EPILOGUE

6.8M 120K 264K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

EPILOGUE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

EPILOGUE

DEIB'S POV

HAWAK KO ang mga pisngi niya at paulit-ulit na sinisiil ng halik ang kaniyang labi. Mahirap tigilan, masarap halikan. Hindi ko na naisip kung tanggap ba sa bansang iyon ang sitwasyong iyon. Pero dahil sa katotohanang kasal na kami ni Taguro ay wala na akong pakialam. Ang sandaling iyon ay para sa aming dalawa. Talagang magwawala ako kung may isa man sa kanilang pipigil sa paghahalikan namin ni Taguro.

Pareho naming habol ang hininga nang maghiwalay ang aming labi. Magkadikit ang mga noo at parehong nakapikit. Ang mga kamay niya ay nasa magkabilang gilid ko, mahigpit ang kapit. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang narito. Ngunit ang katotohanan ay nakita ko nang magmulat ako.

Nakangiti kong sinuyod ng tingin ang dagat ng tao. Maluha-luha sila sa panonood sa amin. Ang karamihan ay magkahawak ang mga kamay at nakatunghay na para bang sinasabi rin sa isip na sa wakas ay naganap ito. Pakiramdam ko ang bawat puso ng taong naroon ay tumitibok para sa amin.

Nilingon ko ang pamilyang Moon at tumataba ang puso ko sa nakikita ko sa kanilang mga mata. Pakiramdam ko ay gano'n katindi ang pagmamalaki nila dahil nakabilang na ako sa kanilang pamilya. Sa dami nang nangyari ay hindi pa rin nagbabago ang ganoon kagandang ugali nila.

Natanawan ko ang pamilya ko na walang hinto sa pagpahid sa kanilang mga luha. Iyon 'yong luha na dahil sa sobrang kasiyahan. Sa kabilang banda ay gusto ko ring matawa. Dahil sa halip na ang pamilya ng babae ang may gano'ng emosyon, nagkabaliktad na naman kami ni Taguro. Pakiramdam ko ay mga magulang ko ang pinakamasasayang tao para sa akin nang sandaling iyon. Kahit na ang totoo, wala ni isa mang narito ang malungkot.

Nagsipagkawayan ang umiiyak naming mga kaibigan nang sila naman ang aking tingnan. Batid kong gustong-gusto na nilang sumigaw. Gusto na nilang ipagmalaki kung paano nilang nasaksihan ang simula namin ni Taguro. Gusto nilang ipagsabi kung paano naming pinagdaanan ang hirap at nilasap ang sarap. Pero pinipigilan nila ang sarili dahil wala kami sa teritoryo namin.

Nilingon ko ang mga hukom at hindi ako makapaniwalang nababasa ko rin ang paghanga sa kanilang mga paningin. Ang kapangyarihan nila ay hindi na mawawala. Parang parte na 'yon ng kanilang sistema, kahit hindi nila ipakita ay kusang kumakawala.

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon