Chapter 1

373 13 11
                                    

“Ang kapal din ng mukha mo para magpakita pa!” Lahat napalingon sa kanya.

“At sino ka naman?” Sagot ng kasama ko.

“Wag kang makialam! Malandi ka!” Gigil nyang sabi dito.

Magsasalita pa lang sana ako pero inunahan na nya ako ng malakas na sampal sabay tumakbo sya palayo.

Chapter 1

“Anak bilisan mo kanina pa naghihintay si Nadine”

“Opo mom nandyan na” Hay naku si Nadine talaga napakakulit sinabi ng ayoko sumama magmall e pero pinilit pa rin nya ako! Pati si mommy kinulit nya para lang sumama ako.

E ano pa nga bang magagawa ko andito na eh.

Lumabas na ako ng kwarto at habang pababa ng hagdan nagulat ako kay Nadine.

Hindi pala sya nag-iisa kasama nya si Edward. Hmmmf mukhang alam ko na ah!

Nangyari na to dati e. Chaperone na naman ako ng dalawang to!

“Mika ang tagal mo naman! Halos 30 minutes mo kaming pinaghintay oh!” Medyo naiiritang sabi sakin ni Nadine.

Napangiti lang ako sa kanya tapos nauna na akong lumabas ng bahay.

“Tingnan mo tong bestfriend ko hindi man lang magsorry” Nagtatampong sabi ni Nadine.

Lumingon ako sa kanila tapos nagwave.

 “Tara na Nadine, naiinip na si Edward oh” Ngumiti lang sya sakin tapos lumabas na din.

Dala ni Edward yong kotse nya kaya di ko na kailangan dalhin yong akin tutal ang mangyayari nito tagabuntot lang ako.

Habang naglilibot kami sa mall bigla akong hinila ni Nadine doon sa isang shop.

“Ano namang gagawin natin dito?” Takang tanong ko sa kanya.

“At kelan ka pa nahilig sa sports huh?” Sa shop na yon nandun lahat ng safety gears at di ko alam anong pumasok sa isip nitong bestfriend ko at dinala nya ako dito.

Napatingin ako kay Edward at nagkibit balikat lang sya.

“Ano ka ba Mika bulag ka ba?” pasimpleng bulong sakin ni Nadine.

“Huh? Ano ba yon?” Patay malisya ako pero sa totoo lang alam ko ng ibig nyang sabihin.

Haha andun yong crush ko kasama ng mga barkada nya. Ang gwapo nya talaga!

Ano ba Mika behave! Nakakahiya ka! Bulong ng isa kong isip.

Haha di ko mapigilang mapangiti. (^_^)

Nahuli ako ni Nadine sa ginawa ko kaya agad akong tumalikod.

“Hoy san ka pupunta?” Sigaw sakin ni Nadine.

“Im going to pee so wait me there” Tumango lang sya sakin tapos ngumiti ng nakakaloko.

Ano bang meron kay crush at napapangiti nya ako ng ganun?. Wala naman syang ginagawa pero parang naiinlove na ako sa kanya.

Hay…. Kelan nya kaya mapapansin yong alindog ko!

Naputol yong pag day dreaming ko ng may pumasok na isang grupo. And guess what? Pinag-uusapan nila si crush kaya di muna ako lumabas ng cubicle para mapakinggan ko sila haha ang bad ko talaga. Evil smile.

“Sino kaya yong nililigawan nya dun?” Narinig kong sabi ng isa.

Teka nililigawan? Nagpanting yata yong tenga ko! Bigla ako nakaramdam ng selos. Ano ba yan! Ano bang nangyayari sakin? Stop it Mika! Stop it!.

“Balita ko ka-school mate lang daw natin e” Ibig sabihin ka-school mate ko din tong mga babaeng to!

And OMG si crush malapit ng magka-girlfriend! Ano ba  yan sana single muna sya! Hindi pa ko tapos pagsawaan yong maamo nyang mukha tapos magkaka girlfriend na sya! Its so unfair!!!!grrrrr

“Saang department naman?” Tanong pa ng isa.

“Sabi ng source ko sa commerce department daw!”

Ano? Tama ba yong narinig ko? Pwedeng pakiulit? ……. Ka-department ko yong nililigawan ni crush?.

Aray ang sakit naman! Kaya pala lagi ko syang nakikita dun sa hallway namin siguro lagi nyang hinihintay yong future girlfriend nya!

