mas mapalapit sakanya pero iba ang nangyari. Ivan fall for me harder than I fall with his brother. Lingid sa kaalaman niya ang lahat at hindi ko na binuksan pa.

Ang pagmamahal niya na katulad ng pagmamahal ko sa kapatid niya ay ayokong masayang gaya ng pagsayang ni Andy sa nararamdaman ko.

Mahal ko pa din si Andy pero ayokong matulad si Ivan sa akin kaya nais ko siyang pasayahin sa kahit anong paraan bilang sukli sa pag ibig niya sa akin.

Imbes na sagutin si Andy ay nagpaalam na akong babalik na kay Ivan at baka hinahanap na ako ng huli.

Sa pag alis niya ay hindi niya nakita ang pagyuko ni Andy at ang pagtulo ng luha nito dahil sa pagsisisi sa desisyon na ginawa.

August 3, 2018
-Posted on my facebook account too. (Maia SB Fortunato)

Love and HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon