Chapter 13 "busted"

158 8 26
                                    

Chapter 13

Mika’s POV

“Flowers for you!” Ano ba yan bawat madaanan kong building may nag-aabot sakin ng flowers tapos yong mga guy na nagbibigay bigla na lang tumatakbo.

Anong meron? Valentines day ba ngayon? Hindi ko naman birthday! Ang weird ng araw na to, kanina bago ako umalis ng condo may nagpadala ng chocolate tapos wala namang pangalan! Mukhang kilala ko na kung sino may pasimuno nito ah! Kukultukan ko talaga yon pag nagkita kami! Pauso talaga yon, kung ano-ano na lang maisipang gawin! Kahit kailan papansin!

“Wow ang sweet nya talaga noh?”

“Oo nga! Ang swerte nya saka bagay sila!”

“Pero mas bagay sila nung una nyang boy—h-hi Mika? A-andyan ka pala! Hehe sige pasok na kami” Haler kanina pa ako nandito noh! Mga tsismosa talaga mga tao dito sa campus!

Shock! Late na ako! Kasalanan nya to eh! Humanda talaga sakin yon pag nagkita kami!

 Patakbo kong tinungo yong classroom ko, terror pa naman yong prof ko ngayon! Palibhasa bading kaya mga lalake yong mas pinapaboran! Haixt! Dahan-dahan kong binuksan yong pinto, hay salamat wala pa si Mr. Andrada. Nakaligtas ako ngayon!

Pati mga classmates ko ang weird din ng itsura, lahat sila nakangiti sakin. Nagmadali akong umupo tapos nilabas ko yong salamin mula sa bulsa ng bag ko at saka ko tiningnan yong sarili kong repleksyon. Teka wala namang mali sa mukha ko ah! Maganda pa rin naman! Ay mali,……. Mas lalong gumanda pala! Haixt nakakailang na yong pagtitig nila sakin! Kinalabit ko yong katabi ko.

“Oi anong meron? Bat ang we-weird yata ng tao dito?” Nag-shrug lang sya tapos ngumiti. Ok fine! Bahala kayo matutulog muna ako habang wala yong huklubang professor ko!

“Gisingin mo na lang ako pag nandyan na si sir ah” She nodded then pinatong ko yong dalawang kamay ko sa armchair ko saka yumuko.

“Mahal kita” Hinawakan nya yong mukha ko.

“Mahal din kita” Sagot ko sa kanya, at unti-unting lumapat yong labi nya sa labi ko.

Hindi ko makita yong mukha nya! Pilit kong inaaninag pero malabo talaga!

“Sino ka?” Tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang sya tapos hinalikan nya ako ulit. Tinulak ko sya at nagbabakasakaling mamukhaan ko na sya pero malabo pa din.

“Tell me your name!” Sinigawan ko na sya

“Ako si---”

“Babe gising na!.. babe…… hoy babe!” Panaginip na naman! Madalas kong mapanaginipan yong eksenang yon. Nag-angat ako ng ulo tapos nag-unat ng kamay at saka ko dinilat yong mata ko.

O__O Panaginip pa rin ba to? Bakit nandito sya sa kwarto ko?

“What are you doing here?” Kinusot-kusot ko yong mata ko tapos sinampal-sampal yong mukha ko. Baka nananaginip pa din ako.

“Ikaw? Bat ka natutulog dito?” Ahmp malamang kwarto ko to eh!

“Answer my question first! What are you doing here in my room?!”

“Huh? Is it your room? Ang alam ko nasa school tayo at nasa loob ng classroom habang naghihintay ng professor!” He smiled at me then I realized na nasa loob nga kami ng classroom at yong mga classmates ko nagtatawanan! Waaaaah…. Embarrassed! Haixt…

“Hoy ikaw!” Hinampas ko sya sa balikat “Bakit nandito ka sa loob ng classroom namin huh?” Tanong ko sa kanya.

“Are you blind?” Ngumiti sya ng nakakaasar “Hindi ba obvious kaya ako nandito?” Napatakip ako ng bibig sa pagkabigla. Naka-uniform sya ng tulad samin.

Stolen HeartWhere stories live. Discover now