Chapter 15: Promenade.

5.3K 93 11
                                    

JhasMean:

 

Guys, pansin naman po siguro I changed my UN, hahahaha! Kasi ito po yung ginamit kong name sa LIB.

 

Guyssss, I need your help. Napasa ko na ang edited version ng Basketball Love Affair 1: Foul Play sa LIB, I think i-edit na lang nila iyon then release na. So ano yung help na hinihingi ko? Pa-promote naman po. Hihihihi! Salamat.

 

And oo nga po pala, maraming nabago sa Book 1, may scenes na nabago, may nabago din sa story line, but I assure you, mas bet ko yun kasi mas maayos siya unlike sa hindi revised na version, medyo messy pa. Hahaha!

 

Tsaka po pala, ang mga FC ng ibang characters (Bukod kay Bricx and Trixie) ay papalitan ko po. Gagawin kop o silang American actors/actress para uniform po. :)

 

Thank you, guys. I love you. <3 <3

 

Chapter 15

Dominique Michelle Alcantara

 

Ilang beses akong nagpapabalik balik ng lakad dito sa walk in closet ko. Tapos na akong ayusan ng make-up artist at isusuot ko na lang ang dress ko. Pero hindi ako mapakali.

Bakit nga ba ako hindi mapakali? Prom na. Wala akong inaya upang maging ka-date ko pero makikita ko ngayon si Jhester. Siya kasi ang susundo sakin ngayon. Kinausap siya ni Mama na magsabay na daw kami. And I'm sure kaya iyon ginawa ni Mama dahil alam niyang may pagtatalo nanaman kami nito. What do I expect? Mother's knows best. Especially my mother.

Humarap ako sa salamin at malalim na bumuntong hininga, "Bahala na. Kaya mo yan, Dominique Michelle Avery-Alcantara."

Dahan dahang sinuot ko ang isang kulay violet na above the knee na strapless cocktail dress. May metallic and peacock embroidery ito na nag-act as the main design of the dress. My mom's friend who is a designer made me this, matagal na siyang pinagawa ni Mama dito dahil excited daw siya para sa prom ko. Tinernohan ko ang dress ng isang kulay violet at itim na stilettos, ang ganda nga dahil yung heel mismo ay may design na parang diamond na nagbigay class sa kanya.

Tumitig ako sa sarili ko sa full length mirror. I look different. Ang ganda ko. 'Yabang.' Shut up, brain. Ngayon nga lang ako naging mayabang eh. 'Oh, really?'

 

Umiiling na kinuha ko ang pouch ko at lumabas na ng kwarto. Pagkababa ko ay sinalubong ako ni Mommy, Daddy at Kuya. Nakangiti si Mommy and Daddy samantalang si Kuya ay walang ganang tumingin sakin. Sumimangot ako at tinuro siya.

"Anong itsura yan, Kuya?" Kumapit ako kay Daddy na hinalikan ako sa noo.

"What are you wearing? Ang ikli. At anong tingin mo sa mukha mo, coloring book? You look funny." Nakangusong humarap ako kila Mommy.

"Do I really look funny?" Tanong ko at bumitaw kay Daddy at muling pinasadahan ng tingin ang suot ko.

"Of course not. You are very beautiful, my Angel." Sabi ni Daddy at pinat ako sa balikat.

Basketball Love Affair 4: Jump BallWhere stories live. Discover now