Chapter 27- Huli ka Pagong

11.3K 321 24
                                    

Sakura

Sobrang sama ng loob ko. Gago ka Kiro. Pinaasa mo lang ako. Lecheng pag-ibig 'to. Wala ka man lang reply. Mamanyas ka...mamanyas ka....

Dahil sa inis ko... at sakit ng kalooban, nagpunta ako kay Margaux at nagpalagay ng extension sa isa sa mga bakla niyang alipores. Dahil wala si Xykie, si Violet ang kinulit ko para samahan ako sa Club Zero.

"Sakura, mag-isip ka muna. Maybe Kiro is just busy." Sabi sa akin ni Violet habang naglalagay ako ng lipstick na pula.
"Busy din ako." I replied.
Umikot ang mata ni Violet.
"Sinasabi ko sayo kapag nalaman ni Kiro yan at nagwala..." Sabi nito.
"Bakit ko siya iisipin? Ako ba inisip nya?" I replied. Humarap ako kay Violet at naghintay na naman ng pagtatanggol niya kay Kiro. Napakaloyal ni Violet... Namimis-understood lang siya madalas ng hindi nakakakilala sa kanya.
"Bakla... di ba mag-on kayo? Bakit kailangan rumampa ka at maghanap ng mapapagpa-cutan?"
"Akala ko din kami eh. Ilang linggo na niya akong pinagtataguan." Naiinis akong humarap sa salamin at inayos ang eye lash extension ko. Iiling iling si Violet na nag-ayos na rin ng sarili.

Sa Club Zero, dahil Millenial nights ngayon, nasa bandang likod ang mga tables and chairs at mayroong dance floor sa harap ng stage kung saan madaming kabataan ang nagsasayaw. Nakakuha kaming table ni Violet and good thing nandito si Mia. Pero bakit siya nagseserve?

"Mia." Tawag ko sa kanya.
"Oh, hello." Sabi nito.
"Bakit ka nagseserve?"
"I'm just helping them." Sagot nito.
"Join us." Sabi ko. Nahihiyang umiling si Mia.
"Maybe later." Sabi niya.
Hindi nagtagal sumama sa table namin si London kasama si Brook at Chase.
"Aba, matangkad ka yata ngayon, Sakuragi." Sabi ni London. Inirapan ko siya at tumingin sa dance floor.
Hindi nagtagal si Chase at London, naghanap na naman sila ng mabibiktima ngayong gabi. Siniko ako ni Brook at nginuso si Miguel na papunta sa table namin.

"Hi." Bati nito. Ngumiti siya at kita ang pantay-pantay na ngipin.
"Hello Miguel." Bati ni Violet.
Umupo si Miguel sa isang bakante na upuan sa tabi ko.
"I haven't seen you in a while, Sakura. How are you?" Tanong nito.
Tumingin ako kay Brook at Violet. Pinanlakihan ako ng mata ni Violet pero inaya siya ni Brook na iwan kami.
"I'm fine. May boyfriend na ako." Sagot ko ng maiwan na lang kami ni Miguel sa table.
Unti-unting gumagalaw ang kamay ni Miguel papunta sa kamay kong nakapatong sa table. Pero bago niya mahawakan ang kamay ko...

"One more fucking move and I will slice your throat." We heard a growl. Umupo si Kiro sa upuan na binakante ni Violet. Para akong napaso at iniurong ko ang kamay ko na nakapatong sa table. Masama ang tingin ni Miguel kay Kiro. Uh-oh...
"Kiro, let's go." Yaya ko sa kanya.
"Leave my girlfriend, alone... you hear me?" Kiro is looking murderous to Miguel. Nagpapanick na ako, hinahanap ko ang mga kaibigan ko pero wala sila.
"Your girlfriend? Are you serious?" Tuyang tanong ni Miguel.
Hinawakan ni Kiro ang ulo ni Miguel at iniuntog sa mesa. Napatingin sa amin ang mga katabing table.
"Kiro...tara...labas na tayo." Yaya ko. Hinihila ko ang kamay niyang nakahawak sa ulo ni Miguel. Parang bulate na nilagyan ng suka si Miguel sa kakapasag nito. Nakadagan pa ang kamay ni Kiro dito at hindi siya makatayo.
"Sa susunod, babarilin na lang kita bigla kapag lumapit ka pa kay Sakura." Bulong ni Kiro kay Miguel.
Binitawan ni Kiro si Miguel at hinila ako palabas ng Club Zero. Nakita kami ni Violet at Brook kaya sumunod sila palabas.

"Sandali lang Kiro. Madadapa ako." Hinampas ko ang kamay niyang humihila sa akin. Nasa labas na kami ng Club Zero.
"Anong ibig sabihin nun, ha? At bakit nakalipstick ka na naman na pula!" Galit na tanong ni Kiro.
"I was with my friends." Sagot ko.
"Friend na ba ngayon ang tawag mo kay Miguel?" Tanong ni Kiro. Nagsisigawan kami sa labas ng Club Zero. Nakatingin sa amin sila Brook at Violet.
"Huwag mo akong pagbibintangan Kiro. Ikaw ang nawala ng parang bula... Ano ba ang sabi ko kay Miguel? Di ba ang sabi ko may boyfriend ako?!" Sigaw ko sa kanya.
"Di ba ang sabi ko sayo, hintayin mo ako."
"Pero hindi ibig sabihin nun, hindi ako lalabas kasama ang mga kaibigan ko." Sagot ko.
"Masamang impluwensya talaga sayo si Violet." Sigaw ni Kiro. Sinuntok ko si Kiro sa dibdib. Hindi naman siya natinag sa ginawa ko.
"Hoy... Gago ka... Ako ang pumupigil sa girlfriend mo kanina na lumabas. Napakawalang hiya mo, Kiro." Sigaw ni Violet saka kami nilagpasan. Pumunta siya sa kotse niya at iniwan kami.
"Walang ginawa si Violet na masama. She was even at your side, defending you for not replying to me. Siya lang ang bukod tanging nagsasabi sa akin na baka busy ka lang. Na huwag akong magpadala sa inis sayo."
Natiim ang bagang ni Kiro.
"I was worried about you pero kahit isang reply wala kang ginawa. Napakainutil ba ng daliri mo para hindi makareply kahit K lang, ha?" Naluluhang sumbat ko sa kanya.
"And then you will come here and accused my friend of being a bad influence on me?"

"Sakura... Kiro... sa bahay nyo na pag-usapan yan." Sabi ni Chase na nasa tabi na pala namin.
"Magpalamig na muna kayong dalawa." Dagdag pa niya.
Iniwan ko si Kiro na nakatayo kasama si Chase. Paano akong uuwi nito? Iniwan na ako ni Violet.

"Sakura..." Sumunod sa akin si Kiro sa paglalakad. Kailangan kong maglakad tuloy pauwi. Lintik na Kiro 'to.
"Sorry na. Hindi ko naman sinasadya." Sabi niya. Parang nagpantig ang tenga ko sa dahilan niya. Huminto ako at hinarap siya.
"Ano ang hindi mo sinasadya?"
Napakamot ng ulo si Kiro. Nagpatuloy ako sa paglalakad at sumunod na naman siya.
"Hindi ko sinasadya na hindi magreply. I was busy organizing the Triad."
"Na wala kang oras para sa akin kahit 1 minuto lang." Pagpapatuloy ko.
"Hindi naman sa ganun." He said.
Ewan ko sayo Kiro... Nagmamadali ako iniwan si Kiro.
"Mag-explain ka sa pagong." Sabi ko sa kanya.

Forever Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon