CHAPTER 211

2.5M 54.4K 170K
                                    

MAX'S POV

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, agad na nangunot ang noo ko nang maramdaman ko ang sakit sa ulo. Nahawakan ko ang ulo ko at sandali uling napapikit. Pakiramdam ko binibiyak ang kaliwang bahagi niyon, nahihilo rin ako.

"Uminom ka ng gamot." Napakislot ako nang mangibabaw ang tinig ni Chairman. Nagugulat akong napalingon dito, ganoon na lang kaganda ang ngiti niya sa 'kin. "Naparami siguro ang inom mo?"

Wala sa sarili akong napatango. "Hwejang-nim." Gusto kong mahiya bigla, hindi ko inaasahang nandito siya. ana kaya siya katagal dito? Binabantayan niya ba 'ko? At saka...baket nasa bahay ako?

Gusto ko siyang tanungin pero nahihiya ako, hindi ako sigurado kung masasabi ko ba sa kaniya kung saan ako nanggaling.

Muli kong inalala ang mga nangyari kagabi, ang mahaba naming usapan ni Lovemir. May mga nakuha akong impormasyon, kailangan ko 'yon. Pero hindi mawala sa isip ko kung paano siyang nagpakatotoo sa 'kin, na hanggang ngayon ay hindi ko magawang paniwalaan. Lalo na nang sabihin niyang gusto niya ako, hindi ako makapaniwala ro'n. Masyadong mabilis.

Wala akong makitang maganda sa itsura ko para magustuhan mo. Mas may tiwala ako sa sarili ko kesa sa 'yo, Lovemir, pasensya na.

Malakas ang pakiramdam ko na alam niya ang pakay ko at sinasakyan niya lang ito. Alam din niyang alam ko na ganoon ang iniisip niya, baka nga kaya inilalatag niya na sa akin ang mga sagot ay dahil nararamdaman niya. Sa madaling salita ay pareho naming niloloko ang sarili namin.

"Drink this, Maxpein." Natinag ako nang iabot sa 'kin ni Chairman ang dalawang piraso ng kapsula at isang baso ng tubig. Naramdaman ko pa sa akin ang paningin niya habang iniinom ang mga iyon.

"Salamat, Chairman." Inilapag ko ang baso, hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya. Pero sa gilid ng paningin ko ay nasisiguro kong ganoon pa rin kaganda ang ngiti niya sa 'kin. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka.

"Inihatid ka rito ng nobyo mo, magdamag din siyang nagbantay sa iyo."

Gulat akong napatingin sa Chairman. "Ho?"

Kinabahan ako bigla. Paano nangyare 'yon? Pinuntahan niya ba ako sa bahay ni Lovemir? Nakita niya kame? Bigla akong nag-alala dahil baka kung ano ang inisip niya. Wala kameng ginawang masama, kelangan ko lang talaga ang tiwala niya.

Tumango ang Chairman. 'Tsaka nakangiting tumitig uli sa akin. "May problema ba kayo, Maxpein?"

"Wala naman," kaswal kong sagot. "Baket nandito kayo?"

"Binantayan kita."

Nangunot ang noo ko. "Baket ho?"

"Masama ba iyon?" Natawa siya.

"Hinde naman, ngayon niyo lang yata kase ginawa 'to." Napabuntong-hininga ako 'tsaka ako napatingin sa kamay ko. Nag-angat pa ako ng tingin nang makitang nakaswero ako.

"Mataas ang lagnat mo kagabi, sobrang taas. Si Maxwell ang naglagay sa iyo niyan, ang nobyo mo naman ang nagbantay sa iyo dahil may pasok ang kuya mo."

Hindi ako nakasagot. Panay lang ang pagbuntong-hininga ko at pag-iisip.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong uli ng Chairman.

"Ayos naman na ho, masaket lang sa ulo."

"Ganoon ba karami ang iyong nainom?"

"Medyo naparame nga ho."

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon