Chapter 8 *I LOVE U*

162 8 8
                                    

Chapter 8

Mika’s POV

Nagmulat ako ng mata, inaantok pa ako pero gusto ko gumising ng maaga para abangan yong pagsikat ng araw sa dagat. Haha adik lang noh? Pasyensya ang ganda kasi ng lugar dito sa Palawan kaya gusto ko sulitin pati paglubog at pagsikat ng araw. Medyo madilim pa 5:30am pa lang kasi, binuksan ko yong phone ko para magsilbing ilaw tapos bumaba na ako para kumuha ng hot choco. Pagkatapos kong magtimpla lumabas na ako ng bahay kaso nasa pinto pa lang ako ramdam ko na yong lamig ng hangin kaya umakyat ako ulit ng kwarto para kumuha ng jacket at para kunin na din yong camera. Binuksan ko yong ilaw sa kwarto ko saka ko lang napansin yong mga picture na nakasabit sa dingding. May picture ng isang batang lalake na nakangiti, I think 10 yrs old yong batang picture. Lumapit ako para titigan yon tapos bigla na lang ako nakaramdam ng kakaiba, yong pakiramdam na una kong naramdaman nung unang nagtama yong mga mata namin ni Derek (remember nung una ko syang nakasalubong tapos nag eye to eye contact kami). Bigla na naman akong kinilig! Akalain mo yon room pala to ni Derek. Ang swerte ko naman!

Nilibot ko pa yong paningin ko sa kwarto tapos nilapitan ko yong malaking kurtina at hinawi ko. Laking tuwa ko ng makitang may terrace pala sa room na to kaya agad kong binuksan yong glass na pinto. Tamang-tama pasikat na yong araw, hindi ko na kailangan lumabas ng bahay dahil mula dito sa kinatatayuan ko ay makikita ko na ang kagandahan ng paligid lalo na ang haring araw. Sa sobrang excitement kahapon, hindi ko na napansin yong kabuuan ng rest house nila Derek, masyado akong namangha sa ganda ng lugar. Matapos kong makuhanan ng picture yong pagsikat ng araw ay bumaba na ako para magluto ng almusal. Pagpasok ko sa kitchen nagulat ako.

O__O

“Good morning! Nagugutom ka na ba? konting tiis na lang maluluto na to”  Nakangiting sabi ni Derek.

“Bat ang aga mong nagising? Wala ka bang hang-over?” Nag-inuman kasi sila kagabi kaya iniisip ko na baka mamaya pa yong gising nilang tatlo. Lumapit ako sa kanya, ang sarap ng niluluto nya, spam, egg and fried rice.

“Hehe konti lang naman ininom ko kagabi eh! Saka gusto ko kayong ipagluto ng almusal” Nagsmile sya then sinalin na nya sa plato yong fried rice.

“Hmmm ang sarap nyan ah! Nagutom tuloy ako bigla” Sabi ko habang hinihimas yong tyan ko.

“Tara sabay na tayong kumain! Mamaya pa magigising yong dalawang yon!” Nag-nod lang ako tapos tinulungan ko syang dalhin sa table yong mga pagkain.

Magkatabi kaming umupo habang kumakain.

“Say ah!” Nagulat ako kasi susubuan ako ni Derek.

“Ano ka ba hindi na ako baby!” Iwas ko sa kanya. Syempre pakipot ako pero kinikilig.

“Sige na baby ko say ah!” Bigla tuloy akong nagblush sa sinabi nya. Binuka ko na lang yong bibig ko.

“Ayan good girl” Sabi nya sakin habang ginugulo yong buhok ko. Feeling ko lulubog ako sa kinauupuan ko ngayon sa sobrang kilig! Waaaah gusto kong sumigaw at magtatatalon. Bahala kayo OA na kung OA!

“Oh eto pa say ah” Pang-sampung subo na sakin yon ni Derek. Ahihi bilang na bilang noh?!

“Ehem! Ehem!” Napalingon kami ni Derek! Si Edward at si bestfriend pala gising na tapos pareho pang nakangiti, ahmp ano kayang ginawa ng dalawang to? Nagtabi ba silang natulog? Lagot sakin tong mga to pag may ginawa silang labag sa rules ng parents ko (hehe anong connect?). Saka ko lang narealize yong itsura namin ni Derek, nakaakbay sya sa upuan ko na parang nakaakbay mismo sakin tapos medyo malapit yong mukha nya sakin dahil nga sabay kaming napalingon. Haixt napi-figure out nyo ba? Ang hirap i-explain eh!

Stolen HeartWhere stories live. Discover now