Dream

137 3 0
                                    

Love and Hate: 2

Dream

Nakabaling ang ulo ko sa bintana sa kanang bahagi ko. wala pa kasi ang teacher namin nag palungbaba ako pero nakaharap pa rin ako sa bintana. Umuulan kasi ngayon parang ang sarap matulog.

Hiniga ko ang ulo ko sa lamesa ng silya ko ng makaramdam ako ng antok. Pinikit ko ang mata ko pero hindi pa ako tulog.

“Absent daw si Miss.” Narinig kong sigaw ng kaklase ko pero hindi na ako nag abala pang tignan iyon. Sa halip nagisip ako ng kung ano ano ng saganon ay makatulog ako. kulang kasi ang tulog ko kagabi dahil ginawa ko ang Project ko.

Nakapikit ako pero may  naaninag ko ang liwanag mula sa ilaw ng kisame. Hindi ko iyon pinansin at natulog na ako.

Bahagya akong nagising ng maramdaman kong parang may umuuga sa balikat ko.

“Miss … Miss …” narinig kong boses ng isang lalaki.

“Hmmm…” ungol ko, para iparating na gising na ako. idinilat ko ang mata ko at nagulat ako kasi ang lapit ng mukha ng isang estrangherong lalaki sa harap ko. Agad akong umupo ng maayos at tumingin sa bintana. Madilim na pala … ‘ganon ba ako katagal natulog?’

 

“gising ka na ba?” tanong sa akin ng lalaki.  Tumango tango lang ako sa tanong niya. napatingin ako sa pintuan ng marinig kong sumara iyon. Tumingin ako sa lalaking nasa harap ko pero nakatingin din siya sa pintuan …

Tumayo siya at lumapit sa pintuan. Pinilit niya itong buksan pero mukhang hindi niya iyon mabuksan. ‘mukhang hindi ata napansin ng guard na may studyante pa dito.’

 

Tumayo ako para masigurado ko na nasaraduhan nga kami. Pinilit kong buksan ang pintuan, pero hindi ko siya mabuksan. Sinubukan kong kalampagin iyon pero ayaw pa rin.

“Mukhang hindi napansin ng guard na may studyante pa dito. Kaya wag mo ng pagurin ang sarili mo kasi hindi ‘yan bubukas.” Sabi niya.

TSK ! bakit ba kasi ako natulog ? pano na ngayon yan ? papagalitan ako nito sa amin eh.

Napatingin ako sa lalaking kasama ko sa loob ngayon ng kwarto. Pinalo niya ang sahig na malapit sa kinauupuan niya. “umupo ka na lang muna.” Sabi niya sa akin. Ewan ko ba kung anong meron sa boses niya at napapasunod niya ako. ‘hindi kaya hini-hipnotismo ako ng lalaking ‘to’

 

 

Walang nagsasalita sa amin dalawa kaya nag lakas loob na akong magsalita.

“Bakit ka nandito?” tanong ko sakanya. Tinaas naman niya yung isang notebook na dala niya.

“Ahhh.. nakalimutan mo. Paano mo naman ako nakita dito?” tanong ko sakanya.

“Napadaan lang ako dito.” Tipid na sagot niya. tapos may nilabas siya mula sa bulsa niya. isang MP3 …

Isinukbit niya ang isa sa tenga niya at nagulat ako ng ilapit niya ang mukha niya sa akin… akala ko hahalikan niya ako kaya napapikit ako pero mali pala ako. narinig kong ngumisi siya atsaka may kanta akong narinig mula sa tenga ko. kaya hinawakan ko iyon. Napayuko na lang ako at napangiti ng mapagtanto kong isinukbit niya pala ang isang pares ng earphone sa tenga ko.

Hindi ko namalayan na nakatulog na naman pala ako. pag gising ko, napalingon lingon ako sa paligid ko. wala ng tao at umaga na din. Bukas na din ang pintuan. Tumayo ako at agad agad na lumabas.

Pag uwi ko pinaliwanag ko kay mama ang nangyari para hindi niya ako mapagalitan. Naligo na din ako at pumasok na.

Buong araw kong iniisip kong panaginip lang ba ang lalaki na nakasama ko kagabi. Pero hindi eh. Kasi ..

“Miss ..” napatingin ako sa itaas kasi nakatayo ang nag salita. Laking gulat ko ng siya yung kasama ko kagabi.

“Ahhh..” sabi niya. ‘siguro nahihiya siyang bawiin yungb MP3 niya’

 

 

“Ahh ….” Agad kong tinanggal ang MP3 sa pagkakasukbit sa tenga ko at kinuha ko ang palad niya atsaka ko ipinatong ang MP3 sa ibabaw ng palad niya.

“Ahh .. ano kasi …” pagsasalita niya kaya nagtaka ako kasi naisoli ko na naman ang MP3 niya.

“Ako nga pala si Ian.” Sabi niya.

{Ian pronounce as A-yan, mahabang ‘Ahh’ hindi yung mabilisang pagbanggit kasi magiiba ang bigkas.}  

 

 

“Ahh..  Samantha, ang pangalan ko.” sabi ko sakanya.

Tumabi siya sa akin at nakipag kwentuhan .. masaya akong kasama siya. Akala ko panaginip lang ang lahat. Dati kasi ayokong mananaginip kasi hindi ko alam kung sa pag gising ko magkakatotoo bay un o hindi …


Ian, was my Dream come true. 

-

Myka Baladjay

Love and HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon