Hinhin: 18

789 22 2
                                    

“Iba talaga pag international ang beauty. Kabi-kabila ang schedules. Labas masok na lang sa bansa. Gosh. I need that too. I need a break” Maarteng sabi ni Clarine habang tinitignan yung plane ticket na pinadala ni Aila at Nico.

“Eh pwede ka naman magbakasyon eh. Ikaw ‘tong masyadong nagpapayaman.” Sabi ko sakanya habang nagpapatuyo ako ng buhok.

“Duh. Even if I want, tingin mo basta-basta na lang papaya si Dad? Pumasok ka na kasi sa board ng makakuha ako ng bakasyon. Ikaw na inaantay dun eh” Bugnot na sabi niya tsaka humiga ng tuluyan sa kama ko.

“2 weeks na lang naman ang titiisin mo. Set ka ng meeting sa board. Lilitaw na ko dun soon” sabi ko pa at hinarap siya.

Nakita kong nakatitig pa rin siya dun sa plane tickets. Naawa naman ako sakanya. Hindi na siya nakakapag out of town dahil sa company naming na dapat ako ang namamahala dahil sakin panamana yun.

“Ilang araw ba kayo sa Australia?” Tanong ni Clarine

“Three but maybe mag extend kami pero maximum na ang one week” nakangiting sagot ko sakanya at nilapitan siya.

Kailangan kasi naming umuwi agad after ng kasal ni Nico dahil aayusin ko na yung mga nabitin kong commitments. Tutulungan rin naming si Klyde at Mikee para sa kasal nila.

“Pasalubong. Aussie” Nakangiting sabi niya.

“Bat? Nagsasawa ka na ba kay Gino?” natatawang tanong ko.

“Hoy hindi ah. Joke lang yun. Mahal ko yung gago nay un kahit ganun yun.” Nanlalaking mga mata niya habang sinasabi niya. Siguro mag-kaaway sila.

Pansin ko lang walang ibang ginawa yung Author na to kundi palayasin ako ng Pinas. Yung totoo? May galit ba sakin to?

Humiga rin ako sa kama at tumabi sakanya.

“Nagugutom ako” Buntong hininga ko.

“Kelan ka ba nabusog? Lagi ka kayang gutom. I wonder kung saan mo nilalagay yung kinakain mo dahil hindi ka naman tumataba” sabi niya at tumayo.

Hinila niya rin ako patayo.

“Oh? San tayo pupunta?” Tanong ko sakanya

“Sa kusina. Kakain. Gugutom rin ako eh” sabi niya. Wala kasi si Manang ngayon. Pinagbakasyon namin.

Bumaba kami at nagluto ng adobo at bagoong rice. Namiss ko to.

Kaming dalawa lang ni Clarine yung nandito kasi si Shannia may appointment sa client niya. Alam niyo na young entrepreneur eh. Naalala ko nung nalaman kong girlfriend na pala siya ni Kai. Grabe ang cute couple nila. ShanKai shipper kaya ako. Oh di ba?

Pagkatapos naming kumain ay tumambay kami sa sala kung nasan yung TV at ibang entertainment appliance ko dito sa bahay

“laro tayong xbox? Wii?” Tanong ko kay Clarine which she agreed naman.

We set up the things and dance until we drop

“Hala maghahapunan na pala” Natatawang sabi namin nung mapagod kaming sumayaw. Grabe yung pawis naming tagaktak na naman.

*Ding dong*

Napatingin kami ni Clarine sa isa’t-isa dahil wala naman kaming ineexpect na bisita. Binuksan niya yung pinto at nakita kong pumasok si Josh, Gino, Miggy Marian at Mikee. Anong meron po?

May dala-dala silang mga tupperware kaya tumayo na rin ako para salubungin sila.

“Wow. Ang dami niyan ah” Sabi ko sakanila pagkalapag nila ng mga Tupperware sa lamesa.

When They Meet Again [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon