Chapter 14- The Pole Dancer

9.3K 285 5
                                    

Sakura

OMG... dancing in pole alone is one thing. Dancing in a pole in front of an audience is another thing. Nakita ko ang pagtalim ng mata ni Kiro ng magtama kami ng paningin. I acted like I am not as nervous as hell. I need to focus.

"I am here to collect the ladies I ordered." Sabi ni Mr. Song.
Nagpaikot ikot ako sa pole. Pinipilit na huwag mamula. Nararamdaman ko ang titig ni Kiro. Para akong tutunawin sa hiya.
"May I repeat my memo to you personally as I think you didn't get one. The Red Dragon Triad will not engage in any Sex Slave Trade from now on. The ladies in my club are working in their free will." Mahinahon na sagot ni Kiro.
"You don't know me then, Kaede." Sabi ni Mr. Song.
"I like this woman. She is a little shy. Such a virgin act can make good money on my buyer."
Kinilabutan ako sa sinabi ni Mr. Song.
"This woman is not for sale." Sagot ni Kiro.
"Asahi..." Tawag niya.
Lumapit ang isang member ni Kiro. Kiro tiltled his head on stage. Nakita ko pa ang pagtalim ng mata niya. Lumapit ang tinawag na Asahi sa akin at hinila ako palabas ng kwarto.

Fucking hell, Kiro.

"Let me go..." Pagpupumiglas ko.
"Boss order. Stay calm." Sagot ni Asahi. Binuksan niya ang isang kwarto at itinulak ako nito papasok. Sinarado nito ang pintuan at nilock. Pinagsisipa ko ang pintuan hanggang sa mapagod ako. When I look around, mukhang kinulong ako sa isang office. May table sa dulong bahagi niyon at mayroong maliit na sofa.

Kinuha ko ang ear piece na nakatago sa bra ko. Kinontact ko si Xykie na nakabantay sa akin.
"Xyk." I murmured.
"Tapos na agad?" Tanong niya.
"Nakilala ako ni Kiro. But find something about this Mr. Song. He is in his late 40s. Korean."
"Alam mo bang maraming Mr. Song sa Korea?" Tanong ni Xykie but I can hear her typing.
"I will get his name kapag nakausap ko si Kiro. Pinakulong niya ako sa isa sa mga tauhan niya eh." Sumbong ko.Natawa si Xykie.
"Hindi nakakatawa, Xyk." Naiinis ako.
"Nakakatawa kaya. Sayang walang cctv doon. Hindi ko kayo nakita." Sabi nito.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Kiro. Binalibag nito ang pinto pasarado. Napatalon ang pwet ko sa lakas ng kalabog.

"Bakit nandito ka?" Sigaw ni Kiro sa akin. Napangiwi ako sa lakas ng boses niya.
Napasinghap si Xyk sa tenga ko.
"At ano yang bihis mo?" Hinubad ni Kiro ang blazer na suot niya at tininakip sa katawan ko.
"Akala mo hindi kita makikilala sa maskara mong yan? Alam ba ng magulang mo na nandito ka ha?"

"Wow, iyan na yata ang pinakamahabang sinabi ni Kiro sa buong buhay na kilala ko siya." Sabi ni Xykie sa kabilang line.
"I am in a mission." Tumingin ako ng diretso kay Kiro na lalo niyang kinainis. At dahil nakaheels ako, umabot ako ng hanggang tenga niya.
"Uuwi ka ng Pilipinas." Sabi niya.
"No. I will stay here."
"Hindi. Sagarin mo ang pasensya ko Sakura. Isasako kitang pauwi, sinasabi ko sayo."
"You are not my boss. You are not even my brother." Tumaas na din ang boses ko. Nagtiim ng bagang si Kiro.
"You don't know what you are getting at. Kakausapin ko si Tito Kyle, ipapa-pull out kita." Nagngingit-ngit si Kiro sa galit.
"Suspended ka Kiro. Tigilan mo yang kakabawal sa akin. I am not a child." I shouted on his face.
"This is my work. If you could just shut your fucking mouth... I will have my report and will get out of here."

Hinablot ni Kiro ang ear piece na nasa tenga ko at ikinabit niya sa kanya habang hindi inaalis sa akin ang galit na mga mata.
"Xykie." Medyo galit pa ang boses nito.
"Connect me to your dad. Now." Utos nito. I wonder what does Xykie replying to him.
"Then connect me to Gabriel," Kiro growled.

Isinuot ko ang blazer ni Kiro para hindi malaglag sa katawan ko. Lagpas naman sa panty kong suot pero litaw pa din ang mga legs ko. Tinanggal ko ang mascara na suot ko and I cross my arms over my chest when I saw him narrowed his eyes.

"Gab. Ano ang ginagawa ni Sakura dito?" Medyo huminahon na ang boses ni Kiro.
"She was fucking dancing at the pole earlier. Take her out. I don't want her here."
Pinanlakihan ko ng mata si Kiro.
"I don't care. Take her out. I want her out." He growled again.
"You know what. Never mind. Ikukulong ko na lang siya sa opisina ko."

"Anong ikukulong?" Tumaas na namana ng boses ko.
"Magdamit ka na. Nasaan ang mga gamit mo?"
"Hindi mo pwedeng gawin yan." Inis na inis ako sa lalaking ito. Bakit ba nagustuhan pa kita? 
"Nasaan?" Sigaw ni Kiro.
"Nasa locker." Pilit kong sagot. Kinuha ko ang susi sa loob ng bra na suot ko. Sinabunutan ni Kiro ang sarili niya.
"Asahi..." Sigaw ni Kiro. Bumukas ang pintuan at pumasok si mamang nagkulong sa akin. Hinablot ni Kiro ang susi sa kamay ko.
"Get her things and bring them in here."
"Chikuso." (Son of a bitch) I said to Kiro.
Huwag ba kaming mag-usap na dalawa. Buwisit.

Forever Yours (Completed)Where stories live. Discover now