Chapter 3 *lunch date daw*

218 8 5
                                    

Chapter 3

 

“Best sabay tayo maglunch mamaya huh”

“Bakit nag-away na naman ba kayo ni Edward?”

“Hindi ah! Porket ba sasabay ako sayo nag-away na agad kami?”

“e ganun naman talaga kayong dalawa e!”

“Hindi noh! Susunod na lang daw sya satin at may kasama sya. So pano una na ako sayo baka malate na naman ako, kita na lang tayo mamaya sa canteen”

“Ok sige text mo na lang ako mamaya pag nandun ka na”

“ok see you later”

“Wait lang best!”

“Oh bakit?”

“Sino yong kasama ni Edward?”

“Di ko rin alam e, sige na pasok na ako”

“ah ok goodluck!”

Nang makaalis si Nadine lumabas na din ako ng locker room. Di ako mapakali! Hmmf bat kaya? Siguro nabo-bothered lang ako kung sino yong kasabay namin mamayang lunch. Hay ewan mamaya malalaman ko din kung sino sya! Pero teka sino nga ba sya? Ang gulo ko rin noh?

Sa sobrang pag-iisip ko kung sino sya bigla na lang……

Pok!!!!!

“Ouch! What the heck?!” Ayan Mika buti nga sayo! Nawawala ka na naman sa sarili mo!

OMG nakakahiya! Hindi ko namalayan naglalakad na pala ako sa gitna ng gym namin. Ay poteek naman oh! Ang sakit ha! Sa pisngi ko pa talaga tumama yong bola!

“Miss sorry di mo kasi tinitingnan yong dinadaanan mo!” Ay ang walang hiya nag-sorry nga tumawa naman! Aba gusto yata nito matikman ang super punch ko! Baka gusto nyang makita pagka-dragon ko!

“Miss sorry” Anong sorry sorry?! Nasaktan ako tapos tatawa pa kayo! Kinuha ko yong bola para ibato sa lalaking nasa likuran ko.

Pero pagharap ko sa kanya-……

Ay damn it! Pekeng shet!

Hindi ko matuloy yong pagbato, hindi ako makakilos. Pekeng shet talaga! Si crush! Oo si crush yong nasa harap ko ngayon! Ano ng sasabihin ko? Bahala ka na nga superman!

Stolen HeartWhere stories live. Discover now