Chapter 9: Loop Holes.

5.1K 82 10
                                    

Chapter 9: Loop Holes.

Jhester's POV:

Iniwanan ko si Dominique sa Plaisir at dumiretso sa aking unit. She's back. Nikki's back.

Mabilis na nagmaneho ako at halos kalahating oras lang ay nakadating na din ako sa aking bahay, inside my house was her. She's lying peacefully at my couch, eating popcorn while watching a soccer match.

"Nikki."

Dumako ang tingin niya sa pwesto ko at ngumiti, "Good, you're here. Cook something for me. I'm hungry."

Bumangon siya at agad na lumapit sakin. Hinalikan niya ako sa pisngi at niyakap ako ng mahigpit, "When did you come back?" Tanong ko naman at hinalikan siya sa noo.

"Ngayon lang."

Humiwalay siya sakin at naupo muli sa sofa, "I have to tell you something, Nikki."

"What? Did you confess to her already?" Tanong niya.

"No but I--"

"Two year's over JP. And you still not? Ano tayo, the dumb and the dumber? You're much better than this."

Naupo ako sa tabi niya at saglit na tinitigan siya, "Bakit ka bumalik? I thought you'll be in states for good?"

"Glad you ask." Tumayo siya at kinuha ang bag niya, kinuha niya ang wallet niya doon at may kinuhang litrato.

Iniabot niya iyon sakin, kunot noong tinignan ko lang ang litratong iyon at saka ibinalik ang tingin ko sakanya, "Few months after I went to states ay na-ospital ako. Akala ko ay simpleng stress lang mula sa eskwelahan kaya ako hinimatay, but the doctor said something that changed my whole life."

"What is it?"

"The cute little boy in that picture is Xander. He's my one year old son," kinuha niya ang litrato at malungkot na tumitig dito, "He is your son."

 

Domonique's POV:

Pasukan ng muli kong nakita si Jhester, after kasi nung nangyari sa Plaisir ay hindi man lang niya ako tinawagan, tinanong ko si Ate Cassandra kung anong nangyari kay Jhester and she just told me na pinuntahan daw nito ang lola nila sa States.

Yeah, he flew there the day after our anniversary, ang sabi ni ate isang linggo daw siya doon. At nung isang araw ang dating niya, bu still no call or text from him.

Kaya naman pagdating na pagdating ko sa school ay sa Gym ako agad pumunta, pero bago iyon ay kinausap muna ako ni Chris, pinaalala niya sakin ang napag-usapan namin.

"Oo na." Naiinip na sagot ko sakanya at umalis na.

Pagdating ko sa gym ay nandon na nga si Jhester at ang iba pang mga players, ngunit may isang bagay na nakapukaw sa atensyon ko.

"Dominique, oh my God, I missed you!" Sigaw ng isang babae na agad namang lumapit sakin at niyakap ako.

Basketball Love Affair 4: Jump BallOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz