Hinhin: 16

730 15 1
                                    

Dedicated kay Yeolsingmachine for making my cover~ kyaaa. so ganda! *u*

xxxxxxxxx

“AkaneBabeeee” Masayang bati sakin ni Sehun pagkakita niya sakin nung pumasok ako sa Bubble’s. Nginitian ko siya at nilapitan.

“ang gwapo gwapo mo na talaga” Saad ko sakanya ng makalapit ako. Ang laki ng pinagbago ng features ng muka niya. Nagmature.

Inilibot ko yung mga mata ko sa lugar. Ang laki ng ipinagbago ng shop. Mas malaki na ito kesa sa huling punta ko at iba na rin yung mga nagseserve. Balita ko sumunod si Ate Jessica kina Sunny sa London.

“Napadalaw ka? Namith ka namin” Di mawala ang ngiti ni Sehun sa mga labi niya habang ginagaya niya ko sa isang bakanteng table.

“Namiss ko rin kayo kaya nga ako nandito eh” sabi ko sakanya. Maya-maya ay nakita kong paparating si Manager Yuri kasama si SuHo, Kai at Tiffany.

“Babyyyy!” Excited na tili ni Tiffany pagkalapit niya sakin at hinalikan ako sa pisngi. Si Manager yuri naman at yung iba ay umupo sa harapan ko.

“Asan yung iba?” Tanong ko sakanila.

“Sadly, they will not be around here anymore. May kanya-kanya silang ginagawa ngayon sa buhay at kaming lima na lang ang natirang namamahala rito kasama yung mga bagong employee” paliwanag ni Manager.

Nag mature lahat sila interms of physical attributes mas gumwapo at gumanda sila.

“Alam mo ba baby ikaw ang ginawa naming model sa mga flyers namin haha” masayang wika ni Tiffany.

“Talaga? Wow naman. Dapat sinabi niyo sakin para nagphotoshoot tayo” natatawang sabi ko.

“Busy ka kaya nun. Di naming alam san ka cocontakin. Tapos nagmomovie marathon kami sa bahay nila Mikee ng biglang magpalabas ng teaser yung Next Top Model at nagulat kami kasi nandun ka. You were nowhere to be found kaya baby” paliwanag niya sakin.

Tinignan ko si Kai at Suho na parahong nakanganga sa harap ko.

“Oh? Anyare?” Natatawang tanong ko sakanila.

“I think, it must be love” halos nagdeday dream na sabi ni Kai.

“Baliw ka talaga Kai. Miss mo ko no?” Tanong ko sakanya

“Syempre naman. Sino ba naman ang hindi makakamiss sa isang Akane Sachiko?” At kinurot niya po yung magkabilang pisngi ko.

“I’m happy you’re back for good. But are you okay?” Halata ang concern sa boses ni Suho habang tinatanong niya ko.

“Yes I’m okay and nothing to worry” sagot ko sakanila.

“Himala di mo ata kasama yung pamangkin kong magaling?” Biglang tugon naman ni Manager Yuri

“May practice sila ng basketball. Di na ko sumama kasi sabi ko pupunta ako dito eh” sagot ko sakanya.

Nagkwentuhan kami until our hearts content pero kulang ang isang araw samin. Halos mag-gagabi na ng maisipan kong umuwi. Kundi lang nagtext si Clarine ay baka di pa ko uuwi eh.

Habang bumibyahe pauwi ay may nakita akong isang pamilya na napaka saya. I wonder if ever na hindi ako inampon nila Mom and Dad will I be able to meet Miggy? Ano kaya ako ngayon kung ang kasama ko ay yung mga biological parents ko? I envy those child who was raised by their biological parents but I am grateful na napunta ako sa family ko ngayon.

Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako ng halik ng pinakamamahal kong lalaki sa mundo bukod kay daddy, si Miggy. Yung feeling na ang sarap sa pakiramdam na sa sobrang dami niyong pinagdaanan ay kayo pa rin pala talaga.

When They Meet Again [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon