CHAPTER 14 ~ I Don't Know ~

167K 3K 189
                                    

CHAPTER 14

FREEZALE'S POV

"Hindi kayo bagay."

"At sinong bagay sa akin?"

"Ako."

Pakiramdam ko ay tumatambol sa puso ko sa sinabi niya. Pero kahit gano'n bakit pakiramdam ko may mali? Hindi ba dapat maging masaya ako? Na eto ang lalaking natutunan kong mahalin kahit na anong pigil ang gawin ko ay nagpapakita na ng interes sa akin?? Pero hindi.

Alam ko na kahit kailan ay hindi magagawa ni King na pumasok sa isang relasyon. Isang relasyon na hindi ko inakalang hahangarin ko. Dahil kung kaya ko lang, kung posible lang...matagal ko ng pinigilan ang sarili ko na mahalin siya.

"Yeah, right."

"Look, Freezale.I'm just looking out for you."

"And why is that?"

"Because you work for the band. Hindi ko gusto ang karakas ng lalaking iyon. Kung gusto mo talaga ng ka-date nandito naman ako. At least ako hindi kita ipapahamak. You don't need to go out with him. I'm handsome and you're beautiful. Mas bagay tayo hindi katulad sa taong iyon."

I gave myself a mental pat of consolation. Tama lang na hindi na ako umasa kay King. Una pa lang naman alam ko na na imposible. Sadiyang tanga lang talaga ang mga pusong nagmamahal. And I'm not an exemption.

"Thanks for the thought but I don't need you. Kilala ko si Derrick, King. Mas kilala ko siya kesa sa iyo kaya wag kang magsalita na para bang masama siyang tao."

"Freezale-"

Sinalubong ko ang tingin niya. "Stop acting like a jealous boyfriend, King. You're just my employer."

I love him. There's no turning back but I can still protect my heart. By doing this...by keeping my feelings tucked away. Maybe I'll hurt less. Maybe...just maybe.



TINAKPAN ko ng unan ang mukha ko ng tumama doon ang buhok ng kung sino na tumalon sa akin. Wala namang iba na malakas ang loob na basta na lang ako pasukin dito sa kwarto ko maliban sa mga kapatid ko.

"Good morning world!"

Lalo ko pang idiniin ang unan ng makarinig ako ng malakas na tunog ng electric guitar. Sa kabila ng nakatakip sa akin ay para bang paulit-ulit na kinakatok ng tunog na iyon ang eardrums ko. Itinapon ko sa pwesto ni kuya Thunder na alam ko na siyang nagpapatugtog ang unan na nakatakip sa akin kanina at padaskol na umupo ako.

"WHAT?!" angil ko.

Nag peace sign si Snow na tumayo at tumalon-talon sa kama ko habang si kuya Thunder naman ay gumagawa ng windmill movements sa electric guitar niya na nakasaksak sa isang tabi.

"Swimming! Swimming!" sigaw ni Snow na sinagot naman ni kuya Thunder ng nakakabinging strum ng guitara.

"May swimming pool sa baba. Magswimming kayo doon."

"Sabi ni Dawn-"

Pinutol ko ang sasabihin ni kuya Thunder. "May outing na naman? Bakit? Napagtripan na naman niyang pahirapan kayo para maglaban para makuha ang mga mission na nauubos kuno kahit na hindi?"

"Woah! Ang daldal natin ngayon sis ah?" ngumisi si kuya ng sinamaan ko siya ng tingin. "Sabi ni tita Autumn pumunta daw tayo sa beach resort ng kaibigan ni tita Summer. Orellana Resort daw. Death anniversary kasi ni Xander Orellana, iyong dating may-ari. Eh diba nakuwento na sa atin noon na kada death anniversary niya may program sa resort. Isa sa mga Orellana ang nakausap ni tita Autumn at-"

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon