CHAPTER 229 : THE TRUTH 4

1.9M 49.3K 67.7K
                                    


CHAPTER 229 : THE TRUTH 4

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 229 : THE TRUTH 4

DEIB LOHR'S POV

"NORTH KOREA..." Hindi ko malaman kung bakit gano'n na lang ang kaba ko.

Sa sandaling banggitin ko iyon ay para bang nakilala ko agad ang mga Moon. Na para bang hinimay ko ang pagkatao nila kahit hindi naman talaga. Nang dahil sa katotohanang iyon ay parang naintindihan ko na kung bakit gano'n ang pagkatao nila. Sa isang iglap ay sinagot nila ang mga tanong na ilang taon na nagpapaikot-ikot sa utak ko.

Mabilis na nanumbalik sa akin ang karamihan sa mga usapan namin ni Taguro. Maski isang beses, hindi ko naramdaman o naisip man lang na sa North Korea sila nakatira. Naguluhan ako bigla.

Ang pagpunta niya sa Jeju...para matulog... Sa Busan... Ang pagtatrabaho niya sa convenient store... Nahimas ko ang sarili kong noo hanggang sentido. Kaya nga dito ako dumeretso sa South Korea, dahil buong akala ko ay dito sila nakatira!

Hindi ko nagawang magsalita. Nanumbalik yata ang gutom ko nang kumulo bigla ang tiyan ko dulot ng kakaibang pakriamdam.

"Are you still there, Deib Lohr?" tinag ni More.

Napabuntong-hininga ako. "I'm speechless. I'm too surprised, tito," pabulong na sabi ko. "Hindi ko alam, hindi ko naisip na diyan pala kayo nakatira."

Tumikhim siya. "Dahil hindi naman iyon sasabihin ni Maxpein sa iyo unless itanong mo." Hindi ko maintindihan kung nagpapakasarkastiko ba siya o nagbibiro. Masyado siyang seryoso. Hindi ko rin magawang tumawa o mainis. Masyado akong nagugulat. Para iyong bomba ng pagkatao nila na ibinato sa akin at pinanood ko lang na sumabog.

Naisabunot ko ang kamay ko sa buhok at napayuko. "I want to go there, tito. I need to see your daughter." Matagal bago ko iyon nasabi sa kaniya, kinailangan ko pang lakasan ang loob ko.

"That is impossible, Deib Lohr." Mahihimigan ang lungkot sa tinig niya.

Awtomatikong umangat ang paningin ko, at nanlumo. Kunot-noo akong napatitig sa plato. "What do you mean, tito?" Itinanong ko iyon kahit na sa isip ko, bago pa ako magtanong, ay nararamdaman ko nang imposible nga iyon.

"Wala kang ideya sa bansang ito."

Umiling ako nang umiling. "Make me understand, tito." Nawawalan ako ng pag-asa.

Bakit gano'n? This is unfair!

Hindi sumagot si More. Nadinig ko sa linya kung ilang beses siyang bumuntong-hininga. Naipatong ko ang noo ko sa palad ko. Wala pa man ay parang gusto ko nang bumigay. Nakapanlulumo ang ganitong sitwasyon. Wala nang puwang ang puso ko para muling masaktan. Sobra na.

"But I can get you there and take you here," mayamaya ay nagsalita siya.

Sandali akong natigilan at unti-unting nag-angat ng tingin. Iyon ang sagot sa sandaling depresyon ko. Pero hindi ko pa rin iyon mapaniwalaan. Nababaliw na siguro ako. Ang emosyon at pag-iisip ko ay masyadong apektado.

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon