Chapter 3: Nag-kyemehan.

7.5K 100 4
                                    

Chapter 3: Nag-Kyemehan.

Dominique's POV:

Ala-singko pa lang ay dumating na ako sa school, ilalagay 'ko sana yung bike 'ko dun sa lagi 'kong pinaglalagyan nito kaya lang naalala 'ko, baka malaman ni JP na pumasok na ako ngayon, halos dalawang araw din kasi akong absent dahil sa iniiwasan 'ko siya.

Kung hindi pa dahil sa dumating si mama at tinakot ako na i-ba-blind date ako sa isang med student na kakiklala niya ay hindi pa din sana ako papasok hanggang ngayon.

Nang dumating ako sa room ay na-bored agad ako, tapos 'ko na kasi yung binigay na assignment sakin ni kuya, wala tuloy akong magawa. Umalis ako ng classroom at naglibot, pumunta ako sa College building at pumunta sa Med building nito, mas malaki pa ang Med building kesa sa High school building eh, parang dalawang HS building.

Na-amaze ako sa building nila, I want to study here. Well, hindi na din naman masama, dahil kasama din naman ang Mainro Medical sa top ten universities, kaya hindi na din masama. Besides, dito din nagtapos si kuya, tsaka hindi naman sa school ang basehan kung magaling ang estudyante, lahat sa estudyante, if you have the courage to learn and have the skills to excel, you'll succeed no matter where you come from.

"Sabi 'ko na nga ba nandito ka." Sabi ng isang boses sakin. Hindi 'ko na kailangan lumingon para malaman kung sino iyon, dahil sa malamig na boses palang, alam 'ko ng si JP yun.

Hindi 'ko siya sinagot at nilampasan na lang siya, "Are you still mad at me?" And again, hindi 'ko siya sinagot, I'm not mad anymore. I just feel kind of awkward with him dahil sa nangyari two days ago.

Hindi 'ko pa feel na makipag-usap sakanya, awkward pa. Dahil kahit kelan hindi 'ko in-expect na ganon lang basta mawawala ang first kiss 'ko, I want it to be magical. Pangalawa, kahit kelan hindi 'ko in-expect na sa bestfriend 'ko maibibigay ang first kiss 'ko.

Because as much as I don't want to admit it, si Chris pa din ang gusto 'kong maging first kiss 'ko. In short, I still want him kahit na ayaw niya sakin. Asar, lalo tuloy ako nabibitter ngayon, dahil imbis na inaayos 'ko na ang plano 'ko sa anniversary namin ay nandito ako ngayon at gumagawa ng sarili 'kong problema. Out of boredome, I guess.

Dahil kung hindi ako bored, I won't make a big deal out of this childish fight with JP. I've been through worst with JP and this fight is nothing compared to our previous fights, may isang away nga kami na after seven months bago kami nag-usap ulit. Longest seven months of my life, I was planning to not forgive him nga for a year pero hindi 'ko din kinaya, he's my best friend.

Napabuntong hininga na lang ako at nangalumbaba, tumingin ako sa labas kung saan naandon ang malaking field ng Mainro High at kasalukuyang dumadating ang mga soccer player, how I love that sport, well, compared to basketball, I'm more interested to soccer eventhough I don't get it's essence compared to basketball na mas simple lang ang rules and whatsoever.

Naalala 'ko tuloy na kaya kami naging close ni Chris noon ay dahil sa mahilig akong manood ng Soccer match and it turns out na mahilig pala siya sa soccer, yun nga lang he can't play kasi may Mitral Valve Prolapse kasi siya kaya hindi siya pwedeng mapagod. And that's the reason why we became friends and then he courted me and then on the same day just a year ago, he officially became my boyfriend.

'Yehey, Dominique. At nag-break kayo a week before your anniversary, bazinga for you!' Saad naman ng utak 'ko sakin kaya naman napalatak ako at mahinang pinukpok ito ng kamay 'ko.

"NO!" Sigaw 'ko sa classroom, buti wala pang tao.

Hindi pwede, dapat magkabalikan kami ngayon. I need to make a plan para magkabalikan kami ni Chris, call me desperate but I don't care, magkakabalikan kami ni Chris no matter what.

Basketball Love Affair 4: Jump BallWhere stories live. Discover now