Hinhin: 10

1.1K 18 6
                                    

“Candy, Anak. Okay ka lang ba?” Tanong sakin ni Mommy pagpasok niya sa kwarto ko.

“Yes Mom. I’m fine. Better than ever.” Sabi ko habang nakatanaw sa mga luntiang damo sa labas ng balkonahe ng kwarto ko hawak ang isang kopitang naglalaman ng juice. Hindi ako pwede ng alak. Makakasama sa baby ko.

“Bakit mo ba kasi pinakawalan pa si Miguel? Akala ko ba mahal mo siya?” Nafufrustrate na tanong ni Mommy. Alam ko gustong-gusto nila si Miguel para sakin. And ngayong oras na to ay kalat na kalat na ang balitang hindi natuloy ang kasal naming.

“Ma, kaya ko nga siya pinakawalan kasi mahal ko siya.” Wala na kong iiyak. Lahat naibuhos ko na kagabi habang ginagawa ko yung desisyon ko habang pinag-iisipan ko.

“Ewan ko sayo anak.” Iiling-iling na sabi niya bago lumabas ng kwarto ko. Hindi ko siya nilingon.

“Masaya ka naman ba?” Nagulat ako sa boses nay un. Boses ni Arianne ang bestfriend ko.

“Pano ka nakapasok dito?” Takang tanong ko sakanya at nilagok yung laman ng kopita ko.

“Duh, edi dumaan sa pinto.” Ano pa nga ba ang aasahan ko sakanya? She’s always like that.

“Again, are you happy?” Makulit na tanong niya sakin.

“Yes I am. Masaya ako para sakanya. Masaya ako basta masaya siya.” Sabi ko while holding back my tears.

“Ah talaga? Baket, kelan pa ba nagging masaya ang masaktan? Kelan ba nagging masaya ang magparaya? Kelan ba nagging masaya ang mawalan ng minamahal?” Malungkot na tanong niya. Hindi ako sumagot at tumitig lang ako sa kawalan.

“Don’t be so hard best. Don’t pretend you’re okay if you are not. You can cry. You know, I’m always here for you” sabi niya ng lumapit siya sakin.

How lucky I am to have her. Isa siya sa nagbibigay lakas sakin.

“Sometimes you have to smile and pretend everything’s okay. Hold back the tears and just walk away.” Makahulugang sabi ko sakanya.

“So you will walk away from all of this?” mahinang tanong niya.

Tumango ako.

Balak ko na kasing bumalik sa Australia.

“But how about Jay?” Tinutukoy niya yung tatay ng magiging anak ko.

“If he really loves me, he will find ways to find me.” Sabi ko at tinalikuran ko na siya upang ayusin yung mga bagahe ko.

“So parang BDO? We finds ways ang peg?” Natawa ako sa sinabi niya kahit nagbabadya ng pumatak ang luha ko ano mang oras.

Umupo ako sa gilid ng kama upang makapagpahinga. Sumasakit na kasi yung mga binti ko.

“For four years, nagpursige ako. Akala ko sa loob ng panahon nay un ay maibabalik ko yung pagtingin niya sakin. Masyado kong minaliit yung nararamdaman niya para kay Akane. I should now na dadating tong panahon na to. Sana nung nag propose pa lang siya ay tinanggihan ko na. Ipinilit ko sakanya ang sarili ko sa loob ng apat na taon at sa panahon nay un iilang beses niya rin akong tinanggihan. Malaking pagbabago ang idinulot sakanya ni Akane. Sobra ang pagiging miserable niya dahil sakin dahil ako ang kumausap kay Akane para layuan siya. Para iwan siya para sa pangsariling kagustuhan ko lang.” Pumatak nan g tuluyan ang luha ko dahil kahit anong gustohin mo para tumatag ka ay hindi mo magagawa lalo’t sobra na ang nararamdaman mo.

Niyakap ako ni Arianne upang iparamdam na hindi ako nag-iisa.

I want to sue Disney Movies for planting the ideas in my heads that everything ends up happily ever after. Pag lumabas ang baby ko I will not allow him or her to watch fairytales para hindi siya umasa.

When They Meet Again [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon