Chapter 16 part 2

162 3 1
                                    

A/N: its been a long time nyahahaha hindi ko na alam nangyari sa story ko hahah mas gusto ko nlng kc mgbasa ng ibang gawa.. sorry maikli lang to at hay ewan ko nalimutan ko na plot ng story ko hahah... so basa nalang...errrkkkk

Chapter 16 part 2

 Daren’s POV

 Agad akong tumayo at hinabol sya. Ang dami ko ng pinagdaanan kaya hindi ko na dapat palampasin ang pagkakataong makausap ko ang babaeng 4 na taon ko ding iningatan sa puso ko. Dahil sa kanya kaya lumalaban pa ako sa sakit ko, dahil sa kanya kaya patuloy akong naniniwalang hahaba pa ang buhay ko kahit nung una pa lang alam ko ng malabong mangyari at dahil din sa kanya kaya mas pinili ko pang mabuhay kaysa mamatay.

Nakita ko syang binubuksan yong kotse nya kaya agad ko syang nilapitan at niyakap.

“Mika let me explain please!” Nagmamakaawa kong bulong sa kanya. Ang tagal kong hinintay na sana mayakap ko ulit sya at heto na nga ang pagkakataong yon. Alam kong mali tong ginagawa ko pero wala na akong ibang maisip na paraan para kausapin sya.

“Ano pa bang ipapaliwanag mo?!-- Sob—bitiwan mo nga ako—sob--” Kumawala sya sa pagkakayakap ko at humarap sakin. Umiiyak sya at nasasaktan akong makita syang ganito. Hindi ko alam kung anong ipapaliwanag ko. Hindi  ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko kayang sabihin sa kanya!

“S-sorry! Im really sorry Mika!” Garalgal kong sabi sa kanya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya. Parang gustong tumulo ng mga luha ko dahil sa sorry na sinasabi ko.

“Sorry?....Haha yon lang ba?!... sorry lang ba? Huh!” Tinabig nya yong kamay ko na nakahawak sa mukha nya“Do you think I can easily forgive you just because you say you’re so--- ” Hindi ko na sya pinatapos at bigla ko na lang syang hinalikan ng marahas pero tinulak nya ako at sinampal.

“Wala kang karapatan pa--” Hinalikan ko sya ulit. Isang halik na punong-puno ng pagmamahal. Wala na akong pakialam kung magalit man sya sakin basta ang mahalaga maramdaman nyang mahal ko sya.

Akala ko makukuha ko na sya pero bigla nya akong tinulak at sinipa sa parteng hindi ko inaasahan na dun nya patatamain. Below the belt yon kaya napaluhod ako sa sakit.

“Manyak!” Yon ang mga huling kataga na narinig ko sa kanya bago sya sumakay ng kotse at umalis. Dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa kotse ko para sundan sya. Hindi pwedeng ganito na lang ang mangyayari sa muling pagkikita namin! Kailangan makausap ko sya at magkaayos kami kahit hindi naman talaga naging kami. Alam kong mahal na mahal nya pa rin si Derek at ako ang magpupuno ng lahat ng pagkukulang ng kakambal ko!

Nasaktan ako ng malamang si Derek pala ang naging boyfriend ni Mika. Yong Mika na kinukwento ko at Mika na kinukwento nya ay iisa lang pala! Nalaman ko yon nang maospital si Derek at ako ang nagsundo kay Mika sa bahay ng bestfriend nya.

Nagtext si Mika nun at dahil ayaw ipaalam ng kakambal ko yong kalagayan nya, napilitan akong magpanggap bilang Derek at sinundo si Mika gamit ang motor para pwedeng maitago sa kanya ang mukha ko na suot ang helmet. Kahit kambal kami ay may pagkakaiba kami ng itsura dahil sa hairstyle ko at pananamit. Napilitan din akong tanggalin ang mga earings ko para hindi magtaka si Mika.

Nagulat na lang ako nang lumabas si Mika ng gate kasama ng bestfriend nyang si Nadine. Akala ko nakalimutan ko na sya pero nang makita ko sya ulit bigla na lang bumilis yong tibok ng puso ko. Bagay na ikinatakot ko dahil hindi ko pwedeng maramdaman yong ganun. Hindi ako normal na tao kaya hindi ako pwedeng magmahal!

Hinatid ko si Mika nun sa Condo nya….

“Bye!” Sabi ko sa kanya.

“Wait lang! A-ano kasi, pwede ba tayong mag-usap?” Pigil nya sa kamay ko.

