CHAPTER 183

2.7M 57.5K 118K
                                    

MAX'S POV

TUNOG NG cellphone ang gumising sa 'kin kinabukasan. Napapabuntong-hininga kong tiningnan kung sino ang tumatawag.

"Chairman Moon," sagot ko.

Tumikhim muna ito. "Wala kayong klase ngayon," panimula niya. Sinulyapan ko ang orasan. "Tinawagan ko ang dean, nabalitaan ko ang nangyari kahapon. Pumarito ka sa mansyon. Dito ka na lamang mag-agahan at mananghalian." Hindi iyon imbitasyon kundi utos. "May bagay tayong pag-uusapan."

Wala naman akong choice. Tss. "I'm on my way, Chairman,"pabuntong-hininga kong sagot saka hinintay siyang ibaba ang linya.

Agad akong binalot ng tanong. At hindi ko alam kung paanong sasagutin ang mga iyon. Masyadong marami at sunod-sunod. Para iyong uumapaw na tubig, at timba ang ulo ko, punong puno.

Agad akong bumangon upang maligo. Habang nakatutok sa shower ay tinabunan ako ng mga isipin tungkol kay Sensui. Naninibago ako sa kaniya kahapon. Tuloy ay hindi ko maiwasang may problema kami. Pilit kong iniisip kung ano ang meron sa pagsabog at sobra siyang kapani-panibago. Lutang siya at halatang wala sa sarili. Pilit ko na lang na pinaniniwala ang sarili kong epekto 'yon ng insidente, posible. Hindi ko malaman kung may kakaiba ba talaga sa kilos niya o sumosobra lang ako sa pag-iisip, napapraning.

Matapos kong makipagtalo kapahon sa Chairman nila ay hindi na namin nagawang makapag-usap pa. Basta niya na lang akong inihatid sa bahay. Hindi ko siya magawang komprontahin dahil ayaw kong maipit siya. Batid kong hindi niya rin nagustuhan ang naging pakitungo sa 'kin ng Chairman. Kilala ko na kahit papaano ang ugali nito. Hindi ako kailanman umasang magiging maayos ang trato sa 'kin ng senyor.

Wala pa rin sa sarili si Sensui nang ihatid ako. Naiintindihan ko dahil parati siyang gano'n sa t'wing may hindi inaasahang pangyayari. Nakapanlulumo lang isipin may bumabagabag sa kaniya, gusto ko mang alamin iyon ay parang wala akong puwang para magkwento. Ayoko na lang gumawa ng sariling konklusyon.

"Oh, bakit ganiyan ang ayos mo?" Nagtatakang bungad ni Beka nang makababa ako. Abala sila ni Boy sa paghahain ng agahan.

"Wala kaming pasok," tugon ko.

"Ha?" Nangibabaw ang tinig ni Naih mula sa kwarto. "Bakit walang pasok? Sino ang may sabi?" Nagmadali siyang lumapit. "May lakad ka?"

Syempre, sunod-sunod na naman ang tanong niya.

Bumuntong-hininga ako at dumulog sa mesa. "Hindi pa ba tapos 'yan?" baling ko kay Boy.

"Heto na, madam! Ang aga-aga, napakainit ng ulo!"

"'Wag bigyan ng kape 'yan, ah? Bigyan ng yelo," biro ni Beka.

"Kakain na rin muna ako," ani Naih saka naupo, nakasabit pa sa balikat ang tuwalya. "Ano 'ka mo, Max? Walang pasok? Sino ang may sabi? Saka bakit ganiyan ang suot mo, may lakad ka ba?"

Tumikom ang bibig ko. Inulit na naman niya.

"Uuwi ako sa mansyon. Oo, walang pasok."

Natinag kaming lahat nang bumaba si Yaz. "Balitang-balita ang nangyari sa harap ng school ninyo kahapon."

"Kape lang ang sa 'kin," sabi ko.

"Ano nga ba ang nangyari?" ani Beka, nagsimula silang kumain.

Eksaheradang nagkwento si Naih."Pero dahil nga bida si Maxpein, nagmamauna siyang bumaba. Hindi kasi ako nakababa ng bus dahil may anghel na may hitsurang demonyo sa pintuan, si Chupan. Aba, masasabi kong anghel siya dahil kung iniwan niya kami ay baka kung ano na ang nangyari sa 'min, 'di ba? Pero hindi niya kami pinabayaan. Hindi nga lang ako nakapanyismis. Si Maxpein ang tanungin ninyo dahil nando'n siya, takbu-takbuhan kasama ang Lovemir," may himig ng panunukso sa huli niyang sinabi.

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon