Chapter 8: Confirmation.

5.4K 91 6
                                    

Chapter 8: Confirmation.

Dominique's POV:

**After 3 months.

'Tandadadannnnn!' I told myself when I woke up. Tumingin ako sa orasan. Ala-una na ng hapon. Nakangiting bumangon ako at pakendeng kendeng na naglakad papuntang banyo at naghilamos.

Today is a great dayyyy! Sem break at, drum roll please, tugugugugudoggg! Pooshingggg! Frieniversary namin ni Jhester!

Pagkabihis ko ay agad na inayos ko ang higaan ko at kinuha ang scrapbook na ginawa ko sa may bedside table ko. Ini-scan ko lang iyon saglit upang i-check kung may nagkulang or may nasulat ako ng mali.

And syempre me being me, ay wala namang mali doon sa scrap book. Tatlong beses kong ni-rewrite ang mga sinulat ko dito eh bago ko nilagay sa official na scrap book.

Oha, oha. I'm such a perfectionist. Nakasilay ang ngiti sa aking labi habang inaayos ang bag na dadalhin ko. Ang usapan namin ni Jhester ay sa Plaisir, ang restaurant kung saan kami unang nagkakilala.

Pano ba kami nagkakilala doon?

Simple lang. Seven years old ako noon nang mag-meet ang family namin ni Jhester. Ang alam ko ay dahil sa isang pagkakasunduang merge ng kompanya ng business ng grandmother ko sa mother side at ng business nila Jhester na telecommunication sa ibang bansa. May-ari kasi ng isang malaking engineering firm ang lola ko, pawang mga magagaling na engineers ang nandon.

And in a telecommunication company, maganda ng nasa sa iyo ang magagaling na engineers especially computer engineers. Basta yun iyon, hindi ko naman naiintindihan ang about sa ganon.

But all's well, doon nagsimula ang friendship namin. At yun naman ang araw na nag-end ang unrequited love ni Kuya kay ate Cassandra. Dahil yun ang araw na nalaman niyang engaged na ito.

Who? The guy she's been in love for her whole life. Mahal niya ito pero hindi naman siya nito mahal. She did everything para maging sila, kinausap niya ang parents niya na gawan ng paraan para maging sila. So in-engage sila. Ang kaso, hindi siya gusto nung lalaki, so what happened is nilayuan siya nito.

Actually, hindi naman nag-end. Kasi in love pa din naman siya dito. Hindi na nga lang siya nagbibigay ng hint unlike before na halos alam na ng buong mundo.

Because now pag nakikita mo, hindi mo na iisiping may something. Pano ba naman kasi, naging playboy na si kuya. Hindi ko na nga alam kung ilan ang naging girlfriend niya eh.

Pagdating ko sa Plaisir ay sinalubong agad ako ng isang waiter, "Do you have any reservations ma'am?"

Nakangiting tumango naman ako sakanya at sumagot, "I'm with Jhester Patrick Laudencia."

Malawak ang ngiti sa mukha nitong iginaya ako sa lugar kung saan ang pina-reserve na pwesto namin ni Jhester. I was so confuse nang nalagpasan nanamin ang bawat table na makita kong may reserved sign.

Nagulat na lang ako na doon ako sa garden dinala ng waiter. Tumango ako at nagpasalamat sakanya nang matapos niyang sabihin kung nasaan daw si Jhester at iniwan sakin ang isang puting envelope.

Basketball Love Affair 4: Jump BallWhere stories live. Discover now