15. A Superstar

307 19 1
                                    

19 - 10 ang score.

Tumagal pa ang laban. Nasa tatlong minuto na lang sa first quarter.

"Hahabol pa 'yan. Umpisa pa lang." Sabi ng isang estudyante na nanonood.

"Mas mahina ngayon ang ANHS kumpara last year." Sabi naman ng isa.

Isang jumpshot ang ginawa ni Reggie sa harapan ni Markie pero nasabayan ito kaya sumablay. Nakuha ng ANHS ang bola. Nagsisigawan parin ang mga naka-itim sa tuwing nawawala sa kamay ng player ang bola pero nakuha ni Markie at nakalusot sa bantay niya dahil nagkagulo na ang player. Isang lay-up at umiskor siya. Sigawan ang nakagreen.

19 - 12 ang score.

Isang jumpshot uli kay Reggie at pumasok na ito.

21 - 12 ang score.

Umandar ang oras. 1 minute na lang. Dahil panay ang sablay ng magkabila. Hindi dumagdag ang score. Nagtimeout ang ANHS.

"Di bali, lamang pa naman." Sabi ni Rachel at tumingin sila sa mga player.

Nakatingin lang si KC kay Stephen. Nang tumingin ito sa kaniya ay umiwas siyang bigla.

"Damasco.." Dinig nila ang Coach. "Hindi ka binabantayan ni Herrera kaya alam nating si Reggie ang target niya hanggang ngayon. Ikaw muna ang humawak. Malapit nang matapos ang first quarter sana umiskor pa kayo." Tumango lang si Stephen.

Nagsimula uli ang laban. Hinawakan na ni Stephen ang bola. Si Gringgo parin ang nakabantay sa kaniya. Pinasa niya sa kakampi. Umikot ang bola hanggang makarating kay Reggie. May narinig siyang palakpak kaya pinasa niya sa loob. Nasalo ni Stephen ang bola pero may nakabantay sa kaniya kaya pinatalbog niya ang bola kay King. Nakuha nito. Nakatalikod ito sa bumabantay sa kaniya. Pinilit nitong lumapit pa pero pag-angat ng bola ay nasupalpalan. Nakuha ng ANHS.

"Ano ba 'yan?!" Reklamo ni KC. "Dapat hindi na muna pinapasahan 'yan eh."

Hawak naman ni Melvin ang bola at tumira sa tres.

Pumasok kaya sigawan ang nakagreen.

21 - 15 ang score.

Pero naagaw na naman ni Melvin ang bola kaya mabilis nitong pinasa sa kakampi. Nalibre ang isa kaya naka-easy 2 point na naman. Hindi na nakascore ang SJA kaya natapos ang first quarter sa 21 - 17.

Commentator: Apat lang ang lamang ng SJA. Pinakamataas nito ay onse. Pero nahabol din agad.

"Mahina ang sentro ng SJA kaya oras na madipensahan ang iba ay mahihirapan na siya kung hawak niya ang bola." Sabi ng isang teacher na nanonood.

"Go, SJA!" Sigaw ni KC.

"Nakakainis. Bumaba ang lamang." Sabi naman ni Rachel.

"Magagaling din kasi sila."

Nagsimula ang second quarter. Sa ANHS ang bola. Binabantayan parin ni Stephen si Markie. Nagkakatitigan sila. Pero pinasa ni Markie ang bola kay Melvin. Isang jumpshot ito sa harap ni Resty at pumasok.

21 - 19 ang score. Sigawan ang nakagreen. Tinaas ang mga kamay.

Commentator: The lead is down to 2. Hawak ni Damasco ang bola.

"Hindi parin binabantayan ni Markie ang Damasco na 'yun." Sabi ni Jordan. Kasama niya ang mga kapatid niya na si Jeremiah at Jerson.

Sumagot si Jeremiah. "Dalawa lang naman ang lamang. Hindi muna nila babaguhin ang play."

Pinasa ni Stephen kay Reggie at umangat ito sa loob. Binaba at hinahis dahil may dipensa. Sumablay pero may foul na tinawag ang referee.

"Malakas ang dipensa ng ANHS kaya hindi talaga sila mahina." Sabi ng isang Coach na nanonood.

High School Superstars [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon