Chapter 14 -its you-

145 7 12
                                    

Authors Note: This is dedicated to my first readers(i think she is) and she's not only a reader but also my #1 fan(assuming ako hahah..first fan ko sya e).. thank you for supporting me from the very start.....KASH this is for you.. hope you like it..

Chapter 14

Nadine’s POV

Nasan na ba yong asawa ko? Nakakainis kanina pa ako naghihintay dito sa parking lot eh! Ang bigat pa naman ng mga dala kong libro! Gusto ko ng umuwi dahil may kailangan pa akong gawin sa bahay, half day lang naman pasok ko ngayon kaya maihahanda ko pa yong presentation ko sa pagluluto.

Ano kaya kung magtaxi na lang ako? Hmmmm kaso sayang sa pamasahe, may pinag-iipunan pa naman ako para sa expenses ko sa tour namin out of the country and next month na yon! 1 week lang naman kami pero mamimiss ko yong asawa ko! Hehe asawa talaga? Hindi ba pwedeng engaged muna? Ikakasal na rin kami after grumaduate.

Tumingin ulit  ako sa wristwatch ko. Poteek naman 30 minutes na akong nakatayo dito! Ano bang pinaggagawa nun e kanina pa tapos yong klase nya! Baka nilalandi na naman sya ng mga naglipanang mangkukulam o di kaya sya yong nakikipag-flirt! Haixt gusto na naman yata nya ng gyera. Pwes pagbibigyan ko sya! Nilapag ko yong mga gamit ko sa bubong ng kotse nya, bahala sya kahit magasgasan pa yon! Naglakad na ako habang dinudukot yong phone ko para tawagan si Edward.

“Hello?!” Pagalit kong bungad sa kanya “Nasan ka na?!” Sige subukan mong magdahilan kundi lagot ka talaga sakin!

“Naglalakad na papunta dyan” Cool nyang sagot.

“Hanggang ngayon naglalakad ka pa din? Kanina mo pa sinabi yan ah!” Bawat madaanan ko napapatingin sakin, eh kasi naman halos sigawan ko na si Edward sa inis. Naglalakad na daw eh kanina pa yon!

“Kasama ko si Mika” Pinagloloko talaga ako nito! Imposibleng magpalabas ng maaga yong bakla nyang prof! haixt mga lalake talaga ang daming dinadahilan makalusot lang!

“Wag mo nga akong pinaglo---” Hindi ko na natapos yong gusto kong sabihin dahil may nagsalita ulit sa kabilang linya.

“Hello best bakit?” Napangiti ako, nagsasabi nga ng totoo yong asawa ko.

“Ah…hehe wala gusto ko lang marinig yong boses mo. I miss you best!” Napa-stop ako sa paglalakad

“Ang sabihin mo pinaghihinalaan mo na naman si Edward! Haha ikaw talaga wala ka pa ring tiwala sa kanya!” Hindi ako makapagsalita.

“Hoy hindi ka na sumagot dyan!” Nakatulala lang ako.

“Hello?....best?...hoy Nadine?!”

“M-mika.. ” Napalunok ako “B-bye na!” Inend ko agad yong call tapos nakatulala pa din ako. Hindi ako pwedeng magkamali…… Sya yon!

Mika’s POV

“Hello?....best?...hoy Nadine?!” Bat hindi nagsasalita tong si bestfriend?

“M-mika… B-bye na!” Ano kayang nangyari dun? Bigla na lang akong pinatayan ng phone.

Nasa parking lot na kami ni Edward pero wala dun si bestfriend. Nakita lang namin yong mga libro na nakapatong sa kotse.

“Tingnan mo yon iniwan na naman ako!” Sabi ni Edward habang umiiling.

“Alam mo namang mainiping tao yon eh!” Tinulungan ko na lang syang magpasok ng mga libro sa trunk ng kotse.

“Sandali tatawagan ko lang sya ha” Sabi nya habang nagdadial ng no.

“Mauna na ako sayo Eds. May dadaanan pa pala ako” Nag-nod lang sya then I wave my hand before ako pumasok sa kotse ko.

Pupunta ako sa park para makita si Zan, yong batang binigyan ko ng chocolate 2 weeks ago. Napadaan kasi ako sa mall nung isang araw and I saw him with his yaya. Nagkwentuhan kami saglit at napag-alaman kong nag-stop sya sa pag-aaral dahil sa nangyari sa parents nya pero next year babalik na daw sya ng Canada to continue his study.  Magbabakasakali lang ako baka nasa park sya, araw-araw daw sya dun kasi malapit lang daw yong bahay nya dun. Haha bahay nya talaga!

Stolen HeartWhere stories live. Discover now