CHAPTER 209 : THE SUFFERING

2.8M 56.3K 149K
                                    

MAX'S POV

~FLASHBACK~

"Geumanhe," bulong ni Heurt, pinatitigil na ako sa ginagawa. Ngunit hindi ko siya pinansin.

Nanatili ang paningin ko sa aking kaharap. Nahihirapan akong pigilan ang mga kamay ko sa mga gustong gawin nito. Ganoon na lang ang takot at galit na mababasa sa mga mata ni Chairman Rewis habang pareho kaming nakatingin sa isa't isa. Parang anumang oras ay may bombang handang sumabog sa pagitan naming dalawa.

Gamit ang pareho niyang braso ay kinalas niya ang mga kamay kong nakahawak sa magkabila niyang kwelyo. Napaatras ako at nabigla sa hindi niya inaasahang pagkilos. Tiningnan ko ang kabuuan niya nang pareho kaming umayos ng tindig.

Walang ano-ano ay umatake siya, gamit ang isang kamay ay sinangga ko ang kaniyang sipa. Ngunit ang kamay niya ay kasimbilis ng sa akin nang magawa niya akong hilahin at ibalibag. Patalikod akong tumilapon. Hindi ko ipinahalata ang sakit nang likod ko ang tumama. Hindi pa doon natapos nang daklutin niya at ako sapilitan na itayo. Hinarap niya at ako pinagsusuntok, binabale-wala ang kasarian ko.

Umastang kikilos si Heurt ngunit agad ko siyang sinenyasang 'wag lumapit. Mabilis kumilos ang Chairman, bagay na ikinagugulat ko. Masyado pa siyang bata kompara sa ibang Chairman ngunit hindi ko talaga inaasahan ito. Ang mga kilos niyang hindi ko napaghandaan ay ngayon ko lang pinag-aaralan. Hindi sapat ang paningin ko, parang may sariling utak ang mga kamay at paa niya. Kumikilos ang isa sa t'wing sasanggain ko ang isa pa.

Inipit niya ang braso ko gamit ang kaniyang kaliwang braso. Buong pwersang tinapik ang mga balikat ko dahilan para mapatalikod ako sa kaniya. Hindi ko nakita ang patalim na inilabas niya at mabilis na itinarak sa kabila kong balikat. Sa isip ko nagawang sumigaw, dalawang beses, matapos niyang hugutin uli iyon.

Patakbo niya akong itinulak. At bago ako humampas ay tumalon na ako at tumapak sa pader upang doon bumanda. Dalawang hakbang at saka ako tumalon upang sipain siya sa mukha. Napaupo siya papatalikod ngunit aligagang nag-angat ng tingin sa akin. Tumapak ako sa kaniyang tuhod 'tsaka ako sumampa sa buong balikat niya na parang bata. Lumapag ang magkabilang talampakan ko sa parehong kamay niyang nasa sahig. Bago pa man siya pumalag ay nagawa ko nang hawakan ang magkabilang gilid ng kaniyang ulo.

"One wrong move and you're breathless, Rewis," gigil kong sabi.

Doon mabilis na kumilos si Heurt. "Geumanhe!" pasigaw na aniya.

Nalingat ako kaya nagawang kumalas ng senyor sa mga kamay ko. Pero bago pa man siya makalayo sa akin ay nahuli ko na ang kaniyang likuran. Itinuon ko doon ang aking bigat saka ako sumampa sa kaniyang mga balikat. Inipit ko ang ulo ng senyor sa aking mga hita 'tsaka ko pinadulas ang katawan ko paibaba, pabaliktad. Dahilan para mahawakan ko ang kaliwa niyang hita at saka sa ganoong paraan siya pinatumba.

Kung kailan ako pinigilan ni Huert kumilos ay saka ako hindi nakapagtimpi. Sinakal ko ang leeg ng Chairman gamit ang pareho kong kamay. Mabilis siyang namula habang nagpupumiglas. Nagtangis ang mga bagang ko habang mas idinidiin pa ang pagpapahirap sa kaniya, pilit na nilalabanan ang nagkukumawag niyang mga paa.

"Geumanhe!" muling sigaw ni Heurt.

"I talk about killing, but that doesn't mean I do it. I've never killed anyone before, but I won't mind watching you die if it's necessary," bulong ko sa Chairman, mas naging malakas ang pagpupumiglas niya.

Binitiwan ko siya bago siya malagutan ng hininga 'tsaka ko sinipa ang nang sobrang lakas ang tiyan niya. Hawak na ng Chairman ang leeg nang magmadali itong bumangon papalayo sa akin at harapin ako.

"Ngayon ko lang din ito sasabihin kaya iyong pakinggang maigi, Moon."Mabagal at gigil na gigil niya iyong sinabi, hirap na hirap na animong iniipit ang bawat litid. "Mag-iiwan ako ng mga mata at babalikan kita. Magbabalik ako, ako at ang pamilya ko. Dugo sa dugo, kaluluwa sa kaluluwa. At walang matitira maski na isa. Uubusin ko ang lahat ng malalapit sa iyo, lahat ng taong mahal na mahal mo. At sa panahong iyon ay huli na ang lahat upang maghiganti ka. Gamit ang isang bala ay magsisisi ka!" Mula sa likuran ay naglabas ito ng baril!

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon