Chapter 10- Make-over

10.1K 321 29
                                    

Sakura

"Ahhh...malungkot na naman si Sakuragi." Bungad ni London sa akin pagpasok ko ng The Lakeside ng umagang iyon.
"Tantado." Mura ko sa kanya. Tumawa lang ang sira ulo.

Ilang linggo ng wala si Kiro. Namimiss ko na siya. Sa sobrang miss ko, natulog ako minsan sa kwarto niya. Suot ang t-shirt niya habang umiiyak. Nahuli ako ni mommy nung umaga na lumalabas sa kwarto ni Kiro. Hindi naman siya nagtanong, pero nakakahiya talaga.

"Mugto yang mata mo? Lalo ka tuloy nasingkit." Tanong ni Brook. Himalang kumpleto kaming magkakaibigan.
"Namimiss na niya ang sinisinta niya." Sagot ni Violet.
"Bakit kasi hindi mo tawagan?" Tanong ni Summer. Naglapag siya ang tig-isang piña colada sa amin.
"Ang aga naman nyan." Sita ni Ralph.
"It's already 5 o'clock somewhere." Summer replied. Nakagitna ako kay Violet at Xykie habang nasa tapat naman namin si Brook at Summer.

"Oo nga bakit hindi mo tawagan si Kiro?" Balik na tanong ni Xykie sa akin.
Uminom ako ng piña colada bago sumagot. "Ano ang sasabihin ko?"
"Sabihin mo, mainit sa Pinas." Sarcastic na sagot ni Violet. Nagpapasag siya nang kurutin ko siya sa tagiliran.
""Kamustahin mo lang." Sabi ni Brook.
"Gayahin mo si Xyk, nagpakita ng motibo." Suggestion ni Summer.
Nagkulay pink ang mukha ko sa sinabi ni Summer. Parang proud na proud pa si Xykie sa ginawa niya.
"Baka malanta ka kapag hinintay mo si Kiro na gumawa ng first move." Sabi ni Xykie.

"Kailangan natin ng tulong dito at tamang timing." Sabi ni Brook.
"Full force tayo...Kahiya naman sa love life ko." Walang ganang sagot ko.
"Bakla, ganun talaga. Minsan kailangan ang tropa." Sabat ni Violet.
"Kailan tayo pupuntang Japan?" Tanong ni Xykie.
Naglabas ng notebook si Brook. Oplan Kiro ang sinulat sa page na binuksan niya.
"Una, kailangan natin ng plano. Sino ang nakakakausap kay Kiro? Alam mo ba ang phone number nya?" Tanong ni Brook.
"Madali yan... Mahahanap natin si Kiro sa Japan. Madaling itrack yun." Sagot ni Xykie.
Natingin sa aming dalawa ang mga kausap namin.
"Eh, kayo na ang may connection." Bulong ni Brook at nagsulat sa notebook niya.
"Wala ka bang alam na pwedeng ipang-blackmail kay Kiro?" Tanong ni Summer sa akin. Sinulat iyon ni Brook.
"Oh kung gusto mo, lumapit na tayo kay Ate Allison para sa gayuma." Sabi ni Violet saka tumawa.
"Grabe naman. Hindi ba ako deseirable, bakit kailan ng gayuma?" Nagmamaktol na tanong ko.
Napatingin silang apat sa akin.
"Bakit?" Alanganing tanong ko.
"He needs to see you as a woman." Sabi ni Summer. Tumango tango silang apat.
"Tanggalin mo na ang cute image mo, Sakura. Kailangan ng ilagay ang red lipstick at hindi lip gloss lang." Suggestion ni Brook.
"Hindi ba pwedeng makita niya ako kung sino ako?" Katwiran ko.
"Tingin nga nya sayo bata eh. Kapatid... Kailangan mo ng magstep up. Landian level na tayo, hindi na pacute. Tara na... Punta tayo kay Tita Kaye." Tumayo na si Xykie at nagsisunod ang iba.

Iba din itong si Xykie...Nagkajowa lang, may landian level ng alam. Kung paano makikita ni Kiro ang make-over ko is beyond me.

It took us two days para mapalitan lahat ng damit ko, mabili ang lahat ng suggestions ni Margaux, ang anak ni Tita Kaye na stylist na rin ngayon. Nairita si Tita Kaye sa bangs ko. Para daw akong si Dora. It cost me a fortune para sa mga ginawa sa aking make-over but when I look at myself in the mirror, hindi ko nakilala ang sarili ko. Gone is my innocent look, the woman in front of me has finally bloomed. Ano ang ginawa nila sa bangs ko bakit nawala?

"Perfect." Nagpalakpakan ang mga hitad kong kaibigan when Tita Kaye presented me to them.
"Sino ang maswerteng lalaki na bibihagin natin?" Tanong ni Tita Kaye.
"Si Kiro." Sabay-sabay na sagot ng mga kaibigan ko. Himalang hindi ako namula sa hiya. Nakakadagdag pala ng confidence ang pulang lipstick.
"Ay, maswerteng bata. I approve your choice Sakura. Gwapo, mataas, maputi, singkit, magandang ngumiti..." Sabi ni Tita Kaye.
"..manhid, walang pakiramdam, matigas ang ulo..." Pagpapatuloy ni Violet sa sinasabi ni Tita.
"Naku, default ng mga lalaki yan. Nung gumawa ng katangahan si Lord, may mga lalaking sinagap lahat." Sagot ni Tita Kaye. Nagtawanan kami.
"Madalas pang naliligaw kaya kailangan pang sunduin. Tama yan Sakura. Although huwag mong sabihin kay Abby na tinulungan kita, baka gerahin ako ng mommy mo." Natatawang biro ni Tita Kaye.
"Thank you po, Tita." We kissed her goodbye.

Ang first step kong kailangang gawin, magvideo call kay Kiro habang maganda pa ang make up ko. Pag-uwi ko sa bahay, medyo natahimik pa si mommy at daddy nang makita ako.
"Wow... nasaan ang anak ko?" Biro ni daddy. He kissed my cheek and whispered.
"So beautiful."
Sunod akong nagkiss kay mommy. Hindi ko napansin ang nakabukas na laptop. May kausap pala sila.
"Sakura, si Kiro oh." Sabi ni mommy. Tumingin ako sa laptop and then I saw him.
His handsome kahit nakasimangot na face.
"Hi Kiro. Kumusta ka na?" Nakangiting tanong ko. Mukha na naman siyang galit.

Ang sabi ng Cosmopolitan Magazine, the first thing to do para mapansin ka ng lalaki is to act like you are not attracted to him.
"Anyway, I better go dad, mom. Pinakita ko lang ang dress ko. Okay ba? May pupuntahan kami ni Violet." I said. Kahit wala naman kaming lakad.
"It's nice. Dalaga na ang anak ko." Tukso ni mommy.
"May date ka ba?" Tanong ni daddy. Pasimple akong tumingin sa monitor. Nakikinig si Kiro.
"May ipapakilala yata si Violet sa akin. I will meet them later." Sabi ko.
"Bye Kiro." I wave at him at umalis na sa office nila daddy kahit gusto ko pang titigan si Kiro.

Ngayon kailangan kong kayagin si Violet at magmagic ng lalaki na makakasama namin mamaya. Feeling ko susundan ako ni Kiro sa CCTV...feeling ko lang.

———————
A/N
Happy weekend guys.

Forever Yours (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