“Can we talk tomorrow? I-im sorry but I have important things to do” Hindi kami pwedeng mag-usap dahil hindi naman ako si Derek.

“I need to talk to you right now! What the heck! Can’t you talk without your helmet?! ” Tinaasan nya ako ng boses.

“Alright then” Kinakabahan kong tinanggal yong helmet ko. Wish ko lang hindi sya magtaka “Sorry na ok? But please let me go for now kasi may kailangan pa akong puntahan and it can’t wait! I’m sorry, we can talk tomorrow naman diba?” She smiled at me while nodding her head. I hugged her then give her a smacked kiss “Bye na sweetie, I love you!” Bulong ko sa kanya at saka nagmadaling umalis para balikan si Derek sa Ospital.

Hindi ko pinagsisihan yong paghalik ko sa kanya. Nung araw na yon para akong nabuhay. Natupad ang isang bagay na gusto kong mangyari(saying I love you) pero sa maling pagkakataon naman!

Nakarating din ako sa Condo ni Mika. Nagtanong ako kung saang floor at room sya nakatira at agad namang binigay sakin ng babaeng bantay sa front desk yong room number. Bago pa man ako makaakyat ay sinabihan na akong hindi pa daw nakakauwi si Mika kaya naghintay na lang ako sa lobby. Nag-order ako ng maiinom para hindi ako mainip. After 3 hours nakita ko si Mika na papasok ng elevator kaya nagmadali akong sumabay sa kanya.

Parang wala sya sa sarili dahil hindi nya man lang napansin yong presence ko. Parang hindi nya alam na may kasabay sya sa elevator, namumugto yong mata nya at halatang malalim yong iniisip. Bumukas yong elevator at sinundan ko lang sya, bago sya makapasok sa unit nya hinawakan ko yong kamay nya.

“Mika…….” Lumingon sya sakin.

“A-anong g-ginagawa mo dito?”  Sabi nya na parang natatakot sya ng makita ako.

“Kanina pa kita hinihintay! Bakit ngayon ka lang?” Nagsmile ako sa kanya. Parang evil smile.

“B-bitawan mo ako! Umuwi ka na!” Hinila nya yong kamay nya na hawak ko.

“Hindi ka ba natutuwa na makita ako?” Nawala yong ngiti ko sa mukha.

“L-lasing ka lang kaya umuwi ka na” Ako lasing? Mukha ba akong lasing? Marami na nga akong nainom pero hindi ako lasing! Alam ko pa yong mga sinasabi ko!

“Wala na ba talagang pag-asa?............. Huh Mika?” May tumulong luha sa mga mata nya pero agad nyang pinunasan yon.

“Bakit pa?.......... Para san pa?” Tanong nya sakin at tumulo ulit yong mga luha nya. Naiinis ako sa sarili ko! Ayoko syang makitang umiiyak! Nasasaktan ako!

“Dahil mahal kita!” Sagot ko sa kanya at niyakap ko sya ng mahigpit. “Please give me a chance!” Hindi ko na napigilang umiyak dahil sa nangyayari samin ni Mika. Hindi dapat ako ang gumagawa nito pero kailangan kong gawin to! Kailangan kong magsinungaling.

“W-wala ng chance Derek!” Tinulak nya ako na ikinabigla ko kaya natumba ako. Hindi pa ako nakakatayo ay agad nang nakapasok si Mika sa loob.

“Mika!.. please open the door!...talk to me please!” Kinalampag ko yong pinto nya. “Im begging you! Open this godamn door!” Patuloy lang ako sa pagkalampag pero hindi nya pa rin ako pinagbubuksan ng pinto.

“Mika!... I want to talk to you! Don’t make things so hard for me please!” Im crying out loud! I know anytime lalabasan na ako ng kapitbahay dito ni Mika dahil sa pag-iingay ko! But I don’t care! “Mika please!...” Kulang na lang sirain ko yong pinto nya.

Maya-maya nakaramdam na lang ako ng pagod. Parang may sumasakit sakin! Ano tong nararamdaman ko?... bakit ganito?! Hindi pwede to!

Sumandal ako sa pinto at sinusubukan kong kalmahin yong sarili ko pero hindi ko magawa. Tuluyan na akong napaupo sa sahig habang hawak-hawak yong parteng sumasakit sakin.

I feel like im dying! Nahihilo na ako! Parang nagdidilim na yong paningin ko!

“Mika…………….” I shouted her name bago ako nawalan ng malay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stolen HeartWhere stories live. Discover now