Nung umalis na yong grupo lumabas na din ako. Wala na ako sa mood mag-ikot!

“oh bat ganyan yang mukha mo? May nangyari ba?” Bungad sakin ni Edward.

“Wala! Tara kumain na tayo kanina pa ako nagugutom!” Nilampasan ko lang silang dalawa na parehong naguguluhan.

“Anong nangyari dun?” Narinig kong sabi ni Nadine.

“Aba malay ko!” nakangiting sagot ni Edward.

Yong ngiti nyang yon parang may ibig-sabihin pero di ko na lang sya pinansin.

Pagtapos namin kumain umuwi na rin kami at syempre hinatid nila akong dalawa. Aba dapat lang noh! Dahil next time di na ako sasama sa kanila pag pinabayaan nila akong umuwi mag-isa.

 Pagdating ko ng bahay dumiretso agad ako sa kwarto at nahiga. Niyakap ko si Teddy- ang paborito kong Teddy Bear.

“Alam mo Teddy ok na sana yong araw ko kasi nakita ko sya” Si Teddy nakangiti pa rin sakin kahit malungkot ako.

“Kaso may asungot namang balita!” Hinawakan ko yong mukha ni Teddy tapos pinisil ko yong pisngi nya.

“Bakit kasi hindi nya ako napapansin? May itsura naman ako,matalino at mabait pa” Haha somehow! Mabait ako sa mabait pero dragon ako sa mga taong gumagalit sakin!

Oo nga pala hindi pa ako nagpapakilala. I’m Mikaela De Guzman, Mika for short, taking up Bachelor of Science in Business Administration major in Management. Kaya kinuha ko tong course na to kasi gusto ni daddy na tulungan ko sya sa negosyo namin pag naka-graduate ako.

May sarili na akong condo unit pero pag weekends dun ako sa bahay namin tumutuloy para naman di ako mamiss nila mommy at daddy. Dalawa lang kami magkapatid si kuya Michael, kuya Mike for short, matanda sya sakin ng 5 years kaya until now baby pa rin ang turing nya sakin. Sweet talaga si kuya kaya love na love ko yon. Wala akong kaibigang lalake na hindi nya kilala, eh pano naman kasi daig nya pa si daddy kung umasta akala siguro nya manliligaw ko.

Speaking of manliligaw , yeah marami ako nun pero ewan ko ba miski isa wala akong sinagot. Nagka-boyfriend naman ako nung highschool, minahal ko sya pero niloko nya lang ako. Akala ko nga sya na kasi umabot pa sa puntong pinakilala ko sya sa pamilya ko, nung una tutol si kuya dahil bata pa daw ako para makipagrelasyon pero nung nakita naman nyang mahal ko yong guy pinabayaan na lang nya kami. Si kuya din ang nakahuling niloloko lang pala ako kaya ayon puro pasa sa mukha ang inabot nya.

Mula nun naging mailap na ako sa mga lalake, alam lahat ni Nadine yong pinagdaanan ko noon, bestfriend ko sya since elementary days pa. Buti na lang ngayong college pareho pa rin kami ng napasukang university magkaiba nga lang ng course dahil HRM yong kinuha nya at pag grumaduate sya mag-aaral ulit sya ng Culinary Arts. Mahilig kasi syang magluto at kumain pero nakakapagtaka lang kasi hindi sya tumataba, ang bilis ng metabolism nya!

Si Edward 2 years na nyang boyfriend, ang lakas ng kapit nilang dalawa kahit madaming naninira sa relasyon nila pero heto sila pa din kahit parating nag-aaway tapos magbabati din naman. Isa lang ibig sabihin nun, talagang mahal nila ang isat-isa. Buti pa si bestfriend nakahanap na ng true love samantalang ako single at puro pag papantasya na langkay crush.

Bat ba di ko lagyan ng pangalan e kilala ko naman sya.

Ok sya si Derek Villanueva, engineering sa pinapasukan kong university. Campus crush sya kung tawagin, sino ba namang hindi maaakit sa taglay nyang kagwapuhan e nasa kanya na lahat ng katangian na hinahanap ng isang babae.

Hindi naman ako ganito dati e. Wala akong pakialam kahit gaano pa kagwapo yong nasa harap ko pero simula nung makasalubong ko si Derek at maka- eye to eye contact ko sya bigla na lang akong kinilig sa kanya, para akong napaso nun at nagmadaling umalis sa paningin nya.

Stolen HeartWhere stories live. Discover